Chapter Twenty-Three: Cotillion part 1

751 21 8
                                    

T H I R D    P E R S ON 's   P O V


After ng pangalawang performance ng Quadro ay bumalik na sila sa table nila. Bago umalis ng stage ay nagpasalamat muna sila sa mga fans a.ka schoolmates nilang panay ang pagcheer kanina habang nagpe-perform sila.

"Don't worry, LAVSters. May isa pa kaming ipe-perform later. Pero after pa ng Cotillion." Nakangiting wika ni Staku na ikinatuwa naman ng schoolmates nila.

Isang taon din kasing hinintay ng schoolmates nila na makita sila ulit magperform. Kaya talagang sobrang natutuwa ang mga itong makita sila sa stage at nagpeperform ulit, kasama ang prinsesa nila.

Matapos magpasalamat at magbow sa harap ng lahat ay bumaba na sila ng stage. Nakaalalay pa din si Colet kay Stacey lalo na at nakasuot ito ng three inches heels. Si Mikha na ang nagbitbit ng Violin ni Stacey hanggang sa makabalik sila sa table nila. Kung saan naghihintay ang mga kasama nila.

Magkahalong tuwa, paghanga at pagkagulat ang makikita sa mukha ng apat nang makabalik sila sa table na inuukupa nilang walo.

Agad tumayo si Jhoanna at pinaghila ng upuan si Stacey. Kinikilig naman na nakatingin sa kanila sina Sheena, Yves at Aiah. Habang nanunuri naman ang tingib kay Jhoanna nina Colet, Gwen at MJ.

Ramdam naman ni Jhoanna ang mga tingin sa kanya ng tatlo. At kahit na hindi kita ang buong mukha ng mga ito, ay ramdam nyang seryoso ang mga mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Hindi lang din ang mga kasama nila sa mesa ang nakatingin kay Jhoanna, kundi halos lahat ng tao sa loob ng hall. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanila at parang ina-annalyze ng pa ng karamihan kung anong meron sa kanya at sa prinsesa ng campus.

May nga bulungan pa silang naririnig pero hindi nila yun binigyan ng pansin.

Tahimik na inilapag ni Mikha ang violin ni Stacey sa table sa tapat nito bago nagtungo sa silyang inuupuan nya kanina. Si Gwen naman nakaupo na sa katabing upuan ni Sheena habang hawak ang cellphone nito at may kung anong tinitipa.

Si Colet naman ay lumapit muna kay Jhoanna at tinapik ito sa likod sabay bulong ng, "Usap tayo mamaya sa bahay."

Napalunok naman si Jhoanna at walang naisagot maliban sa pagtango. Tinapio sya ulit ni Colet sa likod bago ito lumipat sa kabilang side ni Stacey at naupo na din.

Nakita naman ng tatlong kaibigan ni Jhoanna ang nangyari pero walang naglakas ng loob na magtanong. Hinayaan na lang nila dahil baka may sinabi lang si Colet kay Jhoanna na importante.

Pero dahik katabi lang ni Sheena ang pwesto ni Jhoanna ay nakita nya ang paglunok nito. Halatang kinakabahan ang kaibigan nya kaya hindi nya napigilang matawa sa isip nya.

'Binantaan yata ni Ate Colet 'to.? Auto lunok si retsam, eh. Hahahahaha!!!'

"Oh, nag enjoy ba kayo sa performance ng ating pinakamamahal na QUADRO?!" Naagaw naman ang atensyon nilang lahat nang magsalita na ulit yung lalaking host. Kasama nito ang partner nito sa stage.

"For sure, nag enjoy silang lahat. Diba?!"

"YES!!!"

"SUPER!!!"

"SOBRAAAA!!!"

Natuwa naman si Stacey sa naging sagot ng mga schoolmates nya. Masaya sya at magaan ang pakiramdam lalo na at alam nyang nag enjoy ang mga ito sa performance nila.

"Told you, partner. Basta ang QUADRO ang magperform, matik na mag eenjoy lahat."

"I agree, partner. Lalo na ang OG LAVSters, like us. One year din natin hinintay na makapagperform ulit sila. And finally, pinagbigyan na nila tayo. They performed and slay the stage again, as they always do."

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon