-----
Were people supposed to be this nice?
Hindi ako makakilos nang maayos habang nakatingin sa isang tupperware na naglalaman uli ng kung ano mang ulam. Nang makita ng ginang na wala akong balak na kunin ito ay siya na mismo ang naglapag sa 'king palad. Naramdaman ko ang init nito at mas lalo lang lumakas ang aroma ng ulam— kung kaya't 'di na napigilan ng tiyan kong gumawa ng ingay.
"Sinabi sa 'kin ni Linda na lagi raw cup noodles at canned good ang laman ng basurahan mo. Alam mo naman iha na masamang araw-arawin ang mga 'yan sa kalusugan. Kaya heto, pinakbet, para may gulay naman 'yang tiyan mo." Matamis siyang ngumiti sa 'kin.
Pangatlong beses na itong nangyari sa 'kin, at magdadalawang linggo pa lang ako rito sa bayan ng Esperanza. Iba't ibang tao na nagsasabing katabing kuwarto ko lang daw rito sa apartment ang nagbibigay sa 'kin ng pagkain. Hindi naman ako humihingi ng tulong, ngunit patuloy pa rin itong nangyayari. Masyado nang nakakahiya.
"Ah..." I gave her an awkward smile and nodded.
Nanatili siya sa pintuan. Wala sa sarili kong niyakap ang dibdib gamit ang kamay kong walang hawak. It seems like she's waiting for something in return. Gusto ba niya ng cup noodles? Oh, wait! 'Yung tinuro pala sa 'kin ni Eli.
"S-Salamat po," sabi ko habang iniiwas na mapatingin nang diretso sa kaniyang mata.
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti. "Basta kung kailangan mo lang ng recipe ko o katulong sa pagluto, nand'yan lang ako sa tapat na kuwarto. 'Wag mong papabayaan ang kalusugan mo ha, mag-aalala sa 'yo ang magulang mo."
Magulang... huh?
Sinara ko na agad ang pinto. Nang tuluyang magsara ang pinto, saka pa lamang pumasok sa isipan ko ang isa pang tagubilin sa 'kin ni Eli. Hintayin munang makaalis ang bisita bago isara ang pintuan. Kaya muli kong binuksan ngunit huli na... kakasara lang ng pinto niya.
This scenario would play in my mind nonstop until I fall asleep.
Huminga na lamang ako nang malalim. Napatingin ako sa tupperware na nagsisimula nang mamasa sa loob. The world looked so foreign to me. This is not the kind of place I pictured it to be. I was taught that people naturally care for themselves alone. Sadyang ganito lang ba talaga rito sa Esperanza?
Nonetheless, I can never let my guard down.
Pagkalabas ko ng apartment, sumalubong sa 'kin ang malamig na hangin. Mas malamig pa ang klima rito sa labas kaysa sa kuwarto kahit na may electricfan naman. Nakatulong na rin siguro ang katotohanang napapaligiran ng kagubatan ang maliit na bayan. Mas malaki pa nga ang sakop ng gubat kaysa sa mismong lupain na natitirhan.
"Renée!"
Muli kong narinig ang pangalan. Lihim akong napangiwi. Tinignan ko ang pinanggalingan at nakita ang isang grupo ng kababaihan na sa tantiya ko'y kasing edad ko lang. Kumaway sila sa 'kin. Kailangan ko bang kumaway pabalik? Sa huli, tumango na lamang ako sa kanila. Dahil sa maliit na bayan lang ang Esperanza, halos magkakakilala lahat ng tao. Madali lang malaman pag may mga bagong dating na tulad ko.
Ngunit 'di katulad nila na laging 'updated', mas madalas akong nakakulong sa sarili kong isipan. Gaya na lang ngayon, kasalukuyan silang naglalagay ng mga palamuti sa paligid. Mga bandiritas, mahabang lamesa na tinakpan ng dahon ng saging, at malalaking kalderong naglalaman ng pagkain. May pagdiriwang na magaganap pero hindi ko matantiya kung ano eksakto ang kaganapan.
BINABASA MO ANG
Puppet Town (Cold Case Series 3)
Mystery / ThrillerCold Cases Series #3 With blood on her hands, Renee Abalos moved to Esperanza- a town surrounded by forest to start a new life. However, death seems to chase her when serial murders (disguised as su*c*des) happen. And it was all connected to the ret...