Chapter 03: Reincarnation

63 5 0
                                    

-----

Ipinatong ni Nanay Lucy ang kaniyang kamay sa aking balikat. Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata. "Sa tingin ko'y nararapat kang lumipat sa Esperanza para sa iyong kaligtasan. Hinding-hindi ka niya mahahanap doon."

"P-Paano po si Eli, 'Nay? Hindi po ako makapapayag na umalis hangga't hindi pa siya nahahanap," sabi ko sa kabila ng nanginginig na boses.

Tumigas ang kaniyang ekspresyon. Napailing siya sa sinabi ko. "Hayaan mong kami na ang bahala roon. Nanganganib ang buhay mo, anak. Kailangan mo nang umalis sa lalong madaling panahon."

"P-Pero po—!"

"...sa bayan ng Esperanza lumaki si Eli. Kung nais mo talagang makatulong, puwede mong simulan ang paghahanap doon."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Akmang magtatanong pa sana ako nang muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bagama't matagal na natin siyang kasama, nararamdaman kong marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa kaniya. Kaya pakiusap anak, 'wag na 'wag mong sisihin ang iyong sarili."

Nabalik ako sa realidad. Pero paano ko sisimulan ang paghahanap?

"Alam mo bang nakabaliktad 'yang libro mo?"

Ibinaba ko ang libro at bumungad sa 'kin ang nakatayong si Hana. Bahagyang umawang ang bibig ko. It's been a while since I last saw her— the last being at the feast. Ngunit ang laki na ng pinagbago niya. Mukha siyang pagod at kulang sa tulog, wala na ang dating ningning sa kaniyang mata.

"Are you okay?" The words came out of my mouth as a whisper.

"H-Ha?" Nagtataka niyang tanong.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at umiling. Huminga siya nang malalim. It seems there's a lot of things in her mind as well. Simula nang mangyari ang kaganapan tungkol kay Marion, ang laki na ng pinagbago ng Esperanza. I wonder what kind of person she was because she was clearly loved by everyone.

By changes, I also meant Hana. Kahit na kanila naman ang apartment na ito, hindi ko na siya nakikita tulad dati. Dati kong pinangarap na mangyari 'yon, pero nang magkatotoo, ang weird sa pakiramdam. Masyado na akong nasanay sa presensya niya.

Kaya ngayong muli ko siyang nakita, pinipigilan ko ang sariling yakapin siya. I wanted to ask her how she's been? Saan siya nanggaling sa mga panahong hindi ko siya mahagilap dito sa apartment? But most of all, I just wanted to tell her how I'm willing to listen to whatever she's going through.

But I chose to do what I'm good at— to keep my voice.

"If you're wondering, my past few days were the worst." She laughed bitterly.

Ibinalik ko ang tingin sa libro kahit na ang tenga ko'y nasa kaniya. Inaasahan ko nang marinig ang bagay na 'yon dahil ang pamilya rin ni Hana ang laging bukambibig ng mga tao. Tunay ngang may nakaraan ang tatay niya at ang yumaong si Marion. At ayon pa sa iba ay may kinalaman daw ang nanay ni Hana sa pagkamatay ni Marion.

"...I'm used to living an invisible life, pero hindi pa ba sapat 'yon? Bakit kailangan pang humantong sa kung saan kailangan ko ring saluhin lahat ng galit sa nanay ko?"

Nanatili akong tahimik, nakatuon pa rin sa libro kahit na wala naman akong naiintindihan.

"Come to think of it, even before Marion returned, I was already a prisoner of my parent's mistakes. Now, it's starting to make sense..."

Hindi ko na napigilan pang hindi tumingin sa kaniya. Her face was wet with tears, but she was smiling as if a realization has hit her. Bago pa magtama ang tingin namin ay agad ko uling iniwas ang tingin.

She sighed in frustration. "Paano ko nasasabi 'yon sa sarili kong nanay? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila para sa 'kin?"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Narinig ko ang pagtama ng hangin sa mga dahon ng puno at ang agos ng tubig mula sa ilog. Ang bigat-bigat ngayon sa lugar na madalas ay nagbibigay sa 'kin ng ginhawa.

"The truth is I just wanted my parents to get out of this place. They deserved better. If it weren't for them, I wouldn't have experienced what it's like to have a family. Sa kabila ng mga naririnig ko sa kanila, naniniwala akong wala silang kasalanan," pagpapatuloy niya.

Trust... what a beautiful yet dangerous word.

She mumbled something. Then, I can feel her eyes staring at me.

"Renée, if someone approached you and told you they know how Marion did it... I mean the reincarnation thing, what will you do?" She asked me.

There was a slight trembling in her voice. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. I looked at her in confusion.

"H-Ha?"

She smiled bitterly. "I see," she whispered.

Saka ko lang napagtanto na napagkamalan niyang hindi ako nakikinig, kahit na naguluhan lang naman ako sa tanong niya. But instead of clarifying my intentions, I remained silent and let her be. Sadness became evident in her eyes.

"I'll go now," sabi niya.

Akmang aalis na siya nang bigla siyang matigilan. We both look in surprise at my hand that grabbed her arm. Agad akong bumitaw.

"I'm sorry it has to happen to you," sabi ko.

Naguguluhan na ako sa nararamdaman. I was supposed to ignore her... but seeing her in such a state made my walls come down. I gasped when she suddenly pulled me in for a hug, and the tears started to fall on my shoulders. We remained in that state for a minute or two. My hands frozen on my side.

"Thank you for listening, I appreciate it." Nakangiti na siya sa pagkakataong ito.

"I'm sorry..." I found myself telling her those words.

She shook her head, although relief was evident on her face. "No, I should be the one telling you that. I know you're going through something kaya ilap ka sa mga tao. But I still keep on putting you in an uncomfortable position and rushing you to accept my friendship. I'm sorry..."

She knows, and she understands.

I squeezed myself and tiptoed. "Yes... I'll be friends with you."

Ganito ba makipagkaibigan? Kasi sa totoo lang, hindi ko na rin maalala kung paano nagsimula ang friendship namin ni Eli.

Nanlalaki ang mga mata niya akong tinignan. The shimmer in her eyes were coming back again. "R-Really?"

Tumango ako. I still feel fear with my decision but it's harder to keep on ignoring her. Kanina, naramdaman kong parang maglalaho na siya... at doon ko pa lang napagtanto na mas ikinakatakot ko 'yon. She's the first friend that I have in Esperanza.

"...Kanina, anong ibig mong sabihin sa may lumapit sa 'yo?" Bumalik sa pagiging seryoso ang tono ko.

Nanlaki ang kaniyang mata. "Ah, 'yon ba... wala kalimutan mo na 'yon."

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Seriously, don't worry about it."

"You better not put yourself at risk, Hana," I said, emphasizing every word.

"Why would I? When I already have a friend worrying about me? By the way, I need to go. See you later, okay?" Ngumiti siya nang malawak at bago pa ako makatugon, agad na siyang umalis.

Ngayong nakatingin ako sa likod niyang papalayo, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Everything went well, but the feeling that this is our last time never really me. Makikita ko pa naman siya, 'di ba? 

Puppet Town (Cold Case Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon