NAGISING ako mula sa pagkakatulog dahil sa naramdaman kong haplos galing sa kamay ng hindi ko inaasahang tao. He was smiling widely while looking at me, I can't believe it to see him in an unexpected place.
Hindi siya nakasuot ng usual niyang get-up; wigs and makeup. He looks manly sa ayos niya ngayon, ang pogi--- este bading. Why is he here?
"Hi, pwede na tayong bumaba. You are already awake," hindi nga ako nananaginip. He is with me the whole time.
Ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin at nanunuot sa ilong ko ang bango ng hininga niya, napatabon naman ako sa bibig ko dahil I felt conscious baka mabaho yung hininga ko.
"B-bakit h-hindi mo 'ko ginising, hindi tuloy nakapamasada ulit yung driver---"
"I paid him thrice sa kinikita niya sa isang araw para lang hindi na siya mamasada, you are sleeping. I don't want to disturb you." Uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Why did he do that anyway?
"Why are you here? Wala naman akong sinabihan sa pag-alis ko." Tumayo na ako at lumabas ng bus, sumunod naman siya.
"I just want to see you--"
"Para saan? Babalik ka na ba sa modeling agency at need mo ng assistant? Didn't they tell you that I resigned?" Hindi siya sumagot sapagkat ay nakatingin lang siya sa tiyan ko, hinaplos ko ito. I am wearing a maternity dress kahit hindi pa naman talaga sobrang laki yung tiyan ko pero makikitaan na talaga na buntis ako.
He already knows that I'm pregnant during that time na hinatid niya ako sa hospital, maybe he's wondering who the father is.
"Let's have dinner, baka gutom na si baby."
Pumanting yung tenga ko sa sinabi niya, it's our baby.
Pumasok kami sa malapit na resto at siya yung nag-order para sa aming dalawa. Bakit niya ba 'to ginagawa? Hindi ko alam ano yung maaari niyang rason.
I thought of one reason pero imposible.
Umupo siya katabi ko at kasunod naman ay dumating na yung waiter dala-dala nung order namin. Natakam ako sa mga pagkain na nakita, it's all nutritious pero may fried chicken din. My brows knitted ng mapansin kong may mainit na gatas, I didn't know that they serve milk.
I started eating at napansin ko na hindi pa niya ginagalaw yung kaniya because he's only staring at me.
"Kumain ka na oi," I stated kahit puno pa ng pagkain yung bibig ko, I'm hungry kasi. Ngumiti naman siya at parang natutuwa.
"Yup. Eat more, kinakailangang mabusog ni baby." At nilagyan niya pa ng vegetable salad yung plato ko. My heart melts sa kung paano niya alalahanin yung anak ko, anak namin.
✧*。✧*。✧*。✧
WALA akong choice kung hindi ang isama si Dence sa bahay ng lola ko. Gabi na rin kasi at alangan naman na paalisin ko siya, he told me na iniwan niya yung kotse niya sa terminal.
I'm excited to see lola, na-miss ko siya ng sobra. Dahan-dahan akong kumatok habang nakasunod lang sa akin si Dence and he's holding my stuff. Ilang minuto ang lumipas and the door opened at bumungad sa amin si Lola Malena.
"Magandang gabi, la." At nagmano ako, masayang-masaya naman si lola at pinapasok ako. She stared at Dence na parang sinusuri ito.
"Sino siya apo?" Lumapit naman si Dence.
"Magandang gabi po," tugon niya at aakmang mag-mano pero parang nag-aalinlangan siya. Still, lola accepted it.
"Boyfriend ka ba ng apo ko, hijo?" Tinaasan ko ng kilay si Dence at sinenyasan na hindi but he just smirked.
BINABASA MO ANG
Cocktails And Regrets (One-off Series #5)
RomanceAnother gayxgirl short-story considered as novelette. This story comprises an approximate 15,000 word count xo. The story of Dencio and Lowry ♡ Book Cover: Made from Canva