Chapter 22 - Secretly Married

93 6 0
                                    

*Chapter 22 – Secretly Married?*



Kiriya's POV

Hindi ko mapigilang hindi magtaka sa mga taong nandito sa canteen.

Pa'no ba naman kase, nakaupo at kumakain kami sa lugar kung saan tumatambay ang Storming Beast Gang.

Pero wala namang nakalagay ng pangalan ng gang nila dito sa mesa at sa mga upuan. At isa pa, slave ko yung leader, kaya walang magagawa sa'min ang mga yun. Lalo na yung leader. Hahaha!

"Oh? Kumusta ang honey------" Tinakpan naman ni Ashlene yung bibig ni Queenie. Pilya talaga as ever. Ang sarap sakalin.

"Kadarating lang nung tao, ganyan ang itatanong mo." Nakakunot na yung noo ni Ash-chan kay Queenie-chan, at lumingon sakin at ngumiti, "Huwag mo na lang pansinin 'tong si Queenie."

"Wakarimashita, Ash-chan. (I understand, Ash-chan)" Ngumiti na lang din ako kay Ashlene.

Inalis ni Queenie ang kamay ni Ashlene, "Whaah! Ang baho ng kamay mo."

Inamoy naman ni Ashlene ang sariling kamay, "Ang bango kaya, orange-scent ang hand lotion ko."

"'Yun na nga eh. Orange. Nakakasuka. Ekk~!" Umakto siyang nasusuka. Sa lahat ng prutas, orange ang favorite niya. Favorite niyang itapon. I don't know, pero ayaw niya talaga sa amoy ng orange, sa lasa at kahit yung kulay orange. Sumasakit daw ulo niya. Weird, right?

"Serves you right, Queenie." Bigla na lang sumulpot si Primahera at umupo sa mesa imbes na sa upuan dito sa cafeteria. Pasaway talaga kahit kailan. "O genki desuka, Ki-chan? (How are you, Ki-chan?)"

"Totemo genkidesu. Prima-chan wa? (Very well. And you Prima-chan?)"

"Watashi chotto tsukarete imasu. (I'm a little tired.)"

"Hm? Doshite? (Why?)"

"Nah...Ki ni shinai de, Ki-chan. (Nevermind it. Don't worry, Ki-chan.)"

"Ok."

"In fairness, sa dami nang sinabi niyo, 'ok' lang ang naintindihan ko." Nagmaktol na naman si Queenie, wala kasing naintindihan. "Pero seryoso, wala ngang nakakaalam yata dito. The news last night were incredible."

"Anong ibig mong sabihin?" Oo nga, paanong hindi ako dinudumog ngayon ng mga tao or kaya mga paparazzi?

Napasinghap si Queenie, medyo oa nga lang, "Teka? Huwag mong sabihing ngayon mo lang napansin yun?"

Tumango lang ako.

Tinapik ako ni Ashlene, "Ang sabi kase sa balita, magaganap na ang merger sa company niyo at sa Vergara group of companies effectively next week. And nothing follows that statement."

"I think, nabayaran na lahat ng mga taong nakakaalam sa kasal niyo ni Grey. And it was a very clean job. As in wala ka talagang maririnig tungkol dun."

Nakahinga ako ng mabuti at sumandal na din sa upuan, "Medyo pinaghandaan ko na yung mga gagawin ko kung sakaling may magtatanong man. Mabuti na lang hindi ko na kailangan abalahin pa ang sarili ko tungkol dun."

"And all you have to do is to shut everything up. Wala dapat makakaalam pang ibang tao bukod sa'tin at..." Napailing na lang bigla si Prima. Nambitin pa eh.

"At?" eager na eager talagang malaman ni Queenie ang sasabihin ni Prima, paano naman kase, ngayon lang naging madaldal.

Primahera smirked. Hindi ko tuloy alam kung natatawa siya deep inside, "At ang Stormng Beast Gang. Remember, pinakasalan mo ang notorious gang leader nila. No wonder, walang nagsasalita. Pinatahimik na yata ng asawa mo ang mga bibig ng mga yun."

My Slave is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon