Chapter Ten: WP Plan x MikhAiah

570 18 1
                                    

C      O      L       E       T

After naming kumain ng lunch kasama yung ibang girls, niyaya ako ni MJ sa office ng council dahil magpapatulong sya sa'kin gumawa ng plano para sa gaganaping Welcome Party.

No choice na ko kasi hinila na ako ng baliw na 'to palabas ng cafeteria. Abno talaga.

Pasalamat talaga sya at may kasalanan ako sa kanya kaya hinahayaan ko lang syang basta na lang hilahin ako.

And ngayon, andito kami sa conference room ng student council which is sa loob lang din naman ng office nila pero nakaseparate na room. Dito nagme-meeting ang mga officers kapag may kailangang pag usapan like sa ganitong bagay. Welcome Party.

Pero hindi ko alam sa baliw na 'to at ako ang hinila dito para magpatulong imbis na sa mga co-officers nya.

Vice-President ka, bai. Baka nakakalimot ka? Sabi ng isang parte ng utak ko.

Napangiwi na lang ako. Oo nga pala. Tch!

"Eto yung mga naisip kong plano for the Welcome Party. Masquerade theme sya as you suggested. And like I said din, nilagay ko sa plan na may freedom lahat kung anong gusto nilang suotin like for the LGBT's here in the campus. No more specific na dress code. They can wear dress or tuxedo if they want." Sabi nya habang inaabot sa'kin yung iPad nya.

"Mukhang may plano ka naman nang nagawa? Bat kailangan pa 'ko dito?" Busangot na tanong ko sa kanya.

"It's not just about the plan kaya kita hinila dito."

"Oh? May iba pang dahilan?"

"Mm."

Napakunot noo naman ako. "Ano?"

Malalim syang bumuntong hininga saka sumandal sa upuan nya. "Dean talked to me earlier. And he suggested to have a Cotillion Dance for the Welcome Party."

"Cotillion?" Mas lalong kumunot ang noo ko dahil dun. "Para san? At bakit daw? Ang alam ko sa Prom lang ginagawa 'yang Cotillion na 'yan kapag sa school."

"I already told him that but----tsk! He wants me to add it on the program para sa Welcome Party." Naiiling na sagot nya.

"Anak ng.... piskit naman, oh? Seryoso ba sya?" Nagkibit balikat lang sya. "Welcome Party lang yung gagawin may pa-cotillion pa. Sya na lang kaya gumawa ng plano at mag asikaso 'no? Dami nyang alam, di naman sya gagawa ng plano. Tch!" Inis na sabi ko.

"Don't get mad, yet. Coz' may gusto pa syang ipagawa sa'tin." Sabi nya habang naiiling at natatawa.

"Sa'tin? Kasama ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Not just you. Pati din sila Ate Gwen at Staks. Actually, sa'ting APAT lang."

"What the f-ck? Anong sa'ting APAT lang?" Pinaghalong gulat at inis yung reaksyon ko.

"Kasi ganito 'yan...." aniya saka nag-umpisang magpaliwanag.

Kinuwento nya sa'kin lahat ng napag-usapan nila ni Dean kanina. Yung plano para sa welcome party, yung kabuuan ng program, performances or intermission numbers at last yung sa pinapadagdag nilang cottillion dance.

Sa lahat nang binanggit nya, yung cottillion lang talaga yung pinaka-pinakinggan ko ng maigi.

At habang ini-explain nya yung tungkol dun, mas lalo lang akong naiinis. Hanggang sa natapos sya at hindi na talaga maipinta ang mukha ko sa sobrang inis ko.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon