Chapter Twenty-Six: WP Sweet Dance & Fireworks

588 18 5
                                    



J H O A N N A


Habang busy ang iba naming schoolmates sa pagsasayaw, kami naman ay nanatili lang sa table namin. Kaming lima lang ang andito dahil umalis sina Trio dahil may aasikasuhin lang daw sila saglit.

Nagtanggal na kami ng masakara dahil ang init na at pinagpapawisan na talaga yung mukha ko. Hindi naman makikita yung mukha namin ng malinaw since medyo dim yung ilaw dahil nagpaparty na yung ibang students at nagsasayaw sa gitna ng hall.

"Jho." Kalabit sa'kin ni Staku kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm?"

"Samahan mo ko. Magsi-CR lang." Aniya habang nakapout pa.

Natawa ako saka tumayo. "Okay. Tara."

Inalalayan ko syang tumayo saka humarap muna dun sa tatlo at nagpaalam na sasamahan ko muna si Staku mag-CR. Pagkatapos ay tinungo namin yunh direksyon papuntang powder room.

Madami kaming nakakasalubong at halos lahat sila nagha-hi kay Staku na nakangiti namang binabati pabalik nitong kasama ko. May nakaway at may gusto pang makipagkamay.

Ewan ko pero dahan-dahang nagbabago ang mood ko sa mga nasasaksihan ko. Basta naiirita ako kapag may nakikipagkamay sa kanya.

Hanggang sa nakarating kami sa may powder room ay nakabusangot ako. Nagstay lang ako sa labas at hinintay syang matapos.

Maliwanag ang ilaw dito kaya yung mga napapadaan sa may part na to napapatingin sakin. Nagtataka ako sa inaasta ng ibang napapadaan dahil talagang hini-head to toe nila ako ng tingin.

'Grabeng tingin 'yan, puno ng panghuhusga. Dukutin ko kaya mata ng mga to? Tsk!' Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin.

After 5 minutes ay lumabas na din si Staku at nagtaka pa sya nang makita akong nakabusangot.

"Oh, anyare sayo? Bat ka nakabusangot dyan?" Kunot noong tanong nya.

Umiling lang ako at napansin kong medyo nakataas ng konti yung laylayan ng dress nya kaya lumapit ako at inayos ito. Nagulat man ay natawa na lang sya at hinayaan ako.

Nang masigurado akong okay na ay inaya ko na syang bumalik sa table namin. Tumango lang sya at lalakad na sana pero napahinto din nang hawakan ko yung kamay nya.

"Ay? Bakit may pa-holding hands ka?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Para wala nang magtangkang makipagkamay sayo. Kakairita, eh." Sagot ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Ayan, okay na. Tara!"

Natatawang napailing na lang sya. "Tsansing ka, ah? Mamaya, isipin kong nagseselos ka lang?"

Inirapan ko lang sya at hindi na pinansin ang pang aasar nya. Marahan ko syang hinila paalis dun at pabalik ng table namin.

Pagkabalik namin sa table ay si Sheena lang ang naabutan namin dun. Iba na din yung tugtog at slow music na yung maririnig mo sa buong hall. Tugtog para sa mga couples.

Nagsialisan na ang karamihan sa mga sumasayaw kanina at naiwan na lang sa gitna yung mga may partners.

LIHIM
by Arthur Miguel

🎶Humawak ka sa 'kin, sundan aking himig
'Wag nang magtago, 'di naman magbabago
'Di kailangang sabihin, walang dapat gawin
Oh, aking bituin, ikaw ang hiling🎶

"Oh, bat ikaw lang dito, Shee? San yung dalawa?" Takang tanong ko habang inaalalayan kong makaupo si Staku.

"Andun. Nakikipag-sweet dance." Walang ganang sagot nya habang nakahalumbaba pa sa mesa.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon