NAKATAPAT na sa akin ang mga camera and I do different poses, I wore and changed different outfits at ilang shots pa bago sumapit ang lunchtime.
Nasa gilid lang si Lowry at nakatanaw sa akin, adoration and fascination is evident to her face. Tsk, I look really pretty and I'm immune to it. Tumitig ako directly sa mga mata niya that made her blush and looked away.
Lowry is my assistant, siya ang taga-sunod at taga-gawa sa mga kinakailangan ko. She never complained at puro tango lang siya sa mga sinasabi ko. As she should, it's her job anyway.
It's 12 noon, may mga nakahanda ng different na pagkain for our lunch but I want to do something for Lowry to suffer a bit. I want her to complain at magalit, she seems innocent but I know there's something she's hiding inside. Tsk, alam kong hindi niya matitiis yung paghihirap na mararanasan niya sa akin.
"Lowry, can you please buy me a fresh tortilla sa mall?" Everyone looked at me pero nagpatuloy rin sila sa pagkain. Usually kasi daw ay sabay lahat kumain every lunchtime but now, I'll make an exception for her.
"Oorder na lang po ako sa food panda---"
"No, it will take 30 minutes bago nila mahatid at hindi na rin mainit. I am craving a fresh and hot tortilla." Nakita ko naman ang pagtango niya at umalis agad, she didn't ask what I wanted for drinks maybe I can request later on.
Ilang minuto din ang lumipas and I'm kinda full na dahil kinain ko na yung steak na naka-prepare for me. I'm on my diet by the way.
Nakarating na rin si Lowry carrying a paper bag na may laman nung inutos ko. She looked stressed out, deserved.
"Miss, ito na po," hindi ako nahiyang dumighay.
Nakita ko naman ang pagngiti niya na tila masaya dahil sa narinig, shit bakit parang kumalabog ng mabilis yung puso ko? Damn. Tinaasan ko siya ng kilay na nagpapigil sa kaniyang pag-ngiti.
"Opss, I'm already full but thank you tho---"
"It's 1 pm already, Dence. Let's start within 15 minutes." Tumango ako sa sinabi nung cameraman na si Zach but my head heated sa sumunod niyang sinabi.
"Kumain ka muna Lowry, nagtabi ako ng lunch mo doon sa pantry---"
"Magsimula na tayo, Zach. Lowry, can you buy me a bubble tea doon sa milk tea shop malapit dito?" Iritado kong utos. Kahit nag-aalinlangan man ay tumango pa rin siya at ngumiti, hindi sa akin kundi sa cameraman. Argh, she's getting into my nerves bakit parang wala lang sa kaniya?
✧*。✧*。✧*。✧
I CAN'T focus sa ginagawa namin. Hindi pa dumarating si Lowry, it's been 30 minutes at wala pa yung presensya niya. Walking distance lang naman yung tea shop dito.
I shrugged that thought, bakit naman ako makokonsensya? Tsk, baka mahaba lang yung pila. She should wait until it's her turn.
Pero hindi pa siya kumakain ng lunch?
My eyes widened ng ma-realize iyon. Yet, I shrugged that thought away. Bilisan niya dapat yung ginagawa niya para makarating siya dito and eat her lunch.
"Dence, are you alright? Look at the camera---"
"I'm not feeling well can I rest for a while?" I'm making up an excuse just to calm myself but ghad, she's not still here. I'm pacing back and forth at hindi mapakali sa kinauupuan.
Mabuti at pinayagan naman nila akong mag-rest, shit. Why am I so concerned about her? Syempre, kargo de konsensya ko kung may mangyaring hindi maganda sa kaniya. Shit. I tried to call her pero narinig ko yung pag-ring ng phone niya na nasa table, bakit niya ito iniwan?
An almost hour left at para akong first time makahinga sa tanang buhay ko nung makita ko siyang hinahangos na pumasok. Hindi niya alintana ang pawis sa noo at dali-dali siyang lumapit. Dala-dala niya ang supot nung inutos ko sa kaniya and she's panting hard. Kumulo yung dugo ko dahil sa pag-aalala na idinulot niya sa akin.
"Bakit ngayon ka lang?!" I was frustratingly asking her, and I know that I went overboard dahil sa pagtaas ng boses ko. She got stunned at nakita kong nabitawan niya yung hawak niya, and the bubble tea splashed sa sahig. I didn't know na madali lang siyang magulat.
✧*。✧*。✧*。✧
DALI-DALI akong bumalik sa tea shop at bumili ng bubble tea na inutos sa akin matapos kong samahan yung nahimatay na matanda sa ospital. Goodness, ang init talaga ng panahon kaya kinakailangan na uminom ng maraming tubig at manatili na lang sa bahay.
Kumalam yung sikmura ko kaya lakad-takbo na yung ginagawa ko upang makarating sa studio. Nagugutom na si baby.
I guess Dence is fuming mad dahil hindi ko pa naihahatid yung inutos niya.
Parang sinasadya niya talagang utus-utosan ako, I can't blame him naman. Maybe sa paraang 'to ay maibsan yung galit niya and it's also my job as his assistant, keri ko ito.
Nang makarating ako ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Dence. I got stunned nung sigawan niya ako that made me let go of what I'm holding.
"Bakit ngayon ka lang?" He exasperatedly shouted. Nakatingin yung karamihan sa amin at nakita ko yung iba na parang nanggigigil kay Dence. Yumuko ako dahil para akong naiiyak at anytime ay ngangawa ako sa harap niya.
"I'm s-sorry," hindi ko talaga maiwasang hindi maiyak, shit. I'm a crybaby, I felt Brina tapped my back. She knows that I am pregnant kaya alam niya why I am breaking down.
"Why are you crying?" Hindi ko makita ang ekspresyon ni Dence dahil patuloy lang ako sa pag-hikbi. I don't want to stress myself, it's bad for my baby's health.
"I'm really s-sorry, something happened a-along the w-way." Shit. I can't talk straight. Pinapangunahan ako ng emosyon ko.
Baby, your daddy-mommy is making us cry.
"Shhhh," I heard Dence whispered at hinila niya ako papasok sa pantry. Nagpatianod naman ako at para namang nawawala yung bigat sa dibdib ko dahil sa paghawak niya sa akin.
✧*。✧*。✧*。✧
MY WHOLE system was shaken dahil sa pag-iyak niya, I don't want to see her shed tears. She's fragile and sweet, she doesn't deserve to be hurt.
Fuck, ano ba yung ginawa ko? Why did I want her to suffer?
Because you became confused since that night you spent a passionate night with her.
Umiling-iling siya at iwinakli sa isipan ang bulong ng ibang parte ng utak niya.
I listened to her explanation at kahit sa pagsasalita ay may umaalpas pa rin na iyak sa bibig niya. I want to hug her tight and calm her, pero ano nga ba yung karapatan ko? And why would I do that anyway?
I learned from her na may tinulungan siyang matandang babae na nahimatay sa daan, she was the one who called the ambulance sa nearest ospital at sinamahan niya pa ito upang masiguro niyang uunahin ang lola.
God, she's the most down-to-earth person I have ever encountered. She doesn't deserve to live in this cruel world. Yet, I did cruel things to her.
Pagkatapos niyang mag-lunch ay hinayaan ko lang siyang matulog sa may couch dito sa pantry and let her rest. Maybe she's having a hard time with something, baka may mga problema siyang iniinda.
Nakatitig lang ako sa kabuuan ng mukha niya at hinaplos ito. She looks really lovely and sweet, I reached for her cheeks at pinatakan ito ng halik. I don't know why I am doing this, it seems like I need to.
BINABASA MO ANG
Cocktails And Regrets (One-off Series #5)
RomanceAnother gayxgirl short-story considered as novelette. This story comprises an approximate 15,000 word count xo. The story of Dencio and Lowry ♡ Book Cover: Made from Canva