N/N:
I think mga 4 or 5 chapters na lang ang natitira.. Hayy hahaha salamat po sa pagbabasa, pagvo-vote at pagco-comment :)
Dedicated kay Broguy, for the second time HAHAHA, siya dito si Dustin :)
When He Says 23
ROXANNE'S SIDE
3rd year college ako nuon, yet mayaman kami hindi ako yung tipong mayabang sa kung anong meron ako.. Mapagbigay akong tao, marami akong kaibigan at lahat sila alam kong loyal sa'kin.. I have a boyfriend also, si Dustin. Siya ay isang nerd pero ubod ng gwapong achiever ng school.
"Hmmm, Roxanne.. Mahal mo pa 'ko.?" He asked, andito kami ngayon sa tambayan naming dalawa.. Sa likod ng lumang building pero maraming halaman.
"Malamang, mahal na mahal kita." Sabi ko at piningot ang nose niya.
Hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol sa'min ni Dustin, hindi naman sa tutol sila pero gusto muna nila akong matapos ng pag-aaral, Scholar kasi si Dustin.. Pangit mang sabihin pero hindi mayaman ang pamilya niya.. Salat sila sa pera kaya nagpupursige si Dustin na makapagtapos.
"Punta ka sa bahay mamaya, tayo lang dalawa hehehe." Mahilig talaga itong BF ko, ilang beses na namin yun ginagawa at siya ang nakauna saken.
"Hahaha ang hilig mo talaga." Sabi ko sabay hampas ko sa braso niya.
"Hehehe." Tumawa na lang sya.
Nasunod din naman ang gusto niya, Pumunta kami sa bahay nila.. Hindi man kalakihan pero may sarili syang kwarto dahil yung kapatid niyang isa ay babae.
Hinalikan niya ko, habang nila-lock ng kamay niya yung pinto, gumanti ako sa halikan na 'yon.. Si Dustin ang una kong experience sa sex, masaya naman ako na siya ang naka-una sa'kin.. Ang lalaking mahal na mahal ko.
Natapos ang pagniniig namin ni Dustin, nakatulog siya sa tabi ko. Napangiti ako, siya ang magiging tatay ng anak ko, ang asawa ko..
"Mahal kita." Ang huling salitang naisambit ko at unti-unti na akong nilamon ng antok.
**
Maraming araw at lingo ang lumipas, ilang beses pang naulit ang sexy time namin ni Dustin, pero isang araw naramdaman ko na lang na parang naduduwal ako, sumuka ako sa CR ng kwarto ko.. Hindi ko ipinaalam at pumasok na lang ako sa school na masama ang pakiramdam.
"Mahal ko, may problema ba.?" Sabi ni Dustin sakin.
"Masama yung pakiramdam ko Dust." Sabi ko.
"Namumutla ka nga, anong masakit.?" Sabi nito at hinawakan ang leeg ko at dinama kung nilalagnat ako.
"Hindi ka naman nilalagnat, uwi na lang tayo gusto mo.?"
"May klase pa tayo." Sabi ko.
"NO, halika na." sabi niya.
Tumayo kami sa pagkakaupo sa batibot sa likod ng lumang building at unti-unti akong nawalan ng ulirat at ng malay.
**
Nalaman ni Dustin ang lagay ng girlfriend na ngayon ay nagpapahinga na lang sa isang ward ng ospital, Malaki ang tuwa sa puso niya dahil sa wakas ay isa na siyang ama. Nang makalabas sila ng ospital ay sobra sa pag-aalaga si Dustin kay Roxanne, alam niyang wala sa panahon ang pagbubuntis nito pero masaya sila at yuon lamang ang importante.
Umuwi si Roxanne nuon dala ang balitang buntis siya, nadatnan niya ang pinsan niyang si JP na nasa 1st year high school pa lang. Dahil sa sobrang kasiyahan ay nagawa niyang i-kwento kay JP ang tungkol kay Dustin at ipinagbubuntis nito, sobra kasi silang magkalapit na magpinsan kaya sobra ang tiwalang binigay niya kay JP para magtago ng sikreto.
BINABASA MO ANG
His Husband (COMPLETED)
Teen FictionHIS Trilogy: Book 1 What if no choice na ang family mo at ginawa kang pambayad utang sa kapareho mo na gender na isang lalaki? What the hell? Ano kaya ang roller coaster ride ang sasakyan ng ating bida? © JayceeLMejica, 2013