1. Simula

305 14 9
                                    

~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~~~~~







Malaki at pumupula pa mas lalo ang pangalawang buwan sa langit, ang Hara ng Encantadia, si amihan ay Naka tayo sa labas ng kanyang silid kung saan nararamdaman niya na ang malaki ngunit masamang mangyayari sa Lireo at wala ng iba kung hindi ang mga hadezar ni Hagorn at ang kanyang sarili. Ang kanyang mga mata ay onting onti napupuno ng mga luha dahil sa ilang taon niya nang namumuno bilang Hara ng liceo, hindi alam ni Amihan kung anong kaya niyang gawin upang iligtas at panatiliing payapa ang Encantadia

" Mahal na Emre, sabihin niyo saamin kung ano ang nararapat kong gawin " saad ni Amihan habang nakatingin sa malagim na ulap, bumaba ang kanyang ulo at hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha. May anak siya na hindi niya kayang iwanan, mga kapatid na kanyang gustong protektahan lalo na ang mga diwata at tao na silang kailangan niyang masagip sa masamang mangyayari

Ilang gabi na ng dumating si Lilasari upang sabihin at bantaan ang mga sanggre sa Lireo kung ano ang kanyang nakita. At hindi siya nag kakamali dahil ang mga hadezar ay mga ivtre galing sa Balaak na siyang hindi kayang mapatay ng kung sino man kahit gamit nila ang kanilang espada o brilyante.

" Amihan "

Nguni't mabilis ng pinunasan ni Amihan ang kanyang mga luha sa muka gamit ang kamay at natalikod, ang kanyang kababayang kabatid na si Danaya na siyang suot ang kanilang armas ay nag lakad sa harap niya

" Pumunta dito si Cassiopeia upang kausapin ka " Saad ni Danaya, napaisip nalang si Amihan kung ano ang gustong sabihin ng Mata sakanya, hindi na siya nag sayang ng oras at tumango, sinundan siya ni Danaya, pati narin ng mga dama at kawal sa kanilang likod. Ng dumating ang Hara at Sanggre sa pangunahing bulwagan

Ang bagong Mashna ng kawal ng Lireo na si Muros ay handa at binabantayan ang pinto ng bulwagan na kung saan maaring dumaan ang sino mang hadezar o kaaway para sila'y atakihin, kasama niya ang ilang mga kawal sa kanyang tabi. Habang si Amihan at Danaya naman ay lumapit kay Cassiopeia, ang unang Hara ng Encantadia at ng mga diwata.

" Amihan, pumunta ako dito dahil sa tingin ko ay may makakatulong satin upang pabagsakin ang mga hadezar ni Hagorn " Saad ni Cassiopeia habang umiilaw ang simbolo sakanyang noo

" At ano naman ang makakatulong saatin, Mata? " Tanong ng Hara. Subalit walang sinabi pa si Cassiopeia lung hindi umilaw ang kaniyang mga mata at nagpakita ng pangitain kay Amihan

~

Ang pangitain ay nag simula noong mga araw kung saan si Cassiopeia pa ang Hara ng Encantadia, pagtapos niya mawala at nabigong protektahan ang kanyang anak-anakan na si Lilasari ay isang ordinaryong araw sa Lireo ay biglang nalang napasigaw ang reyna dahil sa sakit, ang kanyang maasahan at malapit na Dala ay mabilis na hinawakan ang Reyna

" Ayos kalang ba Cassiopeia? Anong masakit sayo? " Tanong ng Dama, napa tigil si Cassiopeia ng nawala ang sakit ng kanyang nararamdaman, ng to sad niya ang kanyang palad, nakita nalang nila ang simbolo ng bata sa kanyang sinapupunan ay umiilaw na. Nanlaki ang mga mata ni Cassiopeia at hindi makapaniwala ang Dama sakanyang nakita

" I-ika'y nag dadalang tao mahal na reyna! " Maligayang sabi ng Dama at tumingin sa muka ng Reyna, isang malaking ngiti ang dumungad sa muka ng Reyna

Tumayo si Cassiopeia sa harap ng statuwa ni Emre, sinarado niya ang kanyang palad at umilaw ang muka ng bathala

" mahal na Emre, siyang tunay nga ba na ikaw ang ama ng sanggol sa aking sinapupunan? " Tanong ng Hara, ilang saglit ng paghihintay ay tila isang puting paro-paro ang umikot at dumapo sa kanyang balikat

~

Ng natapos ang pangitain na binigay ni Mata kay Amihan ay siya'ng tumingin muli sa kanya nama'y gulat sa muka.

" M-May anak ka, Cassiopeia? " Tanong ni Amihan at ng narinig ni Danaya ang kanyang tanong ay kinagulat narin ng Sanggre, maliit ang ngiti ni Cassiopeia sa kanyang muka at tumango habang nakatingin sa mga diwata

" Siyang tunay. Nguni't hindi ito naging mabilis, ng pinanganak ko ang nag iisa kong tunay na sanggol, hindi siya nag tagal dito sa Encantadia, binigay ko siya sa isang mag asawa na gusto manirahan sa mundo ng mga tao at magsimula ng bagong kinabukasan. Sila'y pinagkatiwalaan ko at binigay ang aking anak na si Calista " buong pagpapaliwanag ni Cassiopeia

Mahirap paniwalaan ang kanyang mga sinasabi, dahil sinong mag aakala na ang pinaka malakas at sinaunang diwata na nabuhay dito sa Encantadia ay May tinatagong anak?

Nguni't napangiti nalamang si Amihan kay Cassiopeia

" Bakit mo ito sinasabi saamin, Cassiopeia? " Tanong ni Danaya na siyang tinignan ni Amihan, umilaw ang simbolo sa kanyang noo

" Dahil ito na ang nararapat na oras para bumalik si Calista sakanyang tunay na mundo. At dahil ako at ang sariling Bathalumang Emre ang kanyang pamilya ay si Calista lamang ang malala tulong saatin upang mapabagsak natin si Hagorn, kaya't ako muna ay mawawala ng ilang araw mga Sanggre, ngunit wag kayong mag aalala, dahil pag dating namin ng aking anak ay siya'ng liliwanag na muli ang kahiraan ng Encantadia "

Pagtapos mag salita si Cassiopeia ay binigyan niya ng maliit ng ngiti ang mag kapatid at naglaho. Tumingin si Danaya lay Amihan at silang dalawa ay umasa na muling maibabalik ang kapayapaan sa buhay ng mga diwata at nilalang sa Encantadia....

















****************
mensahe na hindi ko gusto na inyong baliwalaiin. I DONT OWN ENCANTADIA! I DONT OWN THE ORIGINAL CHARACTERS! They all belong to GMA Studio!!!! I DONT OWN THE PICTURE'S YOU SEE ABOVE MY STORY dahil lahat to ay sulat fiction lamang

Calista | EncantadiaWhere stories live. Discover now