Chapter 04: Prelude

61 6 0
                                    

-----

Tatlong katok na nasundan pa ng lima— hanggang sa naging sunod-sunod. Bumangon ako sa kama at nilapitan ang pinto. I stayed for a few minutes.

"Renée?"

Narinig ko ang boses ni Tita Linda, ang nanay ni Hana. Agad ko siyang pinagbuksan. Nakasulat sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Base pa lamang dito, nakaramdam na ako ng paninikip ng tiyan.

"Renée? Nakita mo ba si Hana?" Pambungad niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi pa rin po ba siya bumabalik?" Halos hindi ko maibigkas ng tama ang mga salita sa sobrang kaba.

"Lagi namang umuuwi nang maaga ang batang 'yon, kung hindi man ay lagi namang nagpapaalam. Umalis lang siya kaninang tanghali, may kakausapin lang daw pero hindi na bumalik." Hindi siya mapakali.

Pinapasok ko muna siya sa loob at binigyan ng isang baso ng tubig. Habang pinapanood ko siya, naalala ko si Nanay Lucy sa kaniya nang araw na mawala si Eli. Pilit kong isinantabi ang mga negatibong ideya na pumapasok sa isipan ko. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ni Hana ngunit walang sumagot.

I felt the warmth of Tita Linda's hands on my shoulders, but I kept my focus on dialing the number of Hana. Nanunuyo na ang mata ko kakatitig, but I still continued. I knew it, I should have listened to my gut feeling. Everything is happening again.

"Eli, answer the phone... Eli, answer the phone damn it!" I lost control of myself. Itinapon ko ang cellphone sa kama.

I heard a gasp. Napatingin ako sa gulat na reaksyon ni Tita Linda. Pagkatapos, lumipat ang tingin ko sa salamin na nasa likod niya. Namumula ang mga mata ko at magulo ang buhok. Saka lamang ako nahimasmasan. For a moment, I looked like a monster.

"I'm... I'm sorry," nanghihina kong nasabi.

Her face softened. "Iha, alam kong nag-aalala ka lang sa kaligtasan ni Hana katulad ko. Ngunit sa tingin ko ay kailangan na lang nating ipagpatuloy ang paghahanap mamayang umaga. Matulog ka na muna."

I was so lost in my thoughts that I didn't notice the door closing. Pagkatapos niyon ay hindi ko na nagawa pang makatulog. Time comes fast when you're locked in your own mind. Pagkakita na pagkakita ko ng liwanag, agad akong nagtungo sa kuwarto ni Tita Linda.

"Nand'yan na po ba si Hana?" Pangbungad ko.

Namumugto ang kaniyang mata. Tahimik lamang siyang umiling. I suggested we go to the police, but she shook her head again, telling me they had already done that earlier. But since Hana wasn't missing for 24 hours, the police can't classify it as a missing case report.

"Kailan pa ba mapagkakatiwalaan ang polisya ng Esperanza? Kailangan na nating simulan ang paghahanap." Sunod na lumabas ang Tatay ni Hana. Nakahawak ito ng maraming papel.

Nang iabot niya ang ilan sa 'kin, nakita kong missing posters pala ito. Natulala na lamang ako sa mukha ni Hana na nakaprint sa papel. Déjà vu.

Nakitulungan na rin ang iba sa mga naninirahan sa apartment. Nakita ko muli ang mabait na ginang na siyang madalas magbigay sa 'kin ng ulam. Nginitian niya ako.

Nagsimula na kaming magdikit ng posters sa bawat sulok ng Esperanza.

"Donated by Fabros Family," basa ko sa nakaukit sa pader ng paaralan dito.

Sa dami kong naikot, madalas kong nakikita ang apelyidong iyon. Maging ang iilang apartments dito sa Esperanza ay narinig kong pagmamay-ari rin nila— ayon na rin kay Tita Linda. Pero ano namang maitutulong nito? Sa pagtatanong ko sa mga residente, wala ni isa sa kanila ang may alam o nakakita man lang kay Hana. Malungkot akong napatingin sa hawak na mga missing posters.

Puppet Town (Cold Case Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon