When He Says (1)

99.4K 1.7K 150
                                    

When He Says 1


KRISTEN'S SIDE:


Maaga akong nagising dahil sa Alarm ko. Normal lang ang gising kong ito, no important appointments to attend (bongga uma-appointments). Pumasok si Kuya sa kwarto ko isa lang ang meaning nito, almusal na. Serious mode si Kuya mapagtripan nga.


"Almusal na bunso." Sabi niya in serious mode and tone.


"Kuya may ipagtatapat ako sa'yo." Sabi ko rin still, serious mode ang peg.


"Ano yun Bunso?" Sagot nito sa'kin, makikita mo ang pagtataka at pag-aalala nito sa kanyang mata. Gusto ko ng matawa pero kailangan kong pigilan.


"Kasi Kuya." Paiyak na 'ko kunwari.


"Ano nga pinapakaba mo 'ko." OA na reaction nito at mataman pa rin itong nakikinig sa'kin.


"Kuya, Kuya BUNTIS AKO!" Napatingin siya sa'kin na parang gulat na gulat. That epic face, priceless!


"ASDFGHJKL! Ano ba 'yang pinagsasabi mo huh? Akala ko naman kung ano! Niloloko mo na naman ako Kristen! Paano ka naman mabubuntis aber?" Napataas na ang boses niya.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Walanjo ko pa ring tawa at pilit na dinededma ang pagsermon niya.


"Sige ganyanin mo pa 'ko bunso. Tsk tsk." Tumigil na ako dahil alam kong oras na para magseryoso.


"Okay hindi na niloloko lang naman kita kuya eh." Pagpapakumbaba ko sabay tayo sa kama. Si Kuya naman ay papalabas na ng pintuan ng kwarto ko.


"Hindi siya magandang biro." Sabi niya sabay baba ng hagdan. As usual, sumunod na 'ko sa kanya ayoko naman maburo ang ganda ko dito sa kwarto nuh!


"Asan si Mama and Papa?" Tanong ko kay kuya habang naghahanda na siya ng almusal.


"Umalis may aasikasuhin daw."


"At ano naman 'yun?" Usisa ko habang nakatayo pa din ako sa hagdanan.


"Ewan ko! Kumain na lang tayo at may pasok ka pa sa school."


So ayun na nga pumunta na ako dun sa table at umupo sinimulan ko ng bigyan ng hustisya ang pagkaing niluto ni Kuya. Oo nga pala, siya si Kuya Paolo ang aking oh so 'overprotective' na kuya. Ako? Sino ba ako? Ako naman si Kristen, nanggaling ang pangalan ko sa pangalan ng aking nanay at tatay. Krisanta ang aking dakilang nanay at si Stephen ang aking butihing ama.


Tanggap ako ng pamilya ko kung ano ako. I'm gay pero hindi ako nagcro-cross dress (no offense mga ka Fed-Ex). Ayoko magfeeling babae noh! Para saan pa't may ginawa din namang mga damit pang lalaki?  Pero sino ba ang nakakaalam, baka mamaya i-try ko rin soon!  


"Bunso ano oras uwi mo today?" Tanong ni Kuya habang kumukuha ako ng ulam na niluto niya.

His Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon