Chapter Seven

621 10 0
                                    

CHAPTER SEVEN

“NABABALIW ka na,” asik ni Jaina kay Brandon. Naramdaman niyang nagtayuan ang mga balahibo niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit iniisip mong may magbabago sa pagkakataong ito, Brandon.”

“Talaga? Kung ganoon ay bakit iwinala mo sa pagsusugal ang ganoon kalaking halaga?”

Nalito siya. Ano naman ang kinalaman ng pera sa usapang iyon? “A-alam mo kung bakit,” wika na lamang niya kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na lumuwag ay lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “Brandon, bitiwan mo na ako,” pakiusap niya.

“Ang sabi ni Ceña, parang wala kang galit sa pera kung magpatalo, kahit alam na alam mo ang kahihinatnan niyon.”

“At naniwala ka naman sa kanya? Hindi mo man lang naisip na maaaring nagsisinungaling siya?”

“Maaari mong sabihing ganoon nga,” mahinang sabi nito, saka nagkibit-balikat. “But I’ve been thinking. Hindi kaya may iba ka pang motibo para ilagay mo ang sarili mo sa ganoong sitwasyon, lalo na ang makihalubilo sa ganoong uri ng tao?”

“Iniisip mo bang sinadya kong ilagay ang sarili ko sa ganoong sitwasyon para may rason ako na lumapit sa iyo?” sarkastikong tanong niya.

“Ganoon nga ba?” patanong na sagot nito. “O mas komplikado kaysa roon?” Matamang tinitigan siya nito na waring sa ganoong paraan ay mababasa nito ang laman ng kanyang isip.

“Kahawig ko ba o ni Salvador Ceña ang lalaking umatake sa iyo?”

Para siyang nayanig sa kinatatayuan. Napaawang ang kanyang bibig. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para malamang namumutla siya. At marahil ay iyon lang ang hinihintay niya. Tila mapait na lason na lumabas sa kanyang bibig ang mga salita mula sa pinakaibuturan ng kanyang pagkatao.

“Hindi lalaki kundi mga lalaki,” matigas na wika niya. “Dahil dalawa silang lumapastangan sa akin! At kung gusto mo pang malaman, sa elevator nila ginawa iyon... sa isang elevator!”

Bumalatay ang pagkabigla sa mukha nito. Sinamantala niya ang pagkamaang nito para makalayo rito. Hinila niya ang braso mula sa lumuwag nang pagkakahawak nito. Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa loob ng bahay. Nausea was rising in her throat. Kailangan niyang makalayo mula rito kahit nanginig ang kanyang mga paang tila kay bibigat para ihakbang.

Halos marating na niya ang pinto bago niya maramdaman ang mariing paghawak ni Brandon sa braso niya upang pigilan siya. “Huwag mo akong hawakan!” malakas na hiyaw niya kasabay ng pagpupumiglas. “Bitiwan mo ako!”

Pinakawalan naman siya nito. Patakbong pumasok siya sa kabahayan. Noon niya namataan ang minibar. Nagtungo siya roon at mabilis na ipinagsalin ang sarili ng alak at nilagok iyon. Gumuhit ang init at pait niyon sa kanyang lalamunan.

Nilapitan siya ni Brandon. “I’m sorry. Ang tanging alam ko ay... ay inatake ka isang gabi habang pauwi ka. Wala akong alam sa mga detalye. Ayaw sabihin sa akin ni Leslie. I jumped with both feet and I apologize. It was both pitiless and inconsiderate.”

Tama kung ganoon ang hinala niya. Besides, wala namang ibang tao siyang puwedeng paghinalaan. Walang ibang nakakaalam niyon kundi sila lang ni Leslie. Pero piling detalye lang ang ibinigay niya sa kanyang kapatid. Walang alam ito sa mga bagay na kasasabi lamang niya kay Brandon.

“Nag-aalala siyang masyado sa kalagayan mo, Jaina. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo ikukuwento sa iba ang nangyari sa iyo.”

“Kaya ba sinabi niya sa iyo?” sarkastikong tanong niya.

“At ano ang inaasahan mong gagawin niya?” ganting tanong nito, kahihimigan na rin ng galit ang tinig. “You shut her out. At ganoon din ang ginawa mo sa akin. Iyon ang ginawa mo sa dalawang taong nagmamahal sa iyo nang lubos.”

Forbidden by Olga MedinaWhere stories live. Discover now