Chapter 7

414 6 0
                                    

"NaKAKAINIS ka talaga, Kuya. Bakit hindi mo naman sinabi na si Ate Nerissa ang binabantayan mo?" kompronta ni Marie sa kapatid. Ngayon lang yata niya naalalang itanong iyon dahil sa sobrang excitement nang makita siya kanina.

Tila natulala ito sa harap niya kanina. Pero sandali lamang iyon dahil sa panggigilalas niya ay tumih ito animo sirena ng trak ng bombero. Nakita niyang napangiwi nang sobra si Lawrence habang tinatakpai ang dalawang tainga.

Kung hindi lamang niya naisip agad na baka ma-offend si Marie, malamang ay ginaya na niya ang ginawa ng binata. Ang ina naman ng mga ito na si Nanay Rose ay nahihiyang inawat ito. Hindi ito magkamayaw sa pagsaway kay Marie na tila nawala sa sarili nang makita siya.

Ngayon ay naiintindihan na niya ang ibig sabihin ni Lawrence sa sinabi nito kanina na magwawala ang kapatid nito kapag nakita siya. Marie was an avid fan of her. Pinapirmahan nito sa kanya ang lahat ng mga posters at magazines na siya ang nasa cover.

Hindi na bago sa kanya ang tulad ni Marie at ang naging reaksiyon nito pagkakita sa kanya. Natural lang sa mga tao ang ma-excite at matuwa kapag nakakita ng artista, lalo na kapag idolo ng mga ito iyon. Natutuwa siya tuwing nalalaman niya na napapasaya niya ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa niya.

But it still warmed her heart na makakilala at makausap ang isang tagahanga na tulad ni Marie. Nang sa wakas ay tumigil din ito sa pagtitiyak, namamangha pa rin itong tumitig sa kanya. Lumapit pa ito sa kanya at nakita niya sa mukha nito na tila gusto siya nitong hawakan ngunit nag-aatubiling gawin. Kaya siya na mismo ang humawak sa kamay nito.

Pagkatapos siyang ipakilala ni Lawrence sa pamilya nito ay hindi na natigil si Marie sa pagtatanong sa kanya.

"Kung sinabi ko sa 'yo, siguradong hihilingin mo na makita siya nang personal at hindi mo ako titigilan hangga't hindi kita pinagbibigyan," ani Lawrence at pinandilatan ang kapatid.

"Ang damot! Dati rin, hindi mo agad sinabi na siya ang iniligtas mo," patuloy na sumbat ni Marie.

Tahimik lamang siyang nakikinig sa mga ito habang kumakain. Kasalukuyan silang nagsasalo sa masarap na hapunan na inihanda ni Nanay Rose.

"Huwag ka nang magtampo sa kuya mo," sansala ni Nanay Rose. "Ginawa lang siguro niya iyon para wala nang ibang makaalala na may nagtatangka sa kiliay ni Nerissa."

"Oo nga naman, Ate," pagsegunda naman ng bunsong si Troy. "Baka kapag nalaman mo ay ipagkalat mo pa sa ibang tao." Kamukhang-kamukha ito ni Lawrence kaya naisip niyang siguro ay ganoon din ka-cute ang binata noong binatilyo pa ito. Tila sumikip ang kanyang dibdib nang tumitig din ito sa kanya.

"Hindi kaya."

"Ikaw pa. eh, 'yong pagliligtas ko kay Nerissa kumalat hanggang doon sa kabilang barangay," wika ni Lawrenee.

"Ang OA mo naman! Sobra naman 'yang sinasabi mo, Kuya." Napasimangot na si Marie.

Hindi niya maiwasang maaliw sa pag-uusap ng mga ito. Kahit kasi nag-aasaran ang mga ito ay nakikita niya ang respeto at pagmamahalan sa bawat isa. Ani nasasaksihan niyang pagkukulitan at pag-aasaran ng magkakapatid ay isang bagay na hindi niya naranasan. Nag-iisa lamang siyang anak kaya nakaramdam siya ng inggit sa mga ito, lalo pa at nakikita niyang iiliran ang mapagmahal na ina sa mga ito si Nanay Rose.

'Tigilan n'yo na nga iyan," mahinahong saway ni Nanay Rose at agad na nagsitigil ang mga ito. She was amazed that with a simple gesture like this, tila naging maamoan tupa ang mga anak nito.

Siya kasi, karaniwan na ay hindi sumusunod sa kanyang mga magulang. Paano ko sila susundin, lagi naman silang wala? "Hindi na kayo nahiya sa bisita natin." Nahiyang ngumiti ito nang balingan siya. "Pagpasensiyahan mo na sana ang asal ng mga batang ito, Nerissa. Ganyan talaga ang mga iyan, mahilig mag-asaran."

Falling In Love With My Bodyguard - Haze PradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon