Chapter 9 - Is he SMILING? O__o?

202 9 0
                                    

*Chapter 9 - Is he SMILING? O__o?*

Kiriya’s POV

Masaya akong naglalakad papunta sa parking lot. Of course sino ba naman ang hindi sasaya kung makikita at makakapunta ka sa birthday party ng pinakamamahal mong pinsan!

Umupo ako sa hood ng isa sa mga kotse na naka-park dito at hihintayin ang butihing driver ko…

“Oh, look who’s here…” may biglang nagsalita sa ‘di kalayuan.

Napatingin ako kung sino at napa-smirk ako nung makita ko ang reaction ng leader ng Storming Beast Gang ---> O_____O

Actually nakaupo ako sa hood ng kotse ng fiancé ko, ang aking butihing driver… hehehe~

Agad-agad naman lumapit sa’kin ang driver ko ^___^, “What are you doing here? And why are you sitting on my car?!” Aba? Ganito ba talaga bumati ang lalaking ‘to?

“Because… I’m waiting for you.” Sabay ngiti sa kanya. Yung mga kasamahan naman niya todo ngisi sa’kin na parang nag-e-enjoy na pinapanuod kami.

Bigla akong hinila ng driver ko paalis sa hood ng kotse niya, “And what brings you here?” medyo nakikita ko na nagpipigil siya ng pagkairita sa’kin.

“Well… It seems that you’re forgetting something…”

“Forgetting something?” napakunot-noo na naman siya

“Grey, isipin mong mabuti yan baka biglang sumama ang loob sa’yo at umiyak tapos biglang tatakbo papunta sa’kin at hindi ako mag-he-hesitate na kunin na siya sa’yo, sige ka…” pagbabala ng isa sa mga kasamahan niya at kung hindi ako nagkakamali ay Rash ang pangalan.

Napatingin naman itong lalaking ‘to kay Rash at parang binigyan pa yata ng ‘shut-up look’ bago tumingin ulit sa’kin, “Tell it already for it to be done…”

“Alright…” inabot ko sa kanya ang birthday invitation, “Here…”

“And what am I suppose to do with this?”

“Well, you may read it inside or otherwise you wanted to eat the invitation…”

Nagtawanan ang mga kasamahan niya at pati rin si pokerface (Cole) ay napatawa na din.

Lumingon ulit siya sa mga kasamahan niya at biglang nanahimik na naman ang mga ‘to at binasa ang invitation at hinawakan ulit niya ang braso ko at hinila ako palayo sa mga kasama niya.

“Anong ibig sabihin nito?” pinakita niya ang invitation sa harap ng mukha ko.

“Malamang iniinvite kang pumunta sa birthday party kasama ko, no…”

“Ba’t kailangan kasama pa ako?”

“Binasa mo ba talaga yung invitation o kinain mo lahat ng mga letters na nakasulat kaya wala kang nabasa?” hinablot ko sa kanya ang invitation at itinuro sa kanya ang: ‘Must bring a partner.’

“Partner?!” bulalas niya

“Yup! Nakalimutan mo na ba ang bilin sa’yo ng lolo ko? Na kailangan sasamahan mo ako sa lahat ng mga occasion na pupuntahan ko and vice versa, remember?”

-----Flashback-----

Nahabol ako ni Grey at agad na hinawakan ang braso ko nung papasok na ako sa loob ng venue.

Paano niya pa ako nahabol eh ngayong natapakan ko ng malakas yung paa niya? ‘di ba dapat nakaupo lang siya sa isang tabi at nagdadamdam sa sobrang sakit ng paa niya?

“Akala mo matatakasan mo ako ng ganun-ganun lang?” matigas na wika sa’kin ng lalaking ‘to.

“Let go of me, you stupid!”

“What the----! Papatulan na talaga kita ‘pag hindi ka pa tumigil sa kakatawag sa’kin ng stupid!”

“Bakit? Hindi ba?”

“Aba’t ‘tong babaeng ‘to----!” bago pa siya makagawa ng kasalanan kay Lord, hinila ko na lang siya papasok sa loob ng venue.

“’Wag mo nga akong hilain-----!” naputol ang sasabihin niya ng umabrisete ako sa kanya at lumapit sa mesa namin kanina...

“’Wag ka ngang maingay dyan... Mahalata pa nila na nagaaway tayo niyan eh, gusto mo bang masira agad ang plano mong hindi pa nasisimulan?” at hindi na umimik ang kasama ko at umupo na kami sa pwesto namin kanina.

“O, Grey, Kiriya… Nandyan na pala kayo. Hay naku, bagay na bagay nga talaga kayong dalawa.” Ngumiti sa’min si tita (Mommy ng fiance ko). Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

“Syangapala, from now on, sasamahan niyo na ang isa’t-isa sa school o kaya sa mga occasion na pupuntahan niyo o sa mga ibang lugar na pupuntahan niyo, dahil mag-fiance kayo at few weeks from now ikakasal na kayo. Is that clear?” My grandfather stated

“Hai, Oji-san…” - Ako

 “Yes…” – Siya

-----End of Flashback-----

 “Oh shoot!” sigaw niya na parang may naalala na.

“So? Naalala mo na?”

Tumango siya at hinila na naman ako and this time pinasakay na ako sa kotse niya.

“Grey, saan kayo pupunta?” tanong nung isang blonde yung buhok (Harvey).

“Ano ka ba?! Pupunta sila sa langit!” sigaw nung lalaking masyadong madumi ang utak! (Rash)

“SIRA!” sigaw naman nitong lalaking ‘to bago pumasok sa kotse at nagmamadaling i-on ang engine ng kotse.

“Hay naku, kung hindi ka lang sana malilimutin, edi sana ready na ako para dun sa occasion…” pag-ta-tantrams ko.

Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko… Oh shocks! Is he going to kiss me?

“You know, I really have forgotten something…” he pause for a while, “…Nakalimutan kong fiance pala kita…”

At bigla siyang ngumiti (FOR THE VERY FIRST TIME!) at nag-wink sa’kin (AND AGAIN, FOR THE VERY FIRST TIME!) at kinabit ang seat belt ko bago niya pinaandar ang kotse.

Seriously? Hindi ko alam ang gagawin ko nung ngumiti siya sa’kin, and it’s my FIRST TIME to see him smile. 

I looked at him while he’s driving…

I never knew that this guy could actually smile gorgeously…

---------------------------------------------------------------------------------------

Kumiko the WITCH's Curse:

Hello... Nag-update lang para masaya! 

i-congrats natin ang panget kong story dahil naka-

100 READS NA SIYA! (eksaktong 100 talaga! ehe~)

Kaya...

VOTE + COMMENT + RECOMMEND = Mag-up-update si AUTHOR!

------------------------------------------------------------------------------------

Special A (Akira-chan!)

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon