Chapter 4

379 10 1
                                    

"Welcome back, Nerissa!" sabay-sabay na pagbati sa kanya ng mga taong naabutan niya sa set ng telenobelang "Forever." Isa siya sa mga bida sa naturang soap opera.

"Thank you, guys," masayang sabi niya habang niyayakap ang mga kasamahan na lumalapit sa kanya. Na-miss niya ang mga ito, lalo na ang pag-arte sa harap ng camera kaya naman bigay na bigay siya sa taping.

Pagkatapos kunan ang kanyang eksena ay pumunta siya sa lugar kung saan nagpapahinga ang ibang kasamahan niyang artista.

"Kumusta ka na?" tanong ni Mae nang makaupo na siya sa tabi nito.

"Okay lang," sagot niya. Uminom siya mula sa juice na ibinigay nito sa kanya.

"Mukhang hindi lang ikaw ang pinagkaguluhan nang dumating, ah," sabi nito na ang mga mata ay nakatutok sa pinagparkingan niyang van.

Nakakunot ang noo nang sinundan niya ang direksiyon ng tingin nito at lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang ilang babae ang nakapalibot sa bodyguard niya.

"Instant celebrity, huh?" tatawa-tawang komento ni Mae. "So tell me, how does it feel to have a driver like Lawrenee?"

Kanina pagdating niya sa set ay na-curious ang mga ito kung sino ang kasama niyang lalaki. Inulan siya ng tukso na kagagaling lamang niya sa isang aksidente at ka-break pa lamang nila ni David ay may nahanap na agad siyang kapalit nito.

Si Lawrenee na ang nagda-drive sa van niya kaya ang pakilala niya rito ay driver lang niya. Sinabihan kasi siya nito na huwag nang ipaalam sa iba na bodyguard talaga niya ito.

Naiinis man siya dahil parang inuutusan siya nito ay nagpatianod na rin siya dahil ayaw naman niyang matakot at mag-alala ang mga kasamahan niya kapag nalaman nilang may nagtatangka sa buhay niya.

"Nakakairita. Hindi ko magawa ang lahat ng gusto ko dahil siguradong ire-report niya ang lahat ng mga lakad ko kina Daddy," nakasimangot na wika niya.

Tumawa si Mae. "I-enjoy mo na lang ang pagkakaroon ng driver na tulad niya," payo nito sa kanya. "Bihira ang mga ganyan na mukhang artista."

"Iyan, mukhang artista! Nagpapatawa ka ba?" bulalas niya. Padabog na ibinaba niya ang hawak na baso.

Nagtataka ang tingin na ibinigay nito sa kanya. "Over naman ang reaction mo," puna nito. "Saka guwapo naman talaga si Lawrence, at malakas ang dating. Lalapit ba naman ang kasama natin sa kanya kung hindi, lalo na si Lily."

Ngumuso pa ito sa direksiyon ni Lawrence at nang tumingin uli siya roon ay saka lamang niya napansing dikit na dikit dito si Lily, isa sa mga kasamahan nilang artista. Napataas ang isang kilay niya nang makita iyon. Hindi na siya nagtaka sa nakita. It was common knowledge in the industry that the woman was a flirt. Kung sinu-sino ang nagiging karelasyon nito at sa mga nakalipas na buwan ay laman ito ng mga balita sa tabloids dahil sa kumalat na mga sex videos nito. Hindi niya itinatago ang disgusto para dito. Hindi siya ang tipong makikipagplastikan sa mga taong hindi niya gusto. Kaya naman may ibang tao na ilag sa kanya. Hindi siya apektado niyon. Alam niyang hindi lahat ay mapi-please niya.

"Kahit sino namang lalaki ay nilalapitan niyang si Lily," nakaingos na komento niya.

"Kunsabagay. O, saan ka pupunta?" tanong ni Mae nang tumayo siya.

"May kukunin lang ako sa sasakyan ko," sagot niya at tuluy-tuloy na tinungo ang kanyang van. Hindi niya pinansin si Lawrenee at ang mga babaeng kausap nito.

Pagkapasok niya sa van ay agad na isinara niya ang pinto nito. Hindi pa nagtatagal ay pumasok na rin doon si Lawrenee. Pumuwesto ito sa driver's seat. Hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang isang bag at simula nang halungkatin iyon.

Falling In Love With My Bodyguard - Haze PradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon