EPISODE 72

50.4K 919 71
                                    

Maggie's P.O.V.

Napagod din ang bruha. Mabuti nga sa kanya. Hindi ko ma-imagine kung pa'no natagalan ni Luke ang babaeng 'yon. Mas matangkad lang ng kaunti, pero hindi hamak naman na mas maganda si Dette sa babaeng itik na 'yun. Hindi lang mas maganda ang hitsura, mas maganda pa ang ugali.

Ewan ko ba naman dito kay Luke. Ang sabi ni Bernard, ito raw ang pinakamatalino sa tropa nila, pero parang hindi naman. Dahil kung ito nga ang pinakamatalino sa kanila, bakit tila yata sablay ang mga pagdedesisyon nito sa buhay.

"Matagal ko na kayong gustong makausap," ani Luke sa aming tatlo, "Ang kaso, ayaw n'yo naman akong kausapin. Tapos, nagkaproblema ka pa," nakatingin ito sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malaking bagay na nadadalaw ko na ang anak ko ngayon sa bahay ng parents ni Dette, ang kaso, gusto ko rin s'yang makita. Halos magkakalahating taon ko na s'yang hindi nakikita. Ang sabi ng parents n'ya. Bigla na lang daw ito umalis nang walang paalam. Galit na galit nga sila dahil basta na lang daw nito iniwan ang anak namin sa kanila. Gustuhin ko mang kunin si Karina, hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ko with Jobelle."

Malaki ang ipinayat ni Luke. Very neat at guwaping ito dati. Ngayon? Lamang lang siguro ito ng dalawang paligo ang isang taong grasa. He looks miserable and depressed. Amoy alak at usok ng sigarilyo ito, maging ang buong bahay n'ya.

"Sa tingin mo, nasaan si Dette?" tanong ko sa kanya.

"I don't know." Naluluha na ito. "I wish I do. I really wish I do. Miss na miss ko na s'ya. I was too ashamed to admit that before, pero ngayon kahit ano gagawin ko makita ko lang siya ulit. Alam n'yo ba kung nasaan siya?"

Walang gustong sumagot sa amin; nagpapakiramdaman. Hanggang sa...

"Dederetsahin ka na namin Luke." Sabi ko kay Luke, "tutol si Dette sa gagawin naming ito. Nagalit na nga ito sa amin pero hindi naman kaya ng kunsensya namin nina Abby at Laura na basta na lamang n'ya isuko ang laban n'ya dahil lang sa wala s'yang kakayanang tulungan ang sarili n'ya."

"Anong laban ang tinutukoy niyo? Nasaan si Dette? A-anong tulong ang—"

"She's really, really ill." Malumanay na pagsingit ni Abby. "Dahil doon, hindi na s'ya makapag-practice ng kanyang propesyon. At dahil hindi na s'ya makapag-practice, nawalan din siya ng kakayahang pinansyal para ipagamot ang karamdaman n'ya. Nahihiya s'yang lumapit kay Tristan, dahil ayaw raw niyang makabigat. Ayaw n'yang humingi ng tulong sa mga magulang n'ya, dahil may sarili raw problema ang mga ito. Ayaw rin naman n'yang lumapit sa 'yo, dahil wala ka naman daw obligasyon sa kanya. Kaya hayun. Napabayaan na niya ng husto ang sarili niya." Naluluha na ulit ito.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"B-bakit?" Bakas sa mukha ni Luke ang pagkabahala, "A-ano bang sakit n'ya?"

"Chronic lymphocytic Leukemia." Sagot ni Laura.

"H-ha?" Gulat na gulat na reaksyon ni Luke. Namumutla. Naluluha.

"Ang problema," ani Abby ulit, "baka mas malala na ngayon ang kundisyon n'ya, dahil ilang buwan na itong hindi nakakapag-chemotherapy, bukod pa sa miserble talaga ang sitwasyon n'ya. Hindi maayos ang tirahan n'ya at walang sapat na panggastos sa araw-araw na pangangailangan. Walang tumatanggap sa kanya para makapagtrabaho dahil sa sakit niya. Pinagkakasya na lang n'ya 'yung kinikita n'ya sa pagtulong-tulong doon sa karinderyang malapit sa tinitirahan n'ya. Ayaw naman niyang tumanggap ng tulong mula sa amin."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon