EPISODE 71

48.6K 966 103
                                    

Maggie's P.O.V.

Pinuntahan namin ang address na ibinigay sa amin ni Bernard. Ang kaso mo, hindi naman pala 'yun ang address ng kasalukuyang tinitirahan ngayon ni Luke. Address pala 'yun ng mga magulang n'ya, kung saan ito dati nakatira. Mabuti na lang at mabait ang Mama ni Luke. Hindi n'ya ipinagdamot sa amin ang kasalukuyang address ni Luke.

Mahina sa direksyon si Laura, habang si Abby naman, bago pa lang natutong magmaneho. Dahil dito, ako ang naatasang magmaneho, at siya na ring naghanap sa townhouse ni Luke. Hindi naman ito kalayuan sa bahay ng mga magulang n'ya. Kundangan nga lang at napaka-traffic dito sa Metro Manila, kaya nang makarating kami ro'n, halos pagabi na.

"Ito na yata 'yun." Sabi ko sa dalawa kong kasama.

Nag-menor na ako, bago ko tuluyang inihinto ang sasakyan sa mismong tapat ng gate ng bahay ni Luke.

"Parang walang tao." Sabi ni Abby, matapos ang ika-limang doorbell namin sa labas ng gate. "Baka nasa labas pa ng bahay si Luke."

"Nahingi mo ba kay Bernard ang cellphone number ni Luke?" Tanong ni Laura sa akin.

"Hindi eh." Nag-aalalang sagot ko; kinakagat-kagat ko ang mga kuko ko sa kanang kamay ko.

"Bakit hindi?" Nakakunot-noong  tanong ulit ni Laura.

"Eh sa hindi eh!" Nakasimangot ako.

"Wala kaya s'yang kasambahay?" ani Abby sa aming dalawa ni Laura.

"Who knows?" nakangusong sagot ni Laura. Nagkibit-balikat lang ako.

"Hmmm..." Ungot ni Abby. Bahagyang itinulak nito ang pintuan ng gate. Napa-iktad ito. Bumukas kasi ang gate. Nagkatinginan naman kami ni Laura.

"Bakit kaya bukas ang pinto?" Nakasimangot na bulong ni Abby. Sumisilip ito sa loob ng bakuran. "Hindi ba natatakot ang lalaking ito na pasukin ng mga magnanakaw ang bahay n'ya?"

Hindi kami sumagot ni Laura. Sinundan na lang namin ito nang maglakas loob na itong pumasok sa loob.

"Ano ba 'yan?!" Nakangusong sambit ni Laura, "Parang wala namang nakatira rito!"

Iniikot ko ang paningin ko habang naglalakad kami papasok. Tama si Laura. Tila walang nakatira sa bahay ni Luke. Walang kabuhay-buhay ang hardin. Napapalibutan ito ng mga halaman at bulaklak na nalalanta at natutuyo na. Gano'n din ang bermuda grass. Halatang hindi ito nadidilig. May mga bahagi kasi ito na tila natutuyo na rin.

Ang kalat. Puros mga tuyong dahon mula sa malalaking puno ang nakakalat sa buong paligid. Halatang hindi ito nawawalisan at naaasikaso.

Nasa malapit na kami sa may pintuan nang makarinig kami ng dalawang tinig na tila nag-aaway. Sa una, hindi namin ito gaanong maintindihan. Pero luminaw rin naman ito nang naro'n na kami mismo sa main door.

"Luke, ano ba? Kausapin mo nga ako nang maayos!" Hiyaw ng tinig ng isang babae, "Ano ba?!" Naulinigan namin na tila may hinahataw ito, "You!" May hinataw ulit ito, "Are!" Parang may hinataw ulit, "Too!" Isa pa ulit, "Fucking!" Dalawang magkasunod pa, "Frustrating!"

After that, nakarinig naman kami ng tunong ng tila isa babasaging bagay na ibinato sa pader. Obvious sa tunog na nabasag ito..

"Ah, fuck you!" Umiiyak na hiyaw ng babae. Sinundan iyon ng sunod-sunod na tunog ng sampal, tampal, suntok, na parang luma-landing lahat sa katawan—at mukha, ng isang tao.

"Tapos ka na ba?!" Sa timbre pa lang ng boses, alam na namin na si Luke 'yun.

"Nakita mo na ba ang hitsura mo sa salamin?!" Sigaw ng babae, "You look f*cking pathetic."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon