Chapter Thirteen: Temporary Partners

488 14 2
                                    



J     H     O     A      N      N      A

Pagkatapos ng announcement ay pinabalik na kaming lahat sa kanya kanya naming rooms. Kasi uumpisahan na daw yung pag-aarange ng pairings para sa Cotillion.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may ganun pa palang part para sa Welcome Party. Tapos ang mas nakakagulat pa, kasali kaming mga transferees.

Pero ang pinakanagpagulat talaga sa'kin kanina is nung nalaman namin na may partners na kaming apat para sa Cotillion. As in kaming apat, ah. Ako, Sheenna, Yves at si Ate Aiah. Kaming apat.

Una pa ngang tinawag ang pangalan namin ni Shee kanina at pareho kaming dalawa ng reaksyon. As in super gulat na gulat kaming dalawa kasi sa dami labing-dalawang transferees, nakasama kami sa apat na maswerte daw na estudyanteng magiging partners ang tinatawag nila kaninang LAVSA Quadro.

Tapos last na tinawag yung pangalan nina Yves at Ate Aiah. At gaya namin ni Shee, gulat na gulat din silang dalawa na kasali din sila.

Sino ba naman kasing mag eexpect na kasama pala kaming apat dun. As in kami pa talagang apat.

Ewan ko if sinadya ba yun or coincidence lang. Kasi 12 kaming transferees from 2nd to 4th year. May 10 girls tapos 2 boys.

Tapos sa 10 girls na 'yan, kaming apat pa talaga ang napili nila.

Pero ang kanina pa talagang tumatakbo sa utak ko is yung katanungan kung sino yung tinutukoy nilang Quadro ng LAVSA.

May pakiramdam kasi ako na hindi lang sila basta bastang grupo ng estudyante dito sa LAVSA. Parang sobrang sikat at importante nila dito sa campus.

Kaso iniisip ko kung sino-sino ba sila. Quadro so meaning apat sila. Apat na boys, ganun?

Well, siguro apat na boys sila. Kasi apat na girls yung pinili nila sa mga transferees, eh. So malamang sa malamang, apat na boys yung Quadro na sinasabi nila.

Ang kaso, may malaking problema. Ano?

Hindi ako magsusuot ng dress sa Welcome Party.

Sawang sawa na ako sa kakasuot ng dress, uy! Atsaka free naman daw kami kung anong isusuot namin. Kaya hindi ako magsusuot ng dress. Magsu-suit ako. Hmm. 😏

So, kung sino man pong magiging partner ko, good luck na lang sa'tin. Kasi pareho tayong nakasuit. 🥲

Bahala sya dyan. Basta ako, di ako magdi-dress. Kung gusto nya magdress sya. Basta ako, ayoko.

"Jho!" Tawag sa'kin ni Shee kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Kinakabahan ako." Nakasimangot na sabi nya.

"Ha? Bakit?" Napakunot noo ako habang nakatingin sa kanya.

Nasa room na kami pero di namin kasama si Staku. May pupuntahan daw muna sya saglit pero susunod din daw sya dito sa room.

Si MJ, ewan ko kung asan. Baka busy pa sa preparations para sa WP. Kasama nya pa din yata sina Ate Colet saka si Ate Gwen.

Ay, speaking of Ate Gwen. Grabe! Until now, gulat na gulat pa din ako nung makita namin sya sa stage kanina. Tapos sya pala yung mag-aannounce ng tungkol sa WP. Eh, hindi naman palasalita yun, diba?

Tapos kanina, sobrang haba ng sinabi nya. Tapos ang seryoso ng mukha nya pati boses nya habang nagsasalita.

Tapos sabi ni Staku, si Ate Gwen daw kasi ang Auditor ng council nila kaya sya talaga ang naka-aasign sa mga announcements dito sa school.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon