EPISODE 53

152K 1.2K 66
                                    

Bernard's P.O.V.

Friday night.

Halos lumagpak sa sahig si Benj sa katatawa. Si Luke, natatawang umiiling-iling lang. Si Tristan nama'y nagpipigil kaya naman hitsurang mata-tae na ang pagmumukha nito. At si Jason?

"Umamin din ang hayup." Sabay tingin kay Jon. Magkasabay silang humalakhak.

Nandito kami ngayon sa bar namin ni Jon. Everybody is present except for Art, who's still in Malaysia, and Mike--you know where he is.

"Wala naman akong problema sa mga bakla kung talagang alam kong bakla. Pero si Mike, na akala natin eh kung sinong taenang sanggano? Eh iba naman pala ang kulay ng itlog?!" Pagsingit ni Benj nang medyo nahulasan na ito sa katatawa.

"Ayaw niyo niyan? Meron na tayong official muse ng tropa." Sabi naman ni Luke, "maganda na, mestisa pa!" Muli itong tumawa nang pagkalakas-lakas. Napalingon tuloy ang iba pa naming mga customers.

"Pare, ang lakas ng boses mo!" Pagsaway ni Tristan.

"Sorry mga pare. Minsanan lang kasi tayo magkaroon ng ganitong excitement eh." Sagot naman ni Luke sa kanya.

"Mas maganda pa ngang magpaka-bakla na lang siya kesa naman magpakagago siya." Ani Jason, "aanhin mo naman na nagpapakalalake nga siya kung puro naman katarantaduhan ang ginagawa niya?"

"Ang tanong." Pagsingit naman ni Jon, "tatanggapin niyo ba sa tropa na meron tayong..." nag-umpisa na naman itong tumawa. Pagtawang kahit anong pigil nito'y hindi nito magawang pigilan. Namumula na ang mukha nito--hawak-kawak ang kanyang tiyan. "Papayag ba kayo na meron tayong..." muli itong natawa, "eherm! I'm sorry." Idineretso nito ang sarili, "papayag ba kayo na meron tayong kabarkadang..." matatawa sana itong muli pero tinakpan na nito ng kanyang kamao ang sariling bibig. "Binibining marikit?!" Nasabi rin nito sa wakas!

Naghagalpakan na naman ng tawa ang lahat, pati na ako.

"Ayos lang sa 'kin," sagot ni Tristan, "basta ba huwag niya akong hahawakan." Seryoso ang mukha nito. Lalo kaming nagtawanan sa nakakatawang expression ng mukha nito.

"So," ani Benj, habang nakatingin kay Tristan, "ang ibig mong bang sabihin, ok lang na amoy-amuyin niya ang briefs mo, basta't huwag ka lang niyang hahawakan?"

Napakamot si Tristan. Nagtawanan na namang muli ang lahat.

"Sasabihin niyo ba kay Art na pinagnasahan siya ni Mike dati?" tanong ni Luke.

"I'll let him know." Sagot ni Jon. "But I'll make sure kaharap kayo, para makita natin ang reaksyon ng pagmumukha niya." Muli itong humalakhak na sinegundahan naman ng lahat.

"Alam na ba nung...sino ba yun? 'Yung ex mo na ex rin niya." Tanong ni Benj sa akin, "Yung nanay ng anak niya..."

"Si Melanie." Sagot ko naman.

"Oo. Her. Alam na kaya niya?" si Benj ulit.

Hindi ako nakasagot agad, bagama't nakatanga sa 'kin ang mga mokong; naghihintay sa kasagutan ko.

"Actually, Mike confessed na rin na si Melanie talaga ang unang nakadiskubre na, yun na nga, na bakla siya." Umpisa ng paglalahad ko. "'Yun na nga raw ang dahilan kung bakit nasaktan niya physically si Melanie. In denial pa raw kasi siya that time. Marami na raw kasi siyang nagawang karumaldumal para pagtakpan ang kanyang sikreto, para hayaan lang na mabulgar ito ng ganun-ganun na lang. Nagbanta raw kasi si Melanie na ibubulgar nito ang sikreto kaya niya nasaktan ito."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon