Nagmamagandang Note

92.5K 1.3K 55
                                    

Hi,


Kung sisimulan niyong basahin ang kwentong ito, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ito ay naglalaman ng napakaraming maling grammar, maling spelling, at kung ano pa. Hindi naman sa ayokong i-edit pero hindi kaya ng oras ko ang mag-edit.


Gusto ko lang rin ipaalam sa inyo na ang kwentong ito ay isinulat ko noong ako ay 16 pa lamang. Ito rin ang una kong kwentong isinulat kaya makakakita talaga kayo ng mga mali. Kung gusto niyo pa ring ituloy, go. Pero kung kayo ay grammar conscious, 'wag niyo ng ituloy. Sawang-sawa na akong makakita ng comment ng kung anu-ano.


Isa pa, kung ikaw ay pa-'sobrang manly' pag-isipan mo muna bago mo ito basahin. Itong kwento na ito ay purong kabaklaan (as in effem realness!) na para sa mga baklang naghahangad ng totoong pag-ibig na mala-fairytale (charot!).  Pero kung game ka pa rin, push at basahin mo na rin (2021 na kaya medyo binago ko 'to at tinatanggal ko na ang pagiging judger ko ng bongga). 


Huli ay ang copyright, nito lamang August 21, 2015 nakita ko ang isang Facebook Page na kinopya ang buong kwentong ito. Para sa may akda, ito ay pangbabastos sa'kin dahil hindi ko alam na ginawa niya ito at isa rin itong uri ng PAGNANAKAW.  Kaya kung gustong tuloy tuloy itong mabasa - make sure to save this offline!  



JayceeLMejica

His Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon