EPISODE 81

435 28 2
                                    

Maggie's P.O.V.

Field day ni Bernard sa provincial franchises.  He will be gone for three days kaya sinabi ko sa kanya na do'n muna kami ng mga bata sa parents ko.  Ang alam ko, happy na si kuya Mike sa mga nangyayari sa kanya ngayon kaya naman hindi ko iniaasahan ang balitang sumalubong sa akin mula sa mga magulang namin.

Huwag ko raw munang aabalahin si kuya dahil nagmumukmok daw ito sa silid nito. Nagkaroon daw ito ng problema kay Giuseppe na hindi naman daw sinabi sa kanila kung ano.  Pero dahil isa akong dakilang intrimitida, wala akong pakialam kung naka-lock ang kuwarto niya dahil hinanap ko talaga ang susi nito sa isang bungkos ng master keys sa taguan ng mga parents ko para mabuksan ko ang kuwarto niya.

Napakakalat at napakabantot ng kuwarto ni Kuya dahil sa pinaghalo-halong amoy ng alak, suka at sigarilyo. Medyo napatawa naman ako sa hitsura ni kuya sa ibabaw ng kama nito. Natutulog ito nang patuwad, suot ang magkaternong two-piece polka dot bikini.

"Hoy, gising!" sabay palo ko sa nakauswad na puwet nito.

Napaiktad ito sa ginawa ko, pero agad din naman itong nagtaklob ng unan sa ulo nang makita nito ako.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nagmumukmok d'yan, ha? At juiceko day Cherry Pie! Ang baho ng kuwarto mo! Singbaho ng kuwarto ni Mike!"

Nag-iinat-inat na tumihaya si kuya. Bagaman nanatiling nakataklob ang unan sa mukha nito.  Hindi ko naman mapigilang ipitin ang mga labi ko upang pigilan ang pagtawa nang mapatingin ako sa harapan niyang nakalitaw sa bandang singit ng bikini niya.

"Hoy! Kita na ang itlog mo!" Humahagikhik na kantyaw ko rito. "Umayos ka nga! Nakakaloka ka. Linisin natin 'tong kuwarto mo, bilis! Bakit ka ba nagtataklob d'yan?" Sabay hablot ko sa unan. Naunawaan ko naman agad kung bakit ito nagtatakip ng mukha.  Tumubo na kasi ng mga bigote at balbas nito na wari'y isang linggo na itong hindi nag-aahit.

"Leave me alone kasi muna!" Dumapa ito para takluban ang mukha. "Hindi mo ba nakita ang do not disturb sign sa labas?"

 Muli kong pinalo nang malakas ang puwet nito kaya napabangon na iton ng paupo.

"Aray ko naman!" Pagrereklamo nito, "nakakadalawa ka na ha!"

"Gusto mong gawin kong tatlo?"

"Lubayan mo muna ako Margarita please!" Nangigigil ito sa akin na tila gusto na nito akong sabunutan.

"Ayoko nga. Dito muna ako for three days kaya magtiis ka. Tatlong araw rin kitang bubuwisitin kung hindi mo sasabihin sa 'kin kung anong nagyari sa inyo ni Giuseppe? Akala ko ba ok na kayo at plantsado na lahat ang mga plano niyo. Anong nangyari?"

"Ayoko munang marinig ang pangalan ng baboy na 'yon, pwede?"

"Baboy? So Baboy na s'ya ngayon? Ano nga kasing nangyari?" hinagip ko ang bangs niya at bahagyang sinabunutan ito.

"Aray ko naman Margarita!" Hinagip din nito ang buhok ko at bahagyang sinabunutan din ako. "Sumosubra ka na ha. Masyado ka nang mapanakit, eh ako na nga 'tong nasaktan..." sabay atungal. "Ako pa rin ba 'tong bubugbugin mo?"

"Kilala mo ako kuya. Alam mong hindi rin naman kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin ang problema mo, kaya kung ako sa 'yo, sabihin mo na ngayon pa lang!"

Sandaling natahimik ito.  Humihikbi. "He cheated on me."

"Ha?"

"Akala ko iba siya, pero wala rin naman pala siyang ipinagkaiba sa iba.  Mas malala pa nga s'ya dahil pinaasa niya ako na kami na talaga for life. Na pakakasalan niya ako. Puro drawing lang pala ang lahat."

"He cheated on you how?"

"Nahuli ko siyang nakikipag-limbo-rock sa ex niyang may malaking suso!"

Napangibit ako, "Ha? Babae?"

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon