"DENCE, wag ka ng umiyak. Manloloko talaga lahat ng mga lalaki, yaan mo na yun palibhasa poor kaya ikaw ginawang ATM."
"Sabi ko naman sayo ih na lolokohin ka lang nun. Wiz ka nakinig, paano na lang at naging official talaga kayong mag-on edi lahat ng kayamanan mo ay mapupunta sa kaniya---- ay wait bakla, ang chaka mo na, hindi naman pala waterproof yang maskara mo, mabuti talagey hindi ko chineck out yan sa shopee."
"Hulas na hulas yung fes mo," hirit pa niya.
Tumatangis na ako't lahat-lahat pero insulto pa rin ang inabot ko sa mga bading na 'to.
"H-hindi k-ko kasi matanggap na pinaasa tas ipinagpalit ako, at sa tahong pa rin kasi siya kakalampag. Putangina naman kasi niya, a-akala ko mamahalin niya na ako d-dahil m-mukha naman akong babae ah."
Umiyak ako ng umiyak, hindi ko talaga matanggap. Pinaasa ba naman kasi ako na magiging kami na sa susunod na buwan.
Nagluluksa talaga ako ngayon kasama ng mga chararat kong friends, hindi ko talaga matanggap na yung perang binibigay ko sa damuhong yun ay ipinapantustos niya sa luho ng girlfriend niya. Pota----speaking of that evil witch.
I saw her enter the premises along with her friends?! They look bitchy, tsk.
"Girls, ako na yung o-order ng drinks natin," dinig kong sigaw nung babaeng kinaiinisan ko.
Siya yun. Siya yung babaeng nakita ko noon sa cafe na binigyan ni Arrhenius ng bulaklak at chocolates, argh baduy. Sa dinami-dami ng lugar sa mundo ay makikita ko pa talaga siya dito sa bar na pagmamay-ari ko.
"Hoy girl, natitibo ka na ba't nakatitig ka sa isang merlat?" Nanlisik ang mata ko sa sinabi ni Patricia.
Kinuha ko ang compact mirror sa purse ko and see my reflection. Hindi naman pala hulas yung make-up ko, I am still the prettiest.
Sunod-sunod na nilaklak ko ang bote ng whiskey at tumayo.
"Saan ka pupunta bading?"
"Somewhere." Hindi ko na sila nilingon at mabilis na naglakad patungo sa bar counter kung nasaan yung chakang bruhang yun.
Hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya ay sinuri ko muna siya from head to foot, hindi ko naman makitaan sa kaniya ng kung anong ikagagalit ko. She seems like innocent and sweet--- shit, wala akong paki. Siya pa rin yung dahilan ng pagluluksa ko.
"Kuya, ano po bang lasa ng inumin na yan?"
Tumabi ako sa kaniya at hindi ko maiwasang matawa sa isipan dahil para siyang batang nakikipag-usap sa bartender. Nagbibiro ba siya?
Or she's really just flirting at way niya yan para mang-akit? Ganyan niya ba inakit ang Arrhenius ko?!
Pinasadahan ko ng tingin ang ayos niya. She's not wearing a revealing get-up compared to her friends dahil parang may sinusunod na dress code ang isang 'to. Nakasuot siya ng pink cardigan with a sleeveless underneath at yung lower niya ay baggy pants.
Pfft, kulang na lang ay ID at tote bag dahil para siyang typical student na pumapasok lang sa school.
Compared to me, I am more chic and looking exquisite. I'm in my glam makeup look, wearing a red velvet bodycon mini dress that fits my lean body, and having a beaming confidence. Overall, I am prettier than her.
My attention was drawn to her as she spoke.
"May drinks po ba kayong hindi nakakalasing? How about that pink colored drink---" I cut her words. Umiinit na yung katawan--esti ulo ko sa babaeng 'to.
"Girl, can you please make it bilis to order? See maraming tao na naghihintay." I did my very best to sound like a conyo girl. I rolled my eyes at her.

BINABASA MO ANG
Cocktails And Regrets (One-off Series #5)
Storie d'amoreAnother gayxgirl short-story considered as novelette. This story comprises an approximate 15,000 word count xo. The story of Dencio and Lowry ♡ Book Cover: Made from Canva