START

15 3 2
                                    


Tears never stop falling down from my eyes. As I looked at the man in front of me, staring at me coldly. Nasa isang parke kami ngayon, kami nalang dalawa ang narito sa gitna dahil ang lahat ng tao ay nagsi-silong na.


Taon kong kinimkim ang sakit sa puso ko, at ngayong na araw na napuno na ako, na hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit, na kailangan ko nang mailabas ang dinadamdam ko.


"B-bakit? Giovan. B-bakit hindi m-mo ako k-kayang mahalin" nanginginig kong sambit.


Nakatingin lamang siya sa akin, cold, dark, mercilessly, at hindi na isipang sagutin ang tanong ko.


Siguro ay ilalabas ko na ang lahat nang hinanaing ko tutal ay wala rin naman siyang balak sagutin ang tanong ko.


"Alam mo ba Giovan, ikaw yung matagal ko nang pinapangarap. Kumbaga ideal kita, ikaw yung lalaking ku-kumpleto sa buhay ko. Simula nung makilala kita, minahal kita kaagad it sound weird but yes, the moment I laid my eyes on you, I have fallen for you. Hindi ko alam kong anong meron sayo pero lagi kong pinagdadasal na maging tayo. Kung alam ko lang, kung alam ko lang na hahantong sa ganito sana pala di na kita nakita ng araw na iyon" Ani ko sabay pahid sa patuloy na pag-agos ng luha ko.


"Ang sakit mong mahalin.. ang sakit-sakit mong ibigin, alam mo ba yon?"


"Ano bang mali sa akin Giovanni? Sabi naman nila maganda ako, na mabait ako, yung iba nga sinasabi nila na ideal girlfriend or di kaya ay i-ideal wife n-nila a-ako.."


"Ganon ba talaga ako kahirap mahalin? Na kahit minsan di mo manlang naisip na tumingin sa akin? Ano ba yung dapat kong gawin! Kailangan ko bang magpa-plastic surgery para maging magka-mukha kami? Para matingnan mo man lang ako kahit saglit lang..."


"I stayed martyr for 2 years, na hinahayaan kitang makipagkita sa kanya, na makasama siya basta ba alam kong babalik ka, kasi alam kong tatanggapin at tatanggapin parin kita, marupok ako pagdating sayo eh."


"Pero siguro, sapat na yung dalawang taong pagiging tanga, siguro panahon na para palayain kita."


"Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" Ani ko sabay titig sa kanyang kulay tansong mata.


Matamis akong ngumiti sa kanya kahit na walang tigil ang pag-agos ng luha ko sa mga mata, sabay dahan-dahang tinanggal ang wedding ring namin.


"Isinuot mo ito sa akin noong ika-isa nang pebrero taong dalawang libo't labing siyam, sa simbahan na pinapangarap kong maikasal. Kahit alam kong napilitan ka lang na isuot ito sa akin, masaya parin ako dahil ikaw ang nagsuot sa akin nito. At kahit na nagsinungaling ka sa harap nang altar ay hindi mo alam ang sayang binigay nito sa akin." I wiped the tears that keeps falling down from my eyes.


"Masaya ako.. na nakasama kita. Kahit na masakit ay masaya ako at sana maging masaya na kayo ni Anna. She's my sister kaya ingatan mo siya, kahit na hindi kami magkadugo, mahal ko parin yun at gusto kong humingi nang tawad dahil sinira ko ang pag-iibigan niyo." Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang singsing na isinuot niya sa akin bago ko ito ibalik sa kanya.


"Malaya kana, mahal ko... Malaya kana" ani ko bago ko inilagay ang singsing sa nakakuyom niyang mga kamay.


"Ikaw na ang bahala sa singsing na yan, Giovan. Kung itatapon mo ay okay lang, pero wag muna akong paalamin kase alam ko naman na gagawin mo parin"


Ngumiti ako nang huling beses sa kanya bago ko siya tinalikuran.


Hindi ko na kailangan pang tanungin siya ulit kung bakit hindi ako, dahil alam ko naman sa simula palang ang sagot niya. My husband is in love with my sister.All rights reserved. 2024

My Husband Is In Love With My SisterWhere stories live. Discover now