EPISODE 64

49.4K 785 77
                                    

Bernard's P.O.V.

It's been a month, pero pakiramdam ko, habang tumatagal, mas lalong lumalala ang depression ni Maggie. Parati na lang itong umiiyak. Nagmumukmok, natutulala at hindi makausap.

Ang laki ng ipinagbago niya. Kung dati, parati itong nakasalubong sa 'kin sa pag-uwi, ngayon, halos hindi na nito ako pinapansin. Hindi na rin nito ako kinakausap. Kahit nga si Enrique, maging si Andre at Caleb, hindi na rin nito gaanong maalagaan.

Ginawa ko na ang lahat para suyuin siya. Ang pakampantehin siya, para hindi na niya masyadong damdamin ang nangyari. Pero wala pa rin akong nagawa. Ganun pa rin siya. Mas lalo pa nga yatang lumalala, sa bawat pagsubok kong aluin siya.

Totoo pala ang sinabi sa akin noon ni Lola. Noong mga panahon na kamamatay pa lang ng Mama ko. Dumidilim ang buhay, kapag wala, ang reyna ng bahay. Ang ina raw kasi ang ilaw ng tahanan, kaya kung wala sila, magmimistulang nasa gitna ng kadiliman ang buong pamilya.

Ganun na si Maggie since natapos ang kanyang operasyon. Naririto siya, pero tila wala rin naman. Ang dating masaya naming tahanan ay punong-puno na ngayon ng kalungkutan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko, kahit naririto siya, nag-iisa na naman ako.

Ang sabi ni Art, kaunting pasensya lang. Pasasaan daw ba't matatanggap din ni Maggie ang mga pangyayari. Sinunod ko naman ang payo niya kahit na halos hindi ko na rin ito makayanan. Hindi lang naman kasi 'yun lang ang problema ko' at hindi lang 'yun ang responsibilidad ko.

Maaari ngang mahaba ang pasensya ko, kumpara sa maraming tao, pero tao rin lang naman ako. May limitasyon. Napapagod rin ako sa katatrabaho sa buong maghapon kaya malaking bagay sa akin ang makapagpahinga ako sa pag-uwi. Pero sa sitwasyon namin, maging ang simpleng bagay na 'yun, nawala na rin sa akin.

Naro'n na 'yung uuwi ako sa napakagulong bahay, at tatlong batang halos sabay-sabay umiiyak. Mayroon naman silang mga yaya, pero maging ang mga yaya ay nahihirapan silang patahanin dahil hinahanap-hanap ng mga ito ang pag-aaruga ng kanilang inang bigla na lang nawalan ng pakialam sa kanila.

Sa una, natitiis-tiis ko pa. Makalipas ang apat na buwan, halos lahat na yata ng natitirang pasensya ko'y naubos na rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo pa't isang tambak din ang mga problema ko sa aking mga negosyo.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Humingi na ako ng tulong sa biyenan ko, pero maging sila'y walang nagawa. Pero sobra-sobra din naman ang pasasalamat ko sa kanila, dahil malaki ang naitutulong nila sa akin sa pag-aalaga sa mga bata. Maging sila'y naaawa na rin daw sa akin. Pero ano ba ang magagawa ng awa? Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko kapag naaawa ang mga tao sa akin.

"Anong plano mo?" tanong ni Art. Ang nag-iisang taong sinabihan ko tungkol sa nangyayari sa amin ni Maggie. Naririto kami sa aking opisina.

"I have to find a way to talk to her somehow." Habang hinihilot ko ang sintido ko.

"Eh di ba sabi mo, hindi ka naman niya kinakausap?"

"I will make her!" Medyo madiin ang pagkakasabi ko; epekto na rin ito marahil sa sobrang stress na nararanasan ko.

"How?"

* * *

Dumating ako sa bahay na umiiyak na naman nang sabay-sabay ang tatlong bata. Halos mataranta na ang dalawang yaya sa tantrums ng dalawang mas nakakatanda. Ang yayang nag-aalalaga naman kay Enrique ay sumugod sa akin na nag-aalala. Iyak ng iyak daw kasi ito dahil wala na itong gatas mula kay Maggie. Ayaw naman daw nito ng formula kaya't halos kalahating oras na raw itong umiiyak sa gutom.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon