-----
"Tatawagan ka na lang uli namin pag may karagdagan kaming katanungan."
I nodded at the police, and then they escorted me out of the building.
Para akong lumulutang habang naglalakad papalabas ng police station. Hindi pa rin pumapasok sa isipan kong wala na si Hana. Siya lang ang natatangi kong kaibigan tapos humantong pa ang lahat sa trahedya. Lahat na lang ng nagiging kaibigan ko ay nawawala.
Bumalik sa alaala ko ang mukha ni Hana nang mapatingin siya sa direksyon ko. Para siyang nakakita ng multo at mas lumala ang panginginig niya.
"Sigurado ka bang wala ka talagang kinalaman?" Once again, I heard that woman's voice.
I looked at my trembling hands... and I saw blood dripping from my fingertips to my wrist. S-Shit. I closed my eyes and tried to calm my fast-beating heart by taking deep breaths. When I opened my eyes, the blood was gone. My eyes wandered to a store with a tinted glass wall where I could see my reflection.
Sinamaan ko ng tingin ang sarili. "You better not have another blood in your hands."
Pagkadating ko sa apartment, nakita ko ang nakangiting litrato ni Hana na may background ng langit. Mas maraming tao ngayon kaysa sa nakasanayan ko. Napapalibutan ng puting mga bulaklak ang apartment na siyang nakabukas ang entrance. Maraming mga upuan ang nakapuwesto sa loob. At sa pinakaharap ay isang nakasaradong kabaong.
Habang papalapit ako ay mas bumibigat ang aking pakiramdam.
"Naaawa ako sa kaniya. Imagine, bagong dating ka lang dito sa bayan tapos 'yung nag-iisa mo pang naging kaibigan ay nagpakamatay?" sabi ng isang babae.
Matalim kong tinitigan ang babae na nagsalita. Agad naman itong napayuko.
"Mabuti na lang at pinayagan ako ng mga Fabros na dito muna sa apartment gaganapin ang lamay. We don't have any place to live," sabi ng bagong dating na si Tita Linda.
Right, caretaker siya rito sa apartment. Ngunit ang totoong may-ari ay naninirahan sa abroad kaya si Tita Linda muna ang nagpapa-upa rito.
"Iha, kamusta ang pag-uusap niyo ng mga pulis?" Dagdag niya.
She leads me to the Monoblock chairs on the front row. I saw the tiredness in her eyes, which reminded me of Nanay Lucy when Eli went missing. Pinili ko na lang manahimik habang ang utak ko ay nag-iisip ng kung ano ang dapat na sabihin sa kaniya.
"Thank you for being a good friend to my daughter." Malungkot niya akong nginitian.
Those words were the last thing that I expected from her.
"Lagi akong nag-aalala sa kaniya noon kasi madalas siyang napag-iisa. Wala namang mali roon pero kasi nararamdaman kong may malalim siyang pinagdaraanan, ngunit lagi lang niya itong sinasarili. Pero simula nang dumating ka, saka ko lang nakita ang saya sa mukha niya habang kinukuwento ka niya sa 'kin. Sabi niya ay sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng kaibigan," pagpapatuloy niya.
I bit my lower lip. How come? When all I ever did was push her away?
"Sa totoo lang, hindi ko siya pinaniwalaan noon. Akala ko ay gawa-gawa niya lang para hindi ako mag-alala sa kaniya. Pa'no ba naman ay kahit na parehas naman kayong nakatira rito ay hindi ko kayo nakitang magkasama. Mukha pang ilap ka sa mga tao. Pero sabi niya, gano'n ka lang daw dahil may pinagdadaanan ka. At kung ano man 'yon, hindi mo pa rin magawang mapatawad ang sarili mo," sabi niya uli.
Natigilan ako. Parang may biglang nakabara sa lalamunan ko. So, she knew all along... and she understood.
"Iha, alam kong sinisisi mo rin ang sarili mo sa nangyari kasi sa totoo lang, ako rin. Ang daming mga panahon na sana ay naroon ako sa tabi niya. Pakiramdam ko, hindi ko naiparamdam sa kaniya na naroon lang ako parati pag kailangan niya ako."
Bumilis ang mga paghinga ko. Nakatingin pa rin ako sa nakasaradong kabaong.
"Pero iha... sana ay 'wag na 'wag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong kung narito lang si Hana ay masaya siya dahil nakilala ka niya. Sa tuwing nangingibabaw ang pagsisisi, sana ay piliin mong isipin ang mga masayang alaala."
I crumpled the portion of my shirt that was on my chest. I'm not deserving of Hana.
"CR lang po ako." 'Yon lamang ang nagawa kong banggitin. Bahagya akong yumuko sa kaniya pagkatapos ay mabilis na nagtungo sa room ko.
Pagkaalis na pagkaalis ko, doon ko pa lamang naramdaman ang panghihina. Napaupo na lamang ako sa malamig na semento. Mas lalong bumigat ang nakadagan sa dibdib ko. I need to go back to my room.
"Would you believe me if I say that your friend was killed?" Said by a guy's voice.
A guy was leaning on my door. Somehow, his curly hair and thick eyebrows looked familiar, but I can't pinpoint where I saw him exactly.
"Ah! Roman Demeterio, by the way. Nice to meet you, Renée." He extended his hand while smiling brightly. Parang wala lang sa kaniya ang unang sinabi.
"Anong sinabi mo kanina?" Tanong ko muli sa kaniya.
"Uhh... my name and your name?"
"Before that."
His mouth formed an 'o' like he just realized something. "Oh! About your friend's case being a murder?"
Mabagal akong tumango. How can he say it like it's not that serious?
He made a gesture of zipping his mouth. "Before I tell you everything I know, I need your cooperation on my investigation."
Tinitigan ko siya. I looked at him as if saying, 'Are you serious?'. He even looked like he was only around my age. Pagkaraan ay napasinghal na lang ako. This guy is nuts. Of course, he's not serious. It irritates me, though, that he needs to drag Hana's death.
I turned my back on him. Before I could make a step, he suddenly grabbed my wrist. I flinched and aggressively shook his hand away.
His relaxed state changed for a moment. "S-Sorry..."
"I was just shocked. It's fine. What do you want anyway?" Tanong ko sa kaniya.
"I told you; I need your cooperation. I want you to tell me more about Hana since you're the closest friend."
"I'm sorry, but I'm afraid I can't help you with that. Isa pa, nasabi ko na ang lahat ng nalalaman ko sa pulis. Let them handle these kinds of things. Somebody's death is not a place for you to play detective."
Ngumuso siya. Mukhang hindi niya talaga ako sineseryoso.
"Interesting how you never said no to my first question. It only means that the possibility of her case being a murder has also crossed your mind." And there was his annoying grin.
When he removed his back to my door, I immediately opened it to get inside. Bigla naman niyang pinagsiksikan ang sarili kaya nakapasok siya bago ko pa masara ang pinto.
"Hindi ka na naman tumanggi," pagpupumilit niya uli.
Well, yes... because I somehow entertained the idea that I could be involved. And I'm not just aware of it. I don't know myself that much, after all.
"Please leave... or else I'll report you—" Natigilan ako nang kunin niya ang isang picture frame na nakadisplay sa desk ko.
"Eleanor Alcantara," banggit niya habang nakatingin sa babaeng kasama ko sa picture.
Natulala ako sa kaniya. H-How did he know Eli's name?
"P-Paanong—"
He once again made a gesture of zipping his mouth. I gritted my teeth.
"Promise me you'll cooperate first, and I'll tell you everything about her." This time he gave me a mocking smile because he knows he won.
BINABASA MO ANG
Puppet Town (Cold Case Series 3)
Misteri / ThrillerCold Cases Series #3 With blood on her hands, Renee Abalos moved to Esperanza- a town surrounded by forest to start a new life. However, death seems to chase her when serial murders (disguised as su*c*des) happen. And it was all connected to the ret...