2. Avisala

155 12 6
                                    

~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~~~~~





Tahimik na nag lakad si Cassiopeia sa Encantadia upang makapunta sa lagusan, o kilala bilang Puno ng Asnamon, papuntang mundo ng mga tao, tahimik ang kanyang mga hakbang habang ang kanyang mahaba na balabal ay tinakpan ang pagkakakilanlan ng diwata, hindi ninanais ni Cassiopeia na mahuli ng mga hadezar, kaya't ng May marinig siyang mga yapak sa lupa at mababangis na amoy patungo sa kanyang kinaroroonan ay mabilis siyang nag tago sa likod ng isang punto habang kapit ang kanyang espada

Ng panoorin ni Cassiopeia na makalagpas ang mga hadezar na hindi siya nakita ay mabilis na itong tumakbo patungo sa lagusan. Itinaas niya ay susi at pinanood ang lagusan na bumukas. Bago siya pumasok ay sinigurado niya sakanyang sarili na walang sino man ang mag mamatid sa paligid at pumunta na sa lagusan papuntang mundo ng mga tao

Ng makalabas si Cassiopeia ay madilim na ng makapunta siya sa mundo ng mga tao, iilan lang sa mga tao ang naglalakad sa paligid at tila silang lahat ay tumitingin at nag bubulungan ng makita ang diwata, at ito'y napansin ni Cassiopeia

" Kailangan ko ng bilisan upang makita ko na muli ang aking anak "

Saad niya sa kanyang isip at mabilis ng nag lakad sa kalye. Sa tulong ng kanyang kapangyarihan ay tinulungan ito na mahanap ni Cassiopeia ang bahay ng mga dating diwata. Inilahad ito sa isang maliit na bahay na pinaliligiran ng puno, tumigil siya at pinagmasdan ito, ang bahay na kung saan lumaki ang kanyang sariling anak, na siyang nararapat sa Lireo. Napalunok nalamang si Cassiopeia

Nag aalala siya kung natandaan pa ba siya ni Calista, na kung ang sarili niyang anal ay tatanggapin pa ba ang tunay niyang ina. Hindi na nag sayang ng oras si Cassiopeia at pumasok sa loob ng gate. Napahinto siya at May narinig na parating, pinanood niya ang pinto, itoy nag bugkas at isang magandang dalaga ang lumabas mula sa loob ng bahay. Siya'y May perpektong tampok ng kanyang mga magulang, hindi makapaniwala si Cassiopeia na ito na si Calista

Ilang taon na ng huling bisitahin niya si Calista sa mundo ng mga tao, ngunit kahit ganon paman ay patuloy parin si Cassiopeia na pangalagaan ang kanyang anak sa pag panonood nito galing sa kanyang kapangyarihan.

Ilang taon ang Naka lipas, iba na ang sanggol sa ngayon. May makikinis siyang balat at muka na itong nagniningning sa ilaw, ang kanyang hugis mata at ilong na nakuha niya mula sa kanyang Bathalumang ama, mistulang Lila ang kulay ng kanyang mga mata, ang tunay na kulay mula siya'y pinanganak, ang nagniningning kulay pilak na kanyang buhok- Tumulo ang luha mula sa mata ni Cassiopeia

" Anak "

Napahinto sa paglalakad si Calista ng marinig niya muli ang pamilyar na boses na kanyang inaasam simula ng siya ay bata pa, tumindig ang kanyang mga balahibo at dahan dahan siyang tumalikod upang makaharap ang kanyang Ina.

Hindi rin siya makapaniwala na binisita na muli siya ni Cassiopeia

Calista Pov

Mga parehas na mga luha ang siyang nagsama-sama sa aking mga mata

" I-Ina? " Saad ko, napangiti nalamang si Ina habang ang kanyang mga luha ay gumulong sakanyang pisngi, parehas ng saakin. Binuksan ni Inay ang kanyang mga braso at hindi na ako nag dalwang isip pa na tumakbo at yakapin siya ng mahigpit, umiyak ako sa saya, dahil ilang taon ng pag iisip, naramdaman ko na muli ang yakap ng aking Ina

" Aking Calista " iyak ni Ina at binigyang halik ang aking noo, ngumiti ako at pinunasan ang aking mga luha baho ko siya muling harapin. Hindi tumingin pa sa Iba si Ina ngunit saakin lamang, hindi niya binitawan ang mga kamay niya sa pisngi ko

" Ano ang iyong ginagawa dito? " tanong ko

" Hindi na ako makapaghintay pa, gusto na kitang dalhin sa Encantadia, ang iyong tunay na tahanan katabi ako, Calista. Ito na ang nararapat na panahon upang ika'y bumalik sa mundo ng mga diwata " paliwanag ni Ina habang gamit ang wika ng mga Encantadia, naintindihan ko siya at tumango. Sa totoo lang ay ilang taon na din akong naghintay sa pagbabalik ni Ina, umaasa na balang araw ay makikita ko na ang Encantadia sa unang pag pagkakataon

Dahil hindi pa ako nakatungtong sa Lupain ng mga Diwata sa buong buhay ko.

" Masaya akong makasama ka muli Ina, kahit saang sulok paman ito ng mundo " sagot ko at muling niyakap siya. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ina sa kanyang labi, ngunit hindi pa man nag tagal ay ang aking pangalawang ina ay lumabas mula sa bahay

" Calista anak, bat ang tagal mo- " Napatigil nalamang siya ng makita niya kami sa labas, hindi ko kayang pigilan ang maliit na tawa ko ng makita ko ang panga ng pangalawa kong ina na nahulog sa sahig, ang kanyang mga mata ay kumislap sa gulat

" C-Cassiopeia, ikaw ba yan? " Tanong niya, nakatayo si Ina sa aking tabi habang ang isa niyang kamay ay nasaaking braso, tumango siya at ngumiti

" Ako nga, Lilian... Dumating na ang takdang oras ni Calista upang siya'y bumalik na sa lupain ng mga diwata " Sagot ni Ina habang ang simbolo sakanyang noo ay umiilaw. Pinanood kong lumabas na rin ang aking pangalawang Ama, hindi na ako nag pasya at nilapitan silang dalwa, binigyan ko sila ng mahigpit na yakap habang tumutulo naman ang mga luha ko

Sila ang nagtayo kong pangalwang pamily, nag alaga at nagpalaki sakin ng ako'y sanggol pa. Suminghot si Ina at hinawakan ang aking pisngi

" Ipagdadasal namin na magiging masaya ang magiging buhay sa Encantadia, huwag na huwag mo sana kaming kakalimutan ng iyong ama- " iyak niya. Ngumiti ako na May kirot sa aking puso, mahirap mang umalis, pero ipinapangako ko na hindi ko sila kakalimutan kaylan man.

Nag bigay si Ama ng isang halik sa aking ulo bago nila ako pakawalan mula sa kanilang bisig, tumayo muli ako sa gilid ng aking tunay na ina na siyang ngumiti sakanila

" Avisala "

At kami'y nag laho











**********
****************
mensahe na hindi ko gusto na inyong baliwalaiin. I DONT OWN ENCANTADIA! I DONT OWN THE ORIGINAL CHARACTERS! They all belong to GMA Studio!!!! I DONT OWN THE PICTURE'S YOU SEE ABOVE MY STORY dahil lahat to ay sulat fiction lamang

Calista | EncantadiaWhere stories live. Discover now