Chapter Twenty: WP part 2 "Campus Princess"

465 13 2
                                    




    H      O      A      N      N      A

After magperform nung Trio, nagkarom ulit ng isa pang performance. Pero di ko naman halos pinanuod kasi busy ako kakalinga sa loob ng hall. Hinahanap ko si Staku, eh kasi di ko——I mean, di pa namin sya nakikita ever since pumasok kami ng hall.

Asan kaya sya? Tanong ko sa isip ko habang lumilinga-linga sa paligid. Sabi nya kasi, hihintayin na lang nya kami dito sa loob ng hall.

Kaso kanina pa kami dito sa table pero di pa di ko pa din sya nakikita. Di naman ako makaalis dito kasi nasa kalagitnaan pa kami ng program. Kailangan magstay kami sa mga seats namin hanggang sa matapos yung speech ng guest.

After kasi ng message or speech ng guest ay time na for dinner. And since buffet style yung dinner, need namin tumayo para kumuha ng pagkain sa buffet table.

Nang hindi na ako makatiis ay kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng coat ko ay nagsend ng message kay Staku.

To: Stakure
Uy, asan ka?

Pagkasend ko ng chat sa kanya ay luminga ulit ako sa paligid. Kilala ko naman yunh dress na suot nya kaya madali ko syang makikilala if ever na makita ko sya. Kahit na nakamaskara pa sya.

Nakamaskara na kasi kaming lahat ngayon. Ang init nga, eh. Pinagpapawisan na yung mukha ko kaya maya't maya ang pagpunas ko ng pawis sa mukha at noo ko.

*TING!*

Agad akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog iyon. In-open ko agad at nakita kong may reply sya sa chat ko.

From: Stakure
Sa backstage.

From: Stakure
Hinihintay ko lang sila Mikhs tapos punta na kami dyan sa table.

Napakunot noo naman ako.

To: Stakure
Sinong Mikhs?

From: Stakure
Si MJ.

From: Stakure
Nagbihis pa kasi sila.

To: Stakure
Ahh okay.

From: Stakure
Papunta na kami jan. Hihi.

To: Stakure
Ah sige. Ingat at baka matalisod ka. Nakaheels ka pa naman.

From: Stakure
Ang OA. Opo, master!

Napailing na lang ako at nagsend ng like (👍) sa kanya bago ko binalik sa bulsa ng coat ko yung phone ko.

"Sino ka-chat mo?" Tanong ni Shee na nakadungaw sa'kin mula sa seat nya.

Hindi kasi kami magkakatabi ng upuan. May isang seat bawat pagitan namin. Ewan ko kung bakit pati yung upuan, nilagyan ng names namin. Kaloka!

"Si Staku. Papunta na daw sila dito." Sagot ko saka nagcross arms at bumuntong hininga.

Hinhintay kong dumating sila habang nakikinig sa sinasabi ng host.

"Alright, I know that all of us are waiting for this part of the Welcome Party, wherein our Princess will be performing tonight." Wika ng host na syang nakaagaw ng atensyon ko.

Bigla na namang nag-ingay ang lahat ng schoolmates namin na halatang excited at tuwang tuwa sa sinabi ng host.

"Oh em geeee!!!!"

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon