-----
"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ko habang sinusundan si Roman.
Napansin ko lang, simula no'ng sumama ako sa imbestigasyon ay palagi na lang akong nakabuntot sa pupuntahan niya— kahit na kadalasan ay hindi ko alam kung saan. He's so spontaneous that he casually knocks on my door during midnight whenever he thinks of something. Buti na lang ay hindi pa siya umaabot sa sukdulang mag-aayang lumabas ng madaling araw.
Ngayon ay mga nasa alas tres pa naman ng hapon. Kagigising ko lang nang tanungin niya ako kung anong ginagawa ko at inutusan akong magpalit. Bakit ba kasi hindi ako marunong tumanggi?
Habang papalapit kami sa town plaza ay mas dumarami ang tao. Most were in their usual clothes but worry was all evident in their face.
"You seriously don't know? Gaano ka ba kawalang ka-pakialam sa mundo?" Sagot niya.
Nanahimik lang ako. Having my thoughts as my only companion in the room is enough to pass the time. I was always used to that kind of world.
Na-conscious ako nang titigan niya ako. He suddenly looked... bewildered.
"Hindi mo talaga alam? I thought you would be the first one to know since it's Hana's uhm... memorial." Sabi niya.
I suddenly felt disappointed with myself. Bakit nga ba hindi ko alam?
"Akala ko nabanggit na sa 'yo ni Tita Linda kasi nakita ko kayong magkasama kanina—"
His next words became incomprehensible to me. Once again, I'm stuck with my thoughts.
Nang kalabitin ako ni Roman, doon ko pa lang napagtantong nasa mismong town plaza na pala kami. We were surrounded by a vast space filled with green grass and it was enclosed with the forest trees. May stage sa gitna and that's it.
Nakita ko ang mukha nila Hana at Jennifer na naka-projector sa screen. Nasa harap nagsasalita ang Nanay ni Marion. May camera na nakatutok sa mukha niya at live itong nab-broadcast sa TV screens na nasa magkabilang gilid ng mukha nila Hana at Jennifer.
"... they will always be remembered in our hearts." A tear fell from her eyes.
Narinig ko ang malakas na paghagulgol ng karamihan. May mga nagbubulungan din.
"Ang bait talaga ni Ma'am... mayaman pero talagang concerned sa mga tao."
Bumilis ang mga paghinga ko dahil sa pag-init ng aking dibdib.
Did she really care, though? Nang pinaghahanap namin si Hana, pinatigil niya ako. Mas concern pa siya sa imahe ng Esperanza kaysa sa kaibigan ko. Tapos ngayon siya pa ang lumalabas na bayani ng bayan? Mas nag-iinit ang dibidib ko nang tumabi sa kaniya ang mag-ama niya. Marion looked at her mother with sympathy while the husband caressed his wife's back.
And why does it feel like what I'm feeling is wrong? They looked so... sad. Maybe, deep inside, they were regretting what they had done before. And with those thoughts in my mind, pakiramdam ko ay ako pa ang nagmumukhang masama dahil sa nararamdaman.
Inalalayan nila ang ginang sa pagbaba. Naramdaman ko naman may nakatingin sa 'kin na walang iba kung 'di si Roman. He only nodded at me with a sad smile and shifted his focus somewhere else.
Nang ibalik ko ang tingin, isang estudyante ang sunod na umakyat sa entablado. Ayon na rin sa sinabi niya, kaklase pala siya ni Jennifer.
"You had always been there for me. Ikaw lang ang nakikinig sa 'kin tapos hindi ko alam na naghihirap ka na rin pala. Ngayong wala ka na, paano na lang ako?" Her sobs became louder. Huminto muna siya sa pagsasalit para mapakalma ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Puppet Town (Cold Case Series 3)
Misterio / SuspensoCold Cases Series #3 With blood on her hands, Renee Abalos moved to Esperanza- a town surrounded by forest to start a new life. However, death seems to chase her when serial murders (disguised as su*c*des) happen. And it was all connected to the ret...