Chapter 4 - When HE meets HER

241 14 2
                                    

*Chapter 4 - When HE meets HER*

Grey’s POV

SHETE!!!

Ang sakit ng ulo ko dun sa baton na yun! At sakit din sa ulo yung babaeng yon! Hindi ko akalaing maglalakas loob siyang kalabanin ako ng ganun! Ni yung mga underlyings ko hindi kayang magsalita sa harap ko pero yung babaeng yon? Kung hindi lang babae yon, siguro bali-bali na ang mga buto nun…

Pinahabol ko sa mga underlyings ko yun babae para maturuan ko ng leksyon pero hindi na daw nila maabutan yung babae…

“Damn! Babae lang yon! Ba’t hindi niyo nahabol?!” pasigaw kong sabi sa kanila.

Nandito parin kami sa liblib na lugar pero wala na yung mga anak-ng-tipaklong kong kalaban, tumakbo na este tinakbo na nila sa ospital ang leader nila na kung hindi pa ako tinamaan ng lumilipad na baton ay baka pinaglalamayan na yon...

“M-master, nagtago yata...” sabi ng isa sa mga under sa’kin

“Nagtago?! Ba’t hindi niyo hinanap?!”

“Hinanap na po namin pero hindi na po namin nahanap baka…”

“Baka ano?!” Peste! Binibitin ako neto, ah!

“B-baka po mabilis siyang tumakbo kaya hindi na po namin abutan o n-nahanap.” Nanginginig na sabi nito

“Mabilis tumakbo!? Ibig niyo bang sabihin kulang ang training na binigay ko sa inyo kaya isang babae lang hindi niyo mahanap at mahabol?!” pasigaw na sabi ko sa kanila kaya napaatras sila at hindi nakapagsalita.

“Ba’t hindi kayo makasagot?! Kung ganon, kailangan niyong pagdaanan ulit ang DT…” tanong ko sa kanila, na halatang natakot sa sinabi ko lalo na nung binanggit ko ang “DT (Death Thirteen/ Death Training)” ang pinakamalupit at pinakakinatatakutang training o isang initiation bago maging member o maging underlying ng isang gang. May 13 stations yon at bawat isang station, parang nasa bingit ka na ng kamatayan.

Sa katunayan sa 13 stations na yon, 3 to 5 stations lang ang kayang daanan ng isang underlying at wala pang nakakaabot ng station 13 o ang sinasabi nilang Final Death Destination, pero kami nila Blake, Cole, Harvey, Rash at ako, ay nakaabot na sa station 9, kaya isa kami sa pinakamagaling na gangster sa Gangster World.

Pero balita ko, may umabot na daw ng station 10…

“Pre, chill ka lang, huwag mong paginitan ang mga yan, babae lang yan, huwag mo nang masyadong pansinin ang ginawa sa’yo ng magandang marjorette na yon…” sabi ni Rash na umakbay sa’kin

“’Wag mong masyadong pairaling ang pagiging playboy mo dito lalo na’t masakit pa ang ulo ko sa ginawa sa’kin ng babaeng yon.” Sabi ko dito sabay alis ng kamay niya sa balikat niya at nagsimula na akong maglakad paalis… ng biglang may naalala ako…

‘At the Italian Restaurant, you already know that, right? 6:00 pm, she’s beautiful and she’s wearing her school uniform, and if you ruin that again, you know what I mean already, right?’ 

“Sh*t!” napamura ako ng maalala ko na may marriage interview pa pala akong pupuntahan.

“O, Grey? Ayos ka lang?” tanong sa’kin ni Harvey

“Kailangan ko ng umalis…” sabay takbo papunta sa parking lot at agad ko nang pinaharurot ang kotse ko papunta sa Italian Restaurant.

-----Sa Italian Restaurant-----

6:20 na ng pumasok na ako dito sa restaurant na ‘to…

Nasaan kaya dito yung babaeng ka-marriage interview ko? Sana wala na siya para naman ‘di na ako magsasayang pa ng oras dito sa restaurant na ‘to…

Nagalakad ako ng konti ng may mahagip ang paningin ko na isang babaeng nakaupo patalikod sa’kin. Naka-marjorette outfit ‘to, teka… ganito ang sinusuot ng mga marjorette sa school band namin, hindi kaya, schoolmate ko siya…

Saglit pa akong napaisip, hindi kaya eto na yong babaeng ka-marriage interview ko?

“You’re late…” sabi nitong babaeng nakatalikod sa’kin.

Ako ba ang tinutukoy niya?

“Why don’t you sit here so we can finish this earlier.” Nagsalita ulit ito, so ibig sabihin siya nga ‘tong ka-marriage interview ko.

Umupo na ako sa tapat niya ng hindi tumitingin dito nang bigla na naman ‘tong nagsalita…

“I’m Kiriya Deminique Takadeshiko, nice meeting you, Mr.-----”

“Grey Lawrence Vergara, nice meeting you too---“ makikipagkamay na sana ako ng makita ko kung sino ang ka-marriage interview ko sabay tayo ko sa upuan ko sa sobrang pagkagulat!

“----WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE?!”

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Kumiko the WITCH's Curse:

i updated two chappies!

Spread the Story guys!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Ouran Highschool Host Club (Honey-kun!)

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon