Nagmamagandang Note:
Ito na yung last 3 ng His Husband, Salamat po sa mga Comment, Votes, Likes at sa mga nag-share, nagbasa...Sorry I'm not good sa mga action scenes :) Pagpasensyahan niyo na.. This chapter is dedicated to Limepandas, salamat sa mga comments and votes :* HAHAHA
When He Says: We're Chasing the Word "Forever"
Mabilis tumakbo ang araw kasabay ang oras, isang linggo na ang nakalipas nang magpakamatay si Evo.. Hindi gingulo ni JP si Kristen, Masakit man kay JP ay kailangan niyang hindi pansinin si Kristen. Si Evo naman ay masaya dahil katabi nito ngayon ang asawa sa kanilang kama, hindi niya inaakalang mapapatawad siya nito.
"Mahal na mahal kita." Ang sabi ni Evo sabay himas sa buhok ng asawa.
Kinabukasan ay araw nanaman ng eskwela kaya nagmamadali silang bumangon, Ikatlong linggo na ng Nobyembre, Halos 1 buwan at kalahati na silang mag-asawa..
KRISTEN'S SIDE:
Masaya naman ako sa piling ng asawa ko pero hindi 'nun maalis ang guilt ko sa sarili ko at sa mga ginawa ko, pinagsisihan kong sinagot ko pa nun si JP, alam kong mali na bumalik kay Evo pero ayokong mawala ang taong mahal na mahal ko.
"Tss, ang lalim na naman ng iniisip mo, 'wag mo nang isipin 'yun ok? Ako na ang kakausap kay JP." Paninigurado sa'kin ni Evo habang sinusuot ang uniporme nito, sinabayan niya pa ito ng paghalik sa aking noo, simbulo na magtiwala lang.
Halos isang linggo na rin kaming walang pansinan, marahil ay pansin na niya na nagkabalikan na kami ng asawa ko, hindi ko siya malapitan, hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry.
"Halika na, male-late na tayo." Sabi niya.
Lumabas na kami ng condo at nakapunta na kami sa school, wala pang traffic dahil umaga pa lang 'nun. Pagpasok namin ng school ay kokonti pa lang ang tao at inaantay ang bell para sa flag ceremony, lumalamig na din ang panahon dahil malapit na ang buwan ng Disyembre.
Nakita ko ang mga bakla na parang ang saya-saya nila, bakit hindi na nga ba katulad ng dati.? I mean hindi ko magawang maging masaya..
"Bakla, aga natin ah." Sabi ni Paula at busy sa pagkalikot nito sa Cellphone.
"Hi Evo!" Bati naman ni Sheila, ngumiti lang si Evo at nagpaalam sa'kin na pupuntahan niya lang daw sila Lyndon.
Maya-maya pa ay nag-bell na, Sabay-sabay kaming pumunta sa first subject namin, wala pa rin akong nakikita kahit anino ni John Paul, hindi ko alam bakit nga ba 'ko masyadong guilty.. Lumipas ang 3 oras at natapos ang tatlong subject, break na ngayon kaya kasama ko si Evo sa Canteen.
"Bakla, wag mong damdamin ang mga nangyari, Wala kang kasalanan.. Si JP ang may gusto 'nun." Sabi ni Sheila at kumagat sa burger nito.
BINABASA MO ANG
His Husband (COMPLETED)
Teen FictionHIS Trilogy: Book 1 What if no choice na ang family mo at ginawa kang pambayad utang sa kapareho mo na gender na isang lalaki? What the hell? Ano kaya ang roller coaster ride ang sasakyan ng ating bida? © JayceeLMejica, 2013