TAHIMIK lang kami buong biyahe at ang mahinang tugtog lang mula sa radio ang nagmimistulang maingay.
Malapit na kami sa sakayan ng jeep kaya napag-isipan ko nang magsalita."T-thank you p-pala kanina sa paghatid mo sa akin sa ospital, salamat rin sa paghatid sa akin ngayon. Dito mo na lang ako ibaba." I said in a low tone voice. I barely hear my voice dahil sa naririnig kong malakas na pagtibok ng puso ko.
He stopped the car and I tried to open the door pero naka-lock pa rin kaya I looked at him.
"That's it?" I gulped as I heard him talk. What does he mean?
"Ha?" I tried to stern my voice. I should try to talk to him.
"How are you? Bakit ka nahimatay?" Yumuko ako nung tumingin siya sa akin ng malamig and I tried to focus my attention sa mga daliri ko.
Do I need to tell him about it? No, not at this moment.
"S-stress l-lang daw." I stammered, I'm not going to tell him about my pregnancy. He doesn't need to know. It will ruin him more.
"Okay." And I heard the door click hudyat na he unlocked it.
"T-thank you ulit, ingat ka." I said before I close the door.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. I don't know kung saan ako magpapalipas ng gabi, it might be really disturbing if pumayag ako sa alok ni Patrick. I don't want to go near Dence, mas lalo akong nahihiya at nakokonsensya.
Wala na akong choice kundi tawagan si Arrhenius, he is the only one that can help me right how. Sana pautangin niya ako.
I called him and I'm glad he immediately answered.
"Hello, Lowry baby."
"Pwedeng pautang?" Narinig kong natawa siya sa kabilang linya.
"Syempre, isang milyon ba?" Sana hindi ko na lang siya tinawagan.
"Joke lang, wag mong ibababa. Nasaan ka ba ngayon?"
I told him about my location at sinabi niyang madadaanan niya raw ako.
✧*。✧*。✧*。✧
WHAT happened earlier almost killed me from worrying, she collapsed and I thought there's something wrong with her. I was silently praying the whole time na she will be fine.
Bumalik pa ako ulit sa ospital only to find out na naka-discharge na siya. Bakit ba kasi nagpapa-stress siya? Is there something wrong? What the heck? Why do I care about her?
Remember that I loathe her so much, she's no good for my system.
Mahina kong pinukpok yung ulo ko at dumiretso na sa parking lot ng hotel na pagmamay-ari ko.
I chose to enter the main entrance ng hotel kahit may private na daanan naman para hindi na ako makihalubilo pa sa mga tao. Habang papasok ako ay may naaninag ako na pigura ng isang babae, it looks Lowry. Shit, bakit I am hallucinating? What's happening with---
It's really her, my jaw dropped when I saw her at the reception and my eyes almost popped out na makitang kasama niya si Arrhenius. The fuck, she lied to me. Mag-checheck in pala sila kaya hindi siya sumama sa akin.
Why do I even care? Hindi niya naman ako jowa, ugh.
I am wearing a fur coat na nakatabon sa suot ko kanina at naka-sunglasses din kaya I guess hindi nila ako makikilala. I walked closer to them, trying to act like a stranger.
Chismosa siya nay HAHAHAH
"Naku, Arrhenius. Salamat, pero doon na lang sa pinaka-cheapest na hotel room yung piliin mo--"
I mentally laughed ang cheap naman. The last time, I brought her here dito sa same hotel na 'to kung saan may nangyari sa amin ay sa VIP room kami---- freak, why am I trying to remember and compare it?
"Sigurado ka ba? If that's what you want." I wanted to punch this guy's face pero mabuti at ayaw kong gumawa ng eksena.
"Oo naman, salamat talaga. Wag kang mag-aalala babayaran kita pag makakasweldo na ako, makakaalis ka na." She shyly said.
Tsk, if I am her boyfriend. I won't let her pay even a single penny--- darn it.
"Aalis na ako, are you sure okay ka lang dito?" He can let her stay in a hotel alone? Mabuti naman.
"Yes, maraming salamat talaga." I almost burst in anger nung halikan na naman siya nito sa noo. Why do I feel this seething anger? Argh.
He left already kaya mas nakakalapit na ako kay Lowry. She really can't notice that it's me.
Nang mabigyan siya na susi ay umalis na siya and it's my turn. The receptionist recognized me but I motioned her to keep quiet, I asked her kung ano yung number ng room ni Lowry and she told me.
Mabuti naman at hindi okupado yung katabing kwarto. I'm still wondering bakit siya umuupa sa hotel.
✧*。✧*。✧*。✧
NASA labas pa lang kami ni Arrhenius para akong binigwasan ng malamig na tubig nang mapagtanto na sa isang pamilyar na hotel kami pumunta.
The memory that I could remember ay yung umalis na ako sa hotel room and took a glimpse one last time sa hotel na 'to.
Sumunod lang ako kay Arrhenius hanggang sa makapasok kami at tumungo sa reception. I'm really grateful sa kaniya dahil he even drove me here kahit na galing pa siya sa trabaho. He even lent me money para maka-renta, I told him na sa murang motel lang ako magpapalipas ng gabi but he insisted on na dito daw.
Nang makuha ko na yung hotel key ay nagpaalam na si Arrhenius. Habang naglalakad ako patungo sa room ko, I saw a woman following me pero isinawalang bahala ko lang realizing her room is beside mine.
NAGISING ako ng maaga but instead na maging maganda ang araw ko ay bigla akong nasuka and I am feeling uneasy. I have this morning sickness na normal lang sa isang buntis.
Nang mahimasmasan ako ay naglinis na ako ng katawan at nagbihis. Papasok na ako sa trabaho, after my routine ay umalis na ako.
Lumabas na ako ng hotel room holding my duffle bag, yung maleta ay iniwan ko sa cabinet ng modeling company. Maybe I can sleep there para mamayang gabi kung hindi pa ako makakahanap ng matitirhan.
NASA labas na ako at napag-isipan kong maglakad na lang dahil sa tingin ko ay malapit lang naman ang company kung lalakarin, yung pera kasi na ipinahiram ni Arrhenius ay pananghalian ko na mamaya.
Mabuti na lang din siguro na maglakad ako para exercise na rin.
A car stopped beside me at napagtanto kong sasakyan ito ni Dence. Nagulat ako nung binaba niya ang bintana and I saw him, still looking pretty sa suot niyang baby pink suit.
"Sumakay ka." His voice was full of authority nang sabihin niya yun. He opened the door at hinihintay akong sumakay.
Tumango ako at umupo tabi niya.
Baby, your daddy-mommy wants to drive us para hindi na tayo mapagod. I smiled at that thought pero kalaunan ay napalitan rin.
I felt a pang nang maisip na hindi pala yun posible, that it won't happen pala. I'm sorry baby.
At sa buong biyahe ay wala na naman gustong magsalita. Yet, in a while ay binasag niya ang katahimikan.
"Did you stay in that hotel?" Nagulat ako sa tanong niya. Shit, he will think right now that I lied patungkol sa sinabi ko na sa bahay ako ng kaibigan manunuluyan.
"Y-yes." I stammered.
And he didn't say a word after that hanggang sa nakarating kami sa building ng company. Nung makalabas ako ay nauna na akong pumasok habang siya naman ay pinark ang kotse sa basement ng building.
Everyone greeted him pero tango lang ang tugon niya. Ang cold niya talaga at tila walang pinapalampas kahit si Madam B.
![](https://img.wattpad.com/cover/368997619-288-k692811.jpg)
BINABASA MO ANG
Cocktails And Regrets (One-off Series #5)
RomanceAnother gayxgirl short-story considered as novelette. This story comprises an approximate 15,000 word count xo. The story of Dencio and Lowry ♡ Book Cover: Made from Canva