EPISODE 52

175K 1.3K 141
                                    

Bernard's P.O.V.

"Mike is what?!" Hindi makapaniwalang bulalas sa akin ni Jon.

Sa bahay kasi nila kami dumiretso mula sa Rehabilitation center na tinitigilan ni Mike, para daanan sina Andre at Caleb.

"Shhh..." Hinila ko siya sa mas malayong sulok.

Ayoko kasing marinig ni Maggie na ikinuwento ko na agad kay Jon ang naging confession ni Mike. Mabuti naman at mukhang hindi naman nito narinig. Mabuti na lamang at abala itong nakikipagkwentuhan kina Abby at Laura, habang nagbabantay sa mga nagsisigapangang apat na batang sina: Andre, Caleb, Joshua at Jordanna, sa may salas.

"I said, he recently confessed to us that he's gay."

"Talaga?" Tatawa-tawa ito.

Tumango lang ako.

"Putang inang baklang kuneho!" Sabay halakhak. "Umamin din sa wakas!" Nakabungis-ngis na umiiling-iling ito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Eto pare ha... tatapatin na kita." Tinapik-tapik niya ako sa balikat, "Matagal na naming hinala yan ni pareng Jason."

Hinala nila ni Jason? Ang alin?

"Hinalang ano?"

"Hinalang bakla nga ang putang inang 'yan!"

Hindi ako umimik, bagama't sinulyapan ko siya ng may pagtatakang nababakas sa aking mukha.

"Naalala mo naman siguro na tatlong taon din kaming magkakasama niyan sa bahay no'ng kulehiyo, bago siya pinalitan ni Benj noong huling taon di ba?"

Tumango ako.

"Ilang beses lang naman naming nahuling inaamoy-amoy niyan ang mga briefs ni Art na nakasampay sa banyo!" Pagtutuloy niya na sinundan niya ng paghagalpak ng tawa. "Akala nga namin ni Jason namamalik-mata lang kami eh. Pero hindi. Dalawa kaming nakasaksi. Parehas kami ng nakita. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw!"

"Pambihira, bakit naman hindi niyo nabanggit man lang sa akin?"

"Kami lang ni Jason ang nakakaalam niyan. Kahit nga si Art, hindi alam eh. Wala naman kasi kaming balak ipag-kalat. Pero since may sinabi ka na tungkol kay Mike. This is just a mere vindication of what we saw. Kaya nga kahit anong pagkukunwaring pag-aangas ng putang inang 'yan, walang ka epek-epek sa amin 'yan ni Jason. Wala na. Butata na. Kulehiyo pa lang huli na namin siya." Humalakhak ulit ito. "Hindi naman ako makapaghintay na sabihin ko 'to kay Jason. Natitiyak ko sa 'yo. Mapuputol ang litid noon sa katatawa. Kunwari, si Helga ang puntirya, pero ang totoo, ang 'tarugo' naman pala ni Jason ang gusto niya." Tumawa ulit ito; pigil-pigil ang kanyang tiyan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Ang daya niyo, nakakainis kayo. Hindi man lang kayo nag-warning sa akin. Kita niyo nang ako ang parating kasama eh."

"Aba! Malay ba naman namin na hindi ka nakakahalata."

"Ganito na ba talaga ang kinahinatnan ng tropa natin? Nagsi-sikretuhan na?!"

"Hindi naman namin sinasadya. Wala eh, nagkakanya-kanya na kasi eh. Lalo pa at, pare-parehas na tayong naging abala at nagka-pamilya."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon