Chapter Eleven: School ID

494 15 0
                                    


S H E E N A

Second day na ng pasukan. And eto na naman kami at nagmamadali sa pag-asikaso dahil baka maiwan kami. Kung hindi pa nga kumatok si Staku sa amin, di pa kami magigising.

Alas singko y medya na tapos tulog pa kaming apat. Nakalimutan daw kasi magset ni Jho ng alarm kagabi kaya ayun, di din sya nagising.

Buti na lang talaga kumatok si Staku sa kwarto namin para gisingin kami. Dun kasi sya sa room nila natulog kagabi kasi may importante daw kasi silang pag uusapang apat. Kung ano yun, hindi ko alam. Alamin nyo na lang sa kanila.

So, dahil nga five-thirty na kami nagising, nagmamadali kami sa pagkilos. Naunang maligo si Ate Loi at si Jho. Tapos kami naman ni Ate Aiah ang huli.

Natapos kami magready, five minutes na lang bago mag-six am. Halos magkanda-dapa na kami at mahilog sa hagdan dahil sa pagmamadali.

Pagdating namin sa baba wala na yung apat. At sabi ni Ate Jovz nasa sasakyan na daw sila naghihintay sa'min. Kaya agad na kaming tumakbo palabas ng bahay at pumasok ng van.

At nandun na nga silang apat. Pero ang bago, nasa likod silang lahat na apat.

Napatigil pa ako pagpasok ko at nagtatakang nakatingin dun sa apat.

Totoo ba 'to?

|MJ|Ate Colet|Staku|Ate Gwen|

'Yan ang seatting arrangement nilang apat sa likod.

Habang nakatingin ako dun sa apat, biglang may tumulak sa'kin mula sa likod kaya muntik na akonh sumubasob sa isang upuan sa loob ng van.

Tinignan ko naman ng masama yung taong nasa likod ko at walang iba kundi si Ate Loi.

"Sorry! Para ka kasing poste, eh." Biro pa nya habang tumatawa. Napairap na lang ako saka naupo na lang dun sa seat kung saan nakaupo si Staku kahapon.

Pumasok na din sila at gaya ko, gulat na gulat din yunh reaksyon nila nang makitang nasa likod nakaupo yung apat, magkakatabi.

Pero alam ko, nagsasaya na mga laman loob ng mga buang na 'to ngayon. Lalo na si Ate Loi. Kasi syempre, di na sila magkatabi ni anger nya.

Ay mali, di pala sila magkatabi kahapon nung pag uwi namin. Si Ate Aiah pala saka si MJ yung magkatabi kahapon. At may moment pa nga yung dalawa kahapon, eh. At may proof ako kasi kinunan ko sila ng pictures kahapon. Si Staku po may pakana.

"Hay salamat!" Sambit ni Ate Loi saka naupo sa tabi ko.

Sa likod naman namin naupo sila Ate Aiah saka si Jho. And nang nakaupo na kami ng maayos, umandar na din yung van paalis.

Tahimik lang naman kami buong byahe. Hulaan nyo kung bakit.

Antok pa kami. Kaya natulog kami buong byahe. Nagising na lang ako, nasa tapat na ng gate ng campus yung van.

Medyo kinabahan pa ako kasi baka kagaya kahapon, dumugin na naman ng mga schoolmates namin yung van. Nakakaloka yun. Akala ko kahapon, may lindol na, eh. Tapos para silang mga zombie na panay kalampag sa bintana ng van. Ang scary!

Nauna kaming bumaba since kami yung mas malapit sa may pinto. Then, hinintay namin yung apat sa likod.

Pagkababa nila, agad na lumapit kay Jho si Staku at lumingkis sa braso nito. Napakamot na lang naman si Jho sa ulo nya habang nakangiwi.

Kahapon pa sya naiilang kay Staku, sa totoo lang. Ang clingy kasi ni Staku sa kanya. Like kung asan si Jho, nakasunod din sa kanya si Staku. Ewan ko ba kung talagang trip nya lang si Jho or may iba pang dahilan.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon