Chapter Nine: Naligaw sa MR imbis na sa CR

537 15 0
                                    

S T A C E Y

Lunch break na namin ngayon and after nang nangyaring sigawan nina Ate Cols at Ate Yves dito sa cafeteria, hindi na sila nagkikibuan. As in, wala na silang pansinan. Like kahit magtinginan or mag irapan, wala na.

Magkalayo din sila ng upuan dahil sinadya ni Ate Gwenny na wag na silang pagtabihing dalawa. Mahirap na daw at baka magsabong ulit yung dalawa kagaya kanina.

Alam nyo yun? Yung pumunta lang naman kami ng cafeteria para bumili ng snacks tapos ang naabutan naming scene is yung nagsisigawan sina Ate Cols at Ate Yves sa may counter.

Actually, papasok pa lang kami ng cafeteria nagsasagutan na silang dalawa tapos biglang napunta sa sigawan. Lahat tuloy ng schoolmates namin na andito, nakatingin na sa kanila at pinapanuod sila kanina.

And guess what? Galit na galit si MJ kanina. Like yung mukha nya talagang nakakatakot.

Ayaw na ayaw kasi 'non nang may nagsisigawan or nag aaway dito sa campus. Pero yun nga, dahil sa nangyari kanina, ayun at galit na galit sya.

Napagsabihan pa nga nya si Ate Cols kanina. Nagsorry naman si Ate Cols since alam nyang ayaw ni MJ nang may nag aaway dito sa campus. And alam namin ang rason kung bakit.

Kaso dahil mainit ang dugo nung dalawa sa isa't isa, kaya nagkasagutan sila.

But they're okay naman na. Wala nga lang kibuan sina Ate Cols at Ate Yves. Sinabihan ni MJ si Ate Cols na magsorry dun sa isa pero ayaw naman ni Ate Cols. At wala din kasi sa ugali nya ang magsorry.

Hindi mo yan maririnig na magsorry except kay MJ. Takot sya kay MJ, eh kahit na mas matanda sya dun sa isa.

Tsaka nakakatakot talaga si MJ kapag galit. Tingin pa nga lang nya, manginginig kana. Ano pa kaya kapag sumigaw na yan, gaya kanina. Sa galit, napasigaw din sya.

Buong campus ata narinig yung sigaw nya. Ewan ko lang. Basta ang lakas kasi nya sumigaw kapag galit saka nakakatakot.

So ayun nga, lunch break na at nasa cafeteria na kaming walo at kumakain, syempre. Alangan naman naglalaba kami dito? Duh!

Katabi ko syempre si crush-----eme. Hahahahah!

Katabi ko si Jhoanna tapos sa kabilang gilid ko naman si Ate Cols. Sa tabi naman ni Jhoanna si Ate Yves na nakikipagbiruan na ulit kay Shee na kaharap naman nya.

Medyo nagulat nga ako kasi nung pagdating ng lunch break, parang wala lang kay Ate Yves yung nangyari. Todo biruan at kulitan nila ni Shee.

Pero yun nga, hindi nya pinapansin si Ate Cols. Not that, nagpapansinan sila before kasi more like palagi silang nagsasagutan kapag nagkaharap silang dalawa.

Ngayon kasi, kahit magkasabay silang apat nina Ate Gwenny at Ate Aiah na pumunta ng cafeteria, parang may malaki at mataas na pader na nakaharang sa pagitan nung dalawa. As in wala silang kibuan, ni tinginan or irapan, wala! As in wala!

Ang awkward tuloy ng atmosphere sa table namin. Hindi naman ganun ka-awkward, ah. Medyo lang.

Magkatabi naman si Ate Aiah saka si MJ. Tapos katabi ni MJ sa right side nya si Ate Gwenny.

So bali ganito arrangement namin sa table namin.

So bali ganito arrangement namin sa table namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon