EPISODE 51

291K 1.8K 371
                                    

Bernard's P.O.V.

Dalawa't kalahating buwan, matapos naming maipasok si Mike sa rehab ay ipinatawag kaming lahat na kapamilya niya, ng psychiatrist na sumusubaybay sa behavior niya. May mahalaga raw kaming pag-uusapan patungkol sa kung ano ba raw ba talaga ang dahilan kung bakit nagkakagano'n si Mike.

Tensyonado ang lahat pagkarating namin doon. Mabuti na lang at pumayag si Abby, na asawa ng kabarkada at business partner kong si Jon, at si Laura na asawa naman ng kabarkada kong si Art, na sila muna ang mag-alaga at magbantay kina Andre at Caleb; kung hindi, ay baka lalo lang ma-stress si Maggie na kasalukuyang magta-tatlong buwang buntis na ngayon sa ikatlo naming anak.

"Buntis ka na naman?!" Bungad ni Mike sa kanyang kapatid. "Taon-taon na yata yan ah!"

Kapansin-pansin ang laki ng ipinagbago ng bukas ng kanyang mukha. Maaliwalas na ito, bukod pa sa isang bagay na hindi ko naman agad matukoy kung ano. Sinipat ko ang kanyang mukha, kilos at hitsura.

Hmmm.

Ano pa kaya ang iba sa kanya?

"Eh ano naman kung buntis na naman ako?!" Mataray na reaksiyon ni Maggie, "Kung makapagsalita ka eh parang wala akong lisensyang magbuntis kahit ilang beses ko gusto!"

"Ikaw naman," Nakangiting sagot ni Mike, "Para binibiro ka lang eh."

Aha!

Tila medyo pino na ang pagkilos niya. Malumanay ang pagsasalita, at Iba na rin ang ayos ng buhok niya; plantsadong-plantsado.

Parang...

Parang 'yung buhok ni Art!

"Bakit niyo po ba kami ipinatawag?" tanong ng biyenan kong babae, sa babaeng psychiatrist na katabi ni Mike. "Makakauwi na po ba siya?"

"May isang buwan pa po siyang bubunuin para makumpleto ang program." Sagot nito, "Ipinatawag ko po kayo dahil kasama po ito sa healing process na nakaplano para sa case niya."

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong naman ng biyenan kong lalaki.

"Hindi po tayo," sagot ng psychiatrist, "kung hindi kayo-kayo pong magkakapamilya. Meron daw po siyang ipagtatapat sa inyo na kinakailangan niyang gawin, para matanggap niya at ninyong lahat ang tunay na ugat ng kanyang mga personal na suliranin, bilang isang indibiduwal."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Ano yun, anak?" tanong ng biyenang babae ko kay Mike.

Napasulyap si Mike sa kanyang psychiatrist, na tila humihingi ito ng permisong magsalita. Tumango lang naman ang psychiatrist sa pag-sulyap niyang iyon.

"Papa." Sabi niya sa biyenan kong lalaki, "Gusto ko pong malaman ninyong pinagsisihan ko na po, ang lahat ng sakit ng ulo na idinulot ko sa inyo. Alam ko pong hindi madali ang magkaroon ng anak na katulad ko, pero nagpapasalamat po ako na sa kabila noo'y hindi ninyo ako pinabayaan." Nanliligid na ang mga luha ni Mike.

"Mama." Sabi naman niya sa aking biyenang babae. "Sorry po talaga," bumuhos na nga ang mga luha niya, "sa lahat ng kunsumisyon na idinulot ko sa inyo. Sorry po, dahil nagkakasakit na kayo nang dahil na rin sa sobrang pag-aalala ninyo sa akin. Pero maraming salamat po Mama," tuluyan na nga siyang humagulhol, "dahil kahit naging paulit-ulit na para bang wala nang katapusan ang mga problemang idinulot ko sa inyo ay hindi kayo huminto sa pagmamahal at pag-aalala sa akin."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon