Chapter 1

1.2K 11 1
                                    

"HE Is the biggest jerk I have ever met in my entire life!" nanggagalaiting pahayag ni Nerissa habang nagmamaneho siya.

Napatingin sa kanya si Jenny na kasama niya sa loob ng kotse. "Mukhang masyado kang naapektuhan sa ginawa ng lalaking iyon," komento nito.

"Of course not!" mariing tanggi niya. "Bakit ako magpapaapekto sa ginawa niya? He is nothing but a lousy jerk."

Ang dahilan ng galit niya ay ang panloloko sa kanya ni David, ang magaling na ex-boyfriend niya. Nakilala liya ito nine months ago sa party ng isang film producer. Mang ipakilala siya rito ay hindi na siya nilubayan nito. Bakit hindi gayong isa siya sa mga pinakamaganda at pinakasikat na aktres sa show business sa kasalukuyan? Kung tutuusin, hindi alangan sa kanya si David. He was definitely a good-looking guy. Mestizo ito at lalatang-halata sa facial features nito ang pagkakaroon ng Spanish blood—matangos na ilong, maninipis na labi, light brown eyes, at taas na mahigit anim na talampakan.

Pero kahit sobrang guwapo ito, her reaction to his admiration for her was unlike that of other women's. Dahil mula pa nang magkaisip siya ay sanay na siyang sentro siya ng atensiyon at paghanga.

He began to pursue her the day after that party where they first met. Nasa taping siya noon para sa isang programa niya nang makatanggap siya ng isang bouquet ng mga bulaklak mula rito. Pagkatapos ng taping niya ay nalaman niyang naghihintay pala ito sa kanya para ihatid siya pauwi. Pumayag siyang magpahatid dito dahil ayaw naman niyang mapahiya ito. And since then, he started courting her. Hindi siya tinigilan nito hangga't hindi siya nagsagot.

Mag-iisang taon na siyang walang karelasyon noon. Maraming nagtangkang paibigin siya pero hindi niya pinansin ang mga ito. Noong mga panahon kasing iyon ay unti-unti na siyang sumisikat at kauumpisa lamang ng unang programang pinagbidahan niya. That was the biggest reason why she broke up with her last boyfriend. Masyado siyang busy at nagde-demand ito ng panahon mula sa kanya na hindi na niya kayang ibigay rito dahil sa mga projects niya. Pagkatapos nilang magtalo ng ilang beses tungkol sa kawalan niya ng panahon para sa relasyon nila ay nagpasya siyang makipag-break dito.

Isa pa, hindi na rin siya masaya sa relasyon nila. But David was very persistent. Hindi ito tumigil sa panliligaw sa kanya kaya napilitan siyang sagutin ito. Ikinuwento niya rito ang nangyari sa dating pakikipagrelasyon niya. Nangako naman itong hindi magiging demanding at napatunayan naman niyang hindi siya nagkamali nang sagutin niya ito.

He was a responsible boyfriend kahit na kung tutuusin ay busy rin itong tao dahil ito ang namamahala sa family business ng mga ito mula nang magretiro ang amanito. David was a sweet and thoughtful guy ngunit hindi siya nakakaramdam ng kilig sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya. She was very thankful na hindi nahulog ang loob niya rito.

"Kung hindi ka nga affected, ayusin mo ang pagmamaneho mo dahil baka hindi na tayo makarating sa pupuntahan natin," ani Jenny.

Umayos siya ng upo and she tried to focus on her driving. Papunta sila sa birthday celebration ni Mae Rodriguez, isa sa mga co-stars niya sa TV show na pinagbibidahan niya. Alas-otso ang simula ng party pero alas-nuwebe na ay nasa daan pa rin sila papunta roon dahil may tinapos pa siyang cover shoot para sa isang magazine.

"Hindi ko kasi talaga mapigilang manggigil tuwing naaalala ko ang ginawa ng walanghiyang lalaking iyon," aniya.

Limang buwan na niyang nobyo si David pero noong isang linggo ay tinapos na niya ito pagkatapos niya itong mahuling may babaeng kahalikan sa condo unit nito. Galing siya noon sa isang meeting para pumirma sa isang contract para sa gagawin niyang commercial sa TV at pauwi na sa kanyang bahay nang makatanggap siya ng text mula sa isang taong hindi nagpakilala. Nagdalawang-isip pa siya noon kung paniniwalaan iyon. Malay ba niya kung nanloloko lamang ang nag-text na iyon sa kanya?

Falling In Love With My Bodyguard - Haze PradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon