N/N:
Tyaga-tyaga lang hahaha. Pasensya kung masyadong matagal ang UD na ito this past few days kasi sobrang busy ako, you know what I mean ahahaha Charr para 'yun sa pag-aaral ko. Salamat sa mga nagbabasa nagco-comment, nagvo-vote at Maraming salamat sa mabuti kong kaibigan Aileen Berza Lucas until now hindi pa rin ako makamove-on hahahaha. Bitin ito *Spoiler Alert*
And Guys after niyo 'to basahin leave comments and votes muna then paki-click ang external link pakibasa kung ano nandun. Then kung magustuhan niyo paki-commentan na rin ayun kasi ang feel kong pinakamagandang gawa ko, feel ko lang naman. :)
When He Says 8
KRISTEN'S SIDE:
Nakauwi na kami sa Pilipinas and this time, Sunday at bukas back to school na ulit kami. Actually until now hindi ako sanay kasi sa isang condo kami nakatira ni Patrick sa Illumina Residences kung makikita niyo siya sa Kalentong sa tapat ng Don Bosco Salesian. Maganda ang ambiance..
Si Babe naman ay busy lang sa kaka-reveiew sa lessons nung umalis kami kasi daw may test bukas ngayon lang din siya nagpahinga pero siyempre hindi na naalis samin ang init 'twing gabi, lam niyo na guys ! hahaha. Hindi alam ng mga bakla na lumipat na ko ng home.. Kaya aalis ako ngayon at pupunta kaming Luneta, sasama daw ni Paula si JP which is pumayag naman.
"Babe punta lang akong Luneta, kasama ko sina Paula."
Naglalaro kasi si Patrick ng Candy Crush habang prenteng prenteng nakaupo sa sofa.
"Sama ko." Sabi niya at akmang tatayo na pero hinawakan ko ang dalawang braso niya at itunulak siya at inupo.
"Wag kana sumama, ngayon ka na nga lang magpapahinga tapos magpapakapagod ka nanaman." -Concern eh.. Hahaha
"Tss ok dapat 5pm andito kana." Sabi niya.
"Ang aga naman.!" Sabay padyak paa.
"What do you like.? Hindi kita payagan.? Sabay tayo dapat magdi-dinner tss."
"Oo na sige na." lalabas na sana ko ng hinila niya ko.
Aba, dumada-moves, kiniss lang daw ba ko sa lips eh.. Hayyy.
"I love you babe, ingat ka." Sabi niya.
Lumabas na 'ko sa unit namen, tinext ko na ang mga bakla na papunta na 'ko..
**
Mainit at maaraw nung dumating ako sa Luneta, in all ferness ang laki ng pinabago nito. And sabi nila maganda na daw dito pag gabi because of the musical fountain which is gusto kong makita mamaya.
Tumambay muna ako sa upuan sa tabi ng kubo. Ayokong maglakad lakad since sobrang init ng panahon. Nag-vibrate ang cellphone ko. Si Paula pala nagtext.
From Paula:
Bakla ! Hindi kmi makkpunta ni Sheila ksi may project na bingay pala samin si Ma'am nung wala ka sa skul pumalpk ksi si Sheila kailngan dw naming tapusin 'to kasi bkas na ppasa.
SON OF A BEACHH, SO ANONG PINUNTA KO DITO.?
"Uy." May humawak sa braso ko.
As usual nilingon ko siya.
"Uy JP.!"
Si JP pala ! Akala ko holdaper na eh hahaha.
"Nakalimutan ko niyaya ka rin pala nung dalawa." Tumayo na ko at inayos ang aking self.
"Oo nga eh tapos biglang magte-text hindi daw sila makakapunta hahaha." Sabi niya tapos inakbayan ako. Nubenemenyen !hahaha.
"San mo gusto pumunta.?." sabi niya.
"Hindi ko alam, ikaw na lang bahala." Sabi ko.
"Ocean Park tayo.!" Sabi niya na parang naka-inom ng 10 enervon.
"Sige."
So ayun na nga at nagsimula na kaming maglakad asa dulo kasi kami sa likod nung estatwa ni Rizal malapit sa City Hall kasi ako bumaba.
Hindi pa rin mawawala syempre ang kaharutan ng lalaking ito habang naglalakad kasi kami andyan yung magbibiro ng kung ano-ano, mantitisod kunwari hindi sinasadya.
"Sira ka talaga.!" Sabi ko nung may tinisod siyang babae. Pero dahil gwapo naman 'tong lalaking 'to hindi na nagalit sa kanya yung babae. Hayyy.
Nakarating din kami, anlayo pala nun ! Akala ko malapit lang eh. Hahaha 12:00 na ng hapon ang ineeeet. Pumasok kami agad sa loob at pumila si JP dun sa bilihan ng tickets, since Sunday naman ngayon ay medyo maraming tao.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga gwapo dito sa kinatatayuan ko, madaming gwapo as in sobrang dami.. Pero syempre hindi nila mapapantayan si Patrick ko, *Possesive Proud Girl este Boy here* .
"Oh kung saan-saan ka nakatingin tara na." Bungad ni JP at iniharap sa mata ko ang dalawang tickets.
Pumasok na kami sa loob at unti-unting bumalik ang ganda ko na hindi haggard hahaha. Ang ineet kasi talaga nakakasunog ng ganda. Actually first time kong pupunta dito since hindi pa kami pumupunta dito ni Evo.
JOHN PAUL (JP)'S SIDE:
As I look at him now habang papasok kami sa loob naisip ko na hindi pa rin siya nagbabago ang mannerism niya na pagkagat sa daliri habang naglalakad at yung mapilantik niyang kamay habang may itinuturong directions.
Kanina nung naglalakad kami unti-unti kong nilalabas ang ugali ko sa kanya,katulad nung mga bata pa kami, we always have a bonding sa playground kaso palagi din namang may epal,I think you know him na.
Masaya ako dahil tagumpay ang plano ko, sadya ko talagang hindi pinapunta ang dalawang kaibigan niya. This is frame-up hahaha. Pero ok lang naman daw sabi ng kaibigan niya. Tiwala naman daw sila sa'ken since kaibigan din naman nila ko.
Pumasok na kami sa loob at syempre duma-moves na 'ko hinwakan ko ang kamay niya HOLDING HANDSS..
HEAVEN :)
Bitin noh.?, Maski ako nabitin eh hahaha. Maka-JP ako ngayon.. Oh well kailangan niya yan para hindi siya mabaliw Charr :)
BINABASA MO ANG
His Husband (COMPLETED)
Teen FictionHIS Trilogy: Book 1 What if no choice na ang family mo at ginawa kang pambayad utang sa kapareho mo na gender na isang lalaki? What the hell? Ano kaya ang roller coaster ride ang sasakyan ng ating bida? © JayceeLMejica, 2013