Napalingon si Nerissa nang maramdamang may dumantay sa kanyang balikat. "Bakit malungkot ka yata?" Tumabi sa kanya ang daddy niya.
"May lakad kayo?" Tanong niya nang mapansin ang bihis nito. "Business?"
"Nah. Magdi-dinner kami ng mommy mo. Want to come?"
Umiling siya. "Seryoso ba talaga kayo sa sinabi ninyo kahapon?" Napangiti siya nang maalala ang pagkagulat niya nang sabihin nito at ng mommy niya na sa tagal ng pagsasama ng mga ito ay ngayon lamang na-in love sa isa't isa ang mga ito.
"Oo naman," sagot nito. Sumeryoso ito. "Alam kong mahirap paniwalaan dahil hindi naman lingid sa iyo na ipinagkasundo lamang kaming ipakasal ng mommy mo. Parang sa papel lamang ang pagiging mag-asawa namin dahil inabala namin ang aming mga sarili sa pagpapalago ng ating mga negosyo."
"Ipinanganak ka pero nanatili pa rin kaming estranghero sa isa't isa dahil walang pag-ibig na namamagitan sa amin." He became misty-eyed. "Napabayaan at nabale-wala ka namin but that doesn't mean we don't love you. We just realized our mistakes when we saw you lying in that hospital bed, looking so helpless."
Inakbayan siya nito. "I'm sorry, anak, na nagkulang kami ng mommy mo nang sobra sa iyo. That's why we compromised na gawing masaya at buo ang pamilya natin. I don't know what happened. We just found ourselves falling in love with each other. Indeed, there's a miracle in this world."
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Nahihiya kami dahil kailangan pang sabihin ni Lawrence sa amin kung ano ang pagkukulang namin sa iyo."
Natigilan siya nang maalala ang binata. Mula nang iligtas siya nitomulakay kay Lenny ay hindi na ito nagpakita sa kanya. Nalaman niya mula kay Mae na nagpasama si Lawrence dito papunta sa bahay ni Lenny dahil alam na pala ng binata na si Jenny ang gustong pumatay sa kanya.
Nakita umano ni Lawrence ang litrato ng babae kasama ang nobyo nitong si Rudy noong hulihin ang lalaki sa bahay nito kaya nagkahinala na ito. Dahil nalaman din ni Lawrence na pupuntahan niya si Jenny at nanganganib ang kanyang buhay, nagbaka-sakali itong tanungin si Mae kung alam nito ang bahay ni Jenny. Mabuti na lamang at natatandaan ng kaibigan niya ang papunta sa bahay ni Jenny kahit isang beses lamang niya itong naisama roon.
Lalong sumama ang loob niya kay Lawrence dahil nagpaalam na pala ito sa kanyang mgamagulang bilang bodyguard niya pero hindi siya nito kinausap tungkol doon.
"Malay mo, mabigyan ka pa namin ng kapatid," biro ng daddy niya na siyang dahilan ng pagbabalik ng isip niya sa kasalukuyan.
"Eh, di magkasing-edad na ang kapatid at magiging anak ko," pabirong sabi niya.
Nangingiting ginulo nito ang buhok niya. "May unawaan na ba kayo ni Lawrence?"
Her cheeks flushed. "Dad!"
Humahalakhak na tumayo ito. "Wala namang problema kung gusto mo siya. I know he will take good care of you."
UMUPO si Nerissa sa bench na matatagpuan sa hardin ng bahay nila nang tuluyang makalayo ang kotseng kinalululanan ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa hita na may benda.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan na si Jenny ang gustong pumatay sa kanya. Nakakulong na ito at naaawa siya rito na ganoon ang sinapit nito dahil sa maling akala na siya ang dahilan ng pagpapakamatay ng kapatid nito.
Ngayon ay matatahimik na siya at makakabalik na sa normal na buhay. Maaari na siyang lumakad nang walang bantay at hindi natatakot. Pero kabaligtaran ang nangyari sa kanya. Hindi siya naglalayas ng bahay at ang mga naka-lineup niyang projects ay hindi pa niya sinisimulan. Ang dahilan ay ang lalaking laging laman ng kanyang isip.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Bodyguard - Haze Prado
RomanceSanay si Nerissa na hinahangaan at pinaluluguran. Kaya nabibigla siya sa ikinikilos ni Lawrenee, ang "forced"bodyguard niya. Forced dahil ang daddy lang niya ang may gustong magkaroon siya ng bodyguard. At sa dinami-rami naman ng puwede nitong i-hir...