Chapter 7 - Sticking to the PLAN

214 12 0
                                    

*Chapter 7 - Sticking to the PLAN*

 

Kiriya’s POV

 

“Delikado ang ginawa mo kanina, Kiriya… Alam mo ba yon, ha?” – Ashlene

“Hai… Mo wakaru, Ash-chan…” *Kumi’s Translation: Oo…Alam ko yun, Ash-chan (Ashlene)…*

Nasa Gymnasium kami nila Ashlene dahil dito kami nagpra-practice ng routine namin as Marjorette. Breaktime namin kaya sinesermonan na ako ni Ashlene about dun sa nangyari sa may corridor kanina. *Kumi’s Note: Referring to the last chapter (=___=)*

“Paano kung gantihan ka nila dahil sa ginawa mo kanina? Paano kung hanapin ka nila? Hay naku, Kiriya. Alam mo naman hindi mo sila pwedeng kalabanin…”

“Ashlene, walang mangyayaring ganyan, at kung mayroon mang mangyari, may nakahanda na akong plano, no.”

“Plano? Anong plano yan, ha?” tanong ni Queenie na mukhang napadaan lang dito.

Ngumisi ako sa kanya, “Secret!”

“Ang daya mo naman, Kiriya! Sinabi mo kay Ashlene tapos sa’kin, hindi?” pagmamaktol sa’kin ni Queenie.

“Wala po akong sinabi kay Ashlene, ok?”

“Pero in fairness, ang galing mo kanina, biruin mong kinalaban mo pa talaga si Grey para lang matulungan lang yung babae kahit hindi mo na dapat ginawa yun.” Habang pinaglaruan ni Queenie ang baton ni Ashlene.

“Alam niyo naman na ganon na talaga ako. Ayokong may nakikitang inaagrabyado at inaaping tao. Kung alam kong may magagawa ako, gagawin ko talaga.” Sagot ko naman habang pinapractice ko ang exhibition routine sa baton.

“Queen, nasaan nga pala si Primahera?” tanong ni Ashlene kay Queenie.

“You know, may humamon na naman sa kanya­­---” sagot naman ni Queenie.

“---At pinatulan na naman niya. Yeah, we know.” Dugtong ni Ashlene.

“Masyado kasing bulgar si Prima. Yan tuloy, alam na ng buong school na isa siyang gangster, kaya halos lahat na yata ng mga gangsters sa buong Pilipinas pumupunta dito para lang kalabanin siya.” Lumapit ako sa bag ko para kunin ang bottled water ko at uminom.

“KIRIYA!”

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig sa sobrang gulat. Sino ba yung tumatawag sa’kin?

Tumingin ako sa tumawag sa’kin, yun palang kasama sa school band na marjorette din tulad namin. “Kiriya…”

“O? Bakit mo ako tinatawag na mukhang hinahabol ka ng kung anong halimaw dyan?” tanong ko sa kanya.

“E-eh kasi… Pinapatawag ka n-nila sa’kin… Hay! Nakakapagod!” hinihingal na sabi niya sa’kin. Hmm… Parang alam ko na yata kung sinong halimaw yon…

“Ok, saan nila ako hinihintay?” tanong sa kanya.

“Nasa parking lot sila…”

Hinakot ko na lahat ng gamit ko at tumakbo papalabas ng gym.

Pero naririnig ko parin ang usapan nila Ashlene…

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon