EPISODE 56

106K 1K 73
                                    

Bernard's P.O.V.

Tinawagan ko si Maggie at sinabi sa kanya ang buong kuwento kung bakit kami magpupuntang tatlo nina Jason at Luke sa Tarlac. Gusto niyang sumama dahil close sa kanilang dalawa ni Laura si Dette, pero hindi na naman siya nagpumilit pa nang sinabi kong mas mabuti pang huwag na siyang sumama, dahil ayokong matagtag siya sa biyahe; nasa sensitibong buwan na kasi siya ng kanyang pagbubuntis.

Ako ang nagmaneho dahil sasakyan ko ang ginamit namin. Tahimik ang naging biyahe namin dahil walang ganang magsalita si Luke. Nakaupo ito sa back passenger's seat; nakatanaw lang sa labas ng bintana Panaka-naka namang nililingon namin ito ni Jason--na siya namang nakaupo sa unahan. 

Animo'y tuod si Luke. Kung ano nga ang puwesto at hitsura niya noong umalis kami ng Maynila, 'yun pa rin ang puwesto at hitsura niya nang makarating kami sa ospital na kinaroroonan ni Dette sa Tarlac.

"Luke!" Pasugod na paghagulhol ng Mama ni Dette sa dibdib ni Luke. Yumakap agad ito sa kanya. Wala namang nagawa si Luke, kundi yakapin na rin ito pabalik. Naluluha na rin ito.

Naro'n na pala ang mga magulang ni Dette, pati na ang kapatid, at mga pinsan; kasama na rin naman sa mga ito ang bagong kasal na sina Tristan at Rhea.

"Ano ang balita?" bulong ni Jason kay Tristan.

"Ligtas na ang bata." Malumanay na sabi nito. Napasulyap din ito kay Luke. Napatingin din naman si Luke kay Tristan, "pero nasa Neonatal Intensive Care Unit pa ito dahil pitong buwan lang ang bata."

Napangiti naman ng bahagya si Luke.

"Eh si Dette?" muling tanong ni Jason.

Tumingin muna si Tristan kay Luke, bago ito nagsalita. "The doctor said, it was a miracle that she made it alive after 24 hours na hindi siya nadala agad sa Ospital." Pag-lalahad ni Tristan. "Maraming dugo ang nawala sa kanya, at maraming organs ang napinsala." Medyo naluluha si Tristan, kaya napahinto ito saglit para punasan ang kanyang naluluhang mga mata. "Ahm..." nanginginig na rin ito, "sabi ng doctor, pinaka-severe raw ang head injury niya. 'Yun daw ang dahilan kung bakit hindi pa nagkakamalay si Dette hanggang ngayon. Limang araw na pala siyang in coma rito, bago pa namin nalaman na nadirito siya kagabi lang. Hin--"

"Sino po ang immediate family?" anunsyo ng isang Nurse. Ito ang pumutol sa pagsasalita ni Tristan.

Napalingon naman kaming lahat sa kinaroroonan nito.

"Kami po." Sabi ng mga magulang ni Dette, sabay lapit sa Nurse.

"Kayo po ang mga magulang?" magalang na tanong nito.

"Opo." Magkasabay na sagot ng mag-asawa.

"Nagkamalay na po ang anak ninyo."

Nabuhayan ng loob ang lahat ng nakarinig. Nakahinga kami ng maluwag. Maging si Luke ay nakangiti na rin ngayon.

"Pero mukha pong..." dugtong ng Nurse.

"Ano?" tanong ng Mama ni Dette.

"Wala po siyang naalala kahit ano. Tinanong ko po siya ng pangalan niya pero maging 'yun ay hindi niya maalala."

Nagkatinginan kami ni Luke.

"Pwede na po ba namin siyang makita?" tanong ni Tristan.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon