*Chapter 13 – How WORST can I get?*
Kiriya’s POV
“Mukhang lutang ka yata, Kiriya?” tanong sa’kin ni Queenie habang abala ito sa paggawa ng icing para sa strawberry shortcake na ipapass niya mamaya.
Naglumbaba lang ako at nakatingin sa malayo… Wala na kasi kaming klase ni Ashlene bandang hapon kaya naisipan namin puntahan si Queenie dito sa T.L.E. room.
“Obviously, lutang nga yang si Kiriya. And guess what? Na-late siya sa first subject namin, tapos parang wala siya sa sarili niya sa pag-sagot sa recitation and the worse of all… Bumagsak siya sa quiz namin kanina!” pasigaw na kwento ni Ashlene kay Queenie dahil hindi pa talaga siya naka-recover sa nangyayari sa’kin. Maging ako ay hindi rin makapaniwala at maka-recover.
“Weh?!” biglang tumigil sa paggawa ng icing si Queenie at agad hinawakan ang kamay ko at niyugyog ito sa sobrang… saya? “Congrats, Kiriya! Finally, na-feel mo na rin ang bumagsak sa test ‘pag may time!” at masaya pa siya na bumagsak ako? Very nice, Queenie!
Actually, ako ang top student sa klase namin. And obviously, ngayon ko lang nalasap ang magkaroon ng failing grade sa quiz namin which is isa sa mga major subjects namin ni Ashlene sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management kung saan magkaklase kami ni Ashlene. Si Queenie naman, halata naman na Bachelor of Science in Culinary Arts ang course niya at ang T.L.E. room na ‘to ay kumbaga sa mga scientist ay yun ang kanyang science laboratory. At si Primahera naman, Bachelor of Science in Information Technology areas of specialization in Network Administration ang kinukuha niyang kurso.
Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa mesa…
IIIYY! I’m really disappointed! Super disappointed!
Pero… ano nga ba ang nangyayari sa’kin?
Nakapag-review naman ako ng mga lessons ko kagabi…
Kagabi din pumunta kami ng fiance ko sa party ni cousin dear…
Nung gabing yun, medyo naging weird ang fiance ko…
Sa gabing yun, nag-play ng piano si Cute Girl at halos lahat ng mga bisita dun ay nag-sweet dance… Wealso danced together for the first time…
Last night… it was my First Dance, and it is with my Fiance…
And he said the weirdest word that I least expected he would say to me last night…
“…You never fail to amuse me.”
And last night is… a…
“NIGHTMARE!!!” napatuwid ako ng upo at napatigil bigla si Queenie sa paggawa niya ng cake, habang si Ashlene naman, agad-agad niya akong nilapitan, she looks worried…
“Nagkaroon ka ba ng nightmare kagabi kaya ka ba nagkakaganyan ngayon?” tanong sa’kin ni Ashlene.
Oo… Nagkaroon ako ng masamang panaginip, at sa sobrang sama, parang gusto ko nang magkaroon ng amnesia para lang mabura sa utak ko yun! “Hindi naman… Late lang kasi akong natulog kagabi kaya siguro ganito ako ngayon…” sabay ngiti para mawala ang pag-aalala sa’kin ni Ashlene.
“Ay! Oo nga pala! Mapupuyat ka talaga dahil pumunta ka sa birthday party kagabi, di ba? Kumusta yung party?” bilang tanong sa’kin ni Queenie.
“Paano mo nalaman na may pinuntahan akong party?” kinakabahan ako sa magiging sagot ni Queenie… baka kasi pumunta pala siya dun at nakita niya na kasama ko ang fearsome leader ng Storming Beast Gang at kasayaw ko pa sa dance floor!
BINABASA MO ANG
My Slave is a GANGSTER!
Teen FictionThis is a story where things are almost perfectly fine, but when the past interferes to mess things up, everything's got complicated... Copyright © 2013 by NothingButAWitch Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or tran...