EPISODE 65

47K 803 81
                                    

Bernard's P.O.V.

Tinawagan ko si Mike. Pero ayaw naman nitong sumama. Medyo natatakot daw siya kung ano ang magiging reaksyon ng mga sa ka-batch namin tungkol sa pagpapakatotoo niya. Nakilala kasi siya bilang sisiga-siga at pabling sa batch namin, kaya mas minabuti niyang mag-pass na lang muna dahil hindi pa raw siya handang biro-biruin. Bukod doo'y mukhang may pinagkakaabalahan siyang bagong prospect. Mukha namang mabait 'yung lalaking karelasyon niya ngayon kaya pinabayaan ko na lang.

Nagpaalam ako kay Maggie tungkol sa reunion. Pero tulad ng dati. Hindi pa rin ito nagsasalita. Tiningnan lang niya ako, bago tumango; ni hindi man lang nito tinanong kung saan o kung gaano ako katagal mawawala. Mukhang wala na talaga itong pakialam sa akin.

Maglililimang buwan na si Enrique. Ganun na rin kaming katagal na ganito. Hindi ko na matandaan kung kailan niya ako huling hinalikan o niyakap man lang. Ah! Wala akong matandaan dahil hindi na naman nangyari 'yun simula ng maoperahan ito.

I don't know, if anybody could really understand my frustrations right now. Hindi na nga 'yung sex or any other acts of intimacy ang talagang nami-miss ko. Ang hinahanap-hanap ko'y 'yung pakiramdam ng maging masaya kasama siya. Namimiss ko ang tumawa nang malakas. Ang pakiramdam ng walang masyadong iniisip at inaalala; mga pakiramdam na imposible ko na yatang maramdaman dahil sa medyo hopeless na situation namin ngayon.

***

"Anong ginagawa mo rito sa Pilipinas?" tanong ko kay Sharmaine nang dumalo ako sa aming reunion.

Hindi pa ako masyadong makatingin sa kanya, dahil kung maganda na siya noon, tila dumoble ang ganda niya ngayon.

"Bakasyon lang. You know, after that excruciating process of—" napatingin muna ito sa akin, "divorce."

"Divorce?"

"'Yup." Nagbuntong-hininga ito, "at hindi lang 'yun, pati na rin ng custody ng aming unica hija."

"W-what happened? Napunta ba sa 'yo?"

"No." Nakangusong sagot niya, "siya ang may career at mas maraming pera, more than seven years old na ang bata at medyo spoiled sa ama kaya hayun, sa kanya ibinigay ang full custody."

"H-ha? So paano 'yun?"

"Ano pa? Eh di tanggapin ang pagkatalo. Kesa naman sa magmukmok ako." Tumataas-taas pa ang isang kilay niya, "Kilala mo ako Bernard. I am a very happy person. Wala sa bokabularyo ko 'yang pagmumukmok. Ayoko nang nalulungkot. Hindi naman mababago ng depression ang problema."

Natigilan ako sa pagdapo sa isipan ko ng kaibahan n'ya kay Maggie.

"Hoy!" Panggugulat niya sa akin; sinamahan pa niya ito ng pagtapik sa balikat ko. "Natutulala ka yata riyan." Tumatawa siya, "Magkuwento ka naman. Balita ko, kapatid ni Mike ang nakatuluyan mo ah. Naalala ko pa si Maggie noon kapag doon tayo tumatambay sa bahay nila dati."

Napaisip ako. Hindi ko kasi ito masyadong maalala.

"Oo." Mahinang sagot ko. "Siya nga ang nakatuluyan ko." Ngumiti ako ng bahagya. Pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman.

"I thought it was really funny when I heard that," humahalakhak siya, "hindi mo ba naalala na si Maggie ang madalas na nakakalahuli sa atin kapag nagme-makeout tayo doon sa bahay nila?"

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon