Chapter 8 - Just playing around

236 12 0
                                    

*Chapter 8 - Just playing around* 

Kiriya’s POV

“This engagement party and also the pre-wedding will stay as a secret, because both of you are still studying and I don’t want anything to interrupt your studies just because of rumors and media. Then after you and Grey graduated, we’ll prepare for your post-wedding or should I say, your official wedding that will be broadcast by the media.” My grand-father stated as we eat together with the parents of my fiancé in our engagement party.

Seriously? Bakit kailangan pa ng post-wedding, eh meron nang pre-wedding? Ang akala ko pa naman, sa’min-sa’min lang yung tungkol sa kasal namin tapos ngayon pala i-a-announce pala sa media at i-bro-broadcast pa ang post-wedding namin. Medyo naiilang ako sa set-up namin. Kung wala lang akong utang ng loob sa lolo ko, siguro nag-out of town na ako at hindi na ako uuwi pa…

Kaya pinili ko na lang kumain kaysa sa makikinig sa pinaguusapan nila.

I sigh heavily.

“O? May problema ba?”

Nagulat naman ako dito sa katabi ko, and guess who? It’s my fiancé and soon-to-be my husband… kung minsan, parang gusto ko nang mag-back-out sa plano. He’s too annoying to play with. (-____-)

Play with? Hmm… Pwede… *GRINS*

“Alam mo? You’re acting weird, mukha kang timang na ngumingiti dyan…” he whispered annoyingly and I just ignored him.

 Aba’t! hindi pa man ako nagsisimula, may pang-counter attack na siya, ah!

Ok… let the game begins…

“May you please get that sauce for me, I can’t reach it kasi eh…”

“Huh?”

“You heard me,” at lumapit ako ng konti at bumulong sa kanya, “Slave…”

Nanlaki ang mga mata niya at agad niyang kinuha ang pinapakuha ko.

“Thanks!” and I gave him a smile.

Napakunot-noo na lang siya at nagpatuloy sa pagkain at nung susubo na siya ng pagkain…

“Pwedeng paki balik na dun yung sauce.” Sabay abot sa kanya yung bowl.

Sinunod nga niya ang inutos ko tapos ay kumain na ulit.

Hmm… hindi yata effective yung ginawa ko…

I hid the fork underneath my gown and turned to him and smiled sweetly.

“Amm, may you please get the fork under the table? I accidentally bump it with my hand and fell down.”

“Ah… ok…” at hinanap nga niya ang ‘missing-fork’ ko sa ilalim ng mesa. Hay, hindi ba niya napapasin na pinaglalaruan ko lang siya? Ang hina naman niyang pumik-up. ‘Yan tuloy walang masyadong thrill ang game na ‘to. Hmp!

“Wala naman yata dito sa ilalim yung tinidor mo…” nasa ilalim pa rin siya ng mesa na parang asong hinahanap ang nawawalang buto niya.

“Hindi, alam kong nandyan yan, hanapin mo lang at makikita mo rin…”

“Wala naman akong nakikitang tinidor dito, baka hindi mo dito nahulog.”

“Anong ibig mong sabihin? Nag-teleport ng mag-isa yung tinidor at napunta sa ibang table, ganun ba yun?”

“Paano kung ganun nga? Eh sa wala akong makitang kung anong bagay dito kundi yung mga paa niyo lang…”

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon