Chapter 19 - This can't be?!

104 8 3
                                    

*Chapter 19 – This can't be?!*



Kiriya's POV

Madilim ang paligid ng venue para sa reception ng kasal at ang tanging ilaw lang ay ang spot light na nakatapat sa amin.

Napakadaming taong nakatingin sa aming dalawa ngayon at tuwang-tuwang pinapanuod kami.

Ngiting-ngiti pa sina Queenie, Ashlene and Primahera sa may gilid.

Sa kabilang dulo naman, tahimik na nanunuod ang mga gang members nitong asawa ko. At ngumisi pa talaga si Rash sa'min sabay thumbs-up sa'min. Nag-e-enjoy talaga ang buwiset!

Nasa gitna kasi kami ng dance floor at sumasayaw ng waltz.

Pinapatugtog ang kantang Can I Have This Dance by Zach Efron and Vanessa Hughens para sa sweet dance namin ng asawa ko. In fairness, medyo modern na ang kantang pinasayaw sa'min.

Aba! Matagal-tagal din naming pinag-praktisan 'tong special number na ito. At medyo matagal ding nag-suffer ang mga paa ko sa pagtapak-tapak ng buwiset kong asawa (na feeling ko, sinasadya niyang tapakan ang mga paa ko o talagang parehong kaliwa ang mga paa niya.) bago naming ma-perfect ang sayaw na 'to.

At ngayon ko lang naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Na kung dati kapag nag-pe-perform kami para sa exhibition match namin sa ibang majorette ng ibang university, na kahit tumaas ang palda at daan-daang taong nanunuod ay wala akong pakealam.

Pero iba ngayon.

Naiilang kase ako.

Lalo na sa kasayaw ko.

Sobrang lapit niya sa'kin at nakatitig siya sa'kin.

Yes, alam kong kailangan ang eye contact pagdating sa ganitong sayaw at nakasayaw ko na siya dati sa birthday ni Cristine.

But it's different this time.

Is it because of the effect of the kiss?

Oh no... It can't be...

He spins me around, making me to face him as our last step in the dance.

Oh no... it can't be...

Natapos na ang kanta at lumiwanag na ang buong venue bilang pagtatapos ng special number namin, pero ganun pa rin ang posisyon namin, nakaharap sa isa't isa at nakatingin pa rin siya sa'kin. This is so uncomfortable position for me to take.

May isang tunog ng baso na mahinang pinapatugtog gamit ang kutsara. Nung sinundan ko ang tunog nakita kong pinapatunog ni Queenie ang baso niya at pilyang ngumiti sa'kin.

At nakigaya din ang mga katabi nilang bisita hanggang sa sabay-sabay na nilang pinapatunog ang mga baso ng mga bisita sabay sabing "Kiss". Nagulat din ako nang makita ko ding pinapatunog din ng mukhang tuod na si Cole ang baso niya.

Buwiset ka talaga Queenie! Sasakalin talaga kita kapag nakalapit ako sa'yo!

Napakamot naman sa batok itong kaharap ko, "Oh boy, they are requesting for a kiss, dear wife." Napatitig tuloy ako sa kaharap ko.

Ni hindi pa nga ako nakaka-recover sa first kiss ko, nasunod na nga ng second kiss agad-agad!

Hinawakan niya ang pisngi ko, "You don't mind if we grant their request, right?"

Hindi ako makasagot.

"Silence means 'yes', wife." He devilishly smile at me. Aba't 'tong lalaking ito!

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon