Chapter Twenty-One: Dinner na may Konting Selosan

531 14 3
                                    




S    H    E    E    N   A


"Okay, everyone. Before we continue our program, let's all have our dinner first. And alam namin na halos lahat sa atin ay excited na ding kumain at mga gutom na. Huhulaan ko pa, karamihan sa inyo talagang inaabangan ang buffet. Tama ba 'ko?" May halong birong tanong ng host na lalaki.

Natawa naman kaming lahat pero nag-agree din naman kami. Totoo naman kasing gutom na kami at talagang inaabangan namin yung dinner dito sa party. Buffet style kasi, eh. Hahahaha!

"YES!!!"

"TAMA!!!!"

"GUTOM NA KAMI!!!"

"KAINAN NAAA!!!!"

Natatawang napailing na lang din kami sa naging sagot ng mga schoolmates namin. Di naman halatang mga gutom na sila, eh 'no? Inangat ba naman yung mga plato nila tapos yung iba pinapatunog na yung mga baso nila gamit yung kutsara. Parang nasa kasal lang.

Ano yun? Kiss? Gusto nila ng kiss? Amp!

"Okay. Okay, kalma lang. Eto na nga at kakain na tayo." Natatawang sabi ng host. "Since buffet style tayo means kanya-kanyang kuha ng foods. Pero wag magtulakan, ah?! Kailangan naka-linya kayo habang kumukuha ng pagkain sa buffet table. May dalawang buffet table which is nasa magkabilang side ng hall. May mga staff naman ng caterers na mag-aasisst sa inyo. And for your drinks, may staffs din ng caterers na maglilibot para bigyan kayo ng tubig or juice. Depende sa gusto nyo."

"So sa mga nandito sa left side, dito din kayo kukuha ng food sa side nyo. Same naman sa kabila. Don't worry, guys, kasi pareho lang yung mga pagkaing nakalagay sa buffet table. Pila-pila tayo, ah." Sabi naman nung babaeng host.

"Enjoy and eatwell, everyone!!" Sabay pa nilang sabi bago bumaba dun sa mini stage.

Nag-umpisa na ding magsitayuan ang mga schoolmates namin at pumunta na sa buffet table para kumuha ng pagkain. Pila-pila sila lahat at bitbit ang kanya-kanyang plato.

"Tara na, mga beh. Kuha na din tayo. Nagugutom na 'ko." Aya ni Ate Loi sa amin.

Tumayo na kaming apat maliban kay Staku kaya nagtataka naman sa kanyang tumingin si Jho.

"Staks, di ka sasama sa'min kumuha ng food?"

Nakangiti namang umiling si Staks. "Mauna na kayo. Antayin ko lang sila Ate Gwen para sabay-sabay na kami."

"Oh, okay." Napakamot na lang si Jho atsaka kami umalis sa table namin.

Buti na lang at hindi pa gaanong mahaba yun pila dito sa side namin. Kaya mabilis lang din kaming nakarating sa buffet table.

Grabe, ang daming pagkain!!

Ang dami at iba-iba yung dish na makikita mo.

Wow!

Sobrang manghang-mangha ako sa nakikita ko at dahil gusto kong matikman lahat, nagpalagay talaga ako nung mga pagkain na tingin ko masarap. Halos mapuno na nga yung plato ko, eh.

Tawang tawa naman yung tatlo sa'kin at nakuha pa akong asarin. Di ko na lang sila pinansin.

Gutom ako, eh. Sabi ko sa isip ko at nauna nang bumalik sa table namin bitbit yung plato kong halos mapuno na dahil sa dami at magkakaibang dish na pinalagay ko.

"Luh? Dami nyan, Shee ah? Kaya mo ubusin 'yan?" Gulat at namamanghang tanong ni Staku pagkadating ko sa table namin.

"Oo naman. Tsaka iba-ibang dish naman 'to." Sagot ko.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon