7. Bisita

198 9 8
                                    

~~~~~~~~~~

 ~~~~~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~~~~~





Tumayo mag isa si Calista habang Naka bukas ang kanyang kamay, isang puting ilaw ang nagningning mula sakanyang mga palad habang siya naman ay nag bubulong ng mga salitang malayo muka sa lengguwahe ng mga Encantadia, Naka luhod si Perena sakanyang harapan habang Naka pikit ang kanyang mga mata. Ilang munto ang lumipas ay pinanood ni Calista ang isang masamang kapangyarihan nasa loob ng Sanggre na siyang binigay ngunit sumpa mula sa Bathalumang si Ether. Ang bathalang minsan rin ay naging sakin sa kapangyarihan kaya't nagulog sa masamang paraan, kasama ang isa pang bathala ng Balaak na si Arde.

" Buksan mo ang iyong mga mata, Sanggre " ang kanyang mahinhin na boses ay sinaad, onting binuksan ni Perena ang kanyang mata at isang malaking ngiti ang dumungad sa kanyang muka ng naramdaman niya na wala na ang sakit at mabigat na panauhin sakanyang sarili

" S-Salamat, Calista " Saad ni Sanggre Perena habang May luha sa kanyang mga mata, hinawakan niya ang kamay ni Calista at ngumiti bago ito niyakap ng ilang segundo. Ng makaalis na si Perena sa silid ay nag sarado na ang pinto ng Lireo sa silid ni Calista, isang simple ngunit malaking kwarto ang binigay sakanya ni Hara Amihan, at pinili rin ni Calista na nanirahan muna sa Lireo para sa kanyang kabubuti.

Ng tumingin si Calista sa kanyang kwarto, hindi niya napigilan ang kanyang nararamdaman na siyay nag iisa lamang habang ang lahat ay nag sisiyahan parin sa pag ka panalo ng mga diwata, kaya't nag bago ng suot si Calista sakanyang mahabang Lilang balabal

Ng tumingin si Calista sa kanyang kwarto, hindi niya napigilan ang kanyang nararamdaman na siyay nag iisa lamang habang ang lahat ay nag sisiyahan parin sa pag ka panalo ng mga diwata, kaya't nag bago ng suot si Calista sakanyang mahabang Lilang b...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Intinaas ni Calista ang nasa kanyang likod at ito'y binaba sasakyang ulunan, naglaho ang diwata at nakarating ito sa labas ng Kaharian ng Sapiro. Isang maliit na ngiti ang lumabas sakanyang labi ng pinag masdan niya ang kaharian nito, na ngayon ay buhay na muli at maliwanag, di katulad noon ng ito'y nasakop ni Hagorn. Nag lakad si Calista sa malaking pintuan, kung saan ang mga Sapirian na nag babantay sa labas ay binaba ang kanilang ulo, simbolo ng kanilang pagiging respeto sa Mahal ka Diwata

Binuksan nila ang pinto at pinapasok siya sa Kaharian

Calista Pov

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako naparito na hindi ko sinasabi sa Prinsipe, hindi ko siya hustong maistorbo sakanyang mga gawain, ngunit huli na ang lahat bago pa ako nakapag isip at tumalikod nalang ng makita ko si Wantuk at Cosmo, mag kasama na nag lalakad sa kaharian. Tumungo ako saka nalang harap at napangiti naman huli'y saaking ang maliit na mandirigmang si Wantuk

" Mahal na Diwata, kami'y nagagalak sa inyong pag bisita, ngunit bakit na naparito? " Tanong ni Prinsipe Cosmo, na siyang suot ang kanyang pang araw araw na kasuotan, ganon narin si Wantuk. Binuksan ko ang aking labi upang sumagot, ngunit hindi ko alam kung pa'no ko ito sasabihin sakanilang harapan. Ng napaisip si Wantuk at bigla niya itong na intindihan

" Ahh! Andito ka para kay Prinsipe Y'brahim, hindi ba? Siya'y mag isa sa punong bulwagan, mahal na Diwata. Tila Ikay ata iniisip niya ng nakarran pang araw " pag sagot ni Wantuk at ngumiti sakin ng may pabola pa, wala akong nasabi kung hindi naging pula ang aking mga pisngi sa kanyang sinabi, ng makita ito ni Cosmo ay dali niyang inikot ang tenga ni Wantuk, ngunit bago pa to gawin ng prinsipe ay mabilis na tumakbo papalayo ang mandirigma saamin, ako'y napatawa nalang sakanya

" Pag pasensyahan mo na ang aking kaibigan Mahal na Diwata, ngunit kung nandito ka nga para saaking kapatid ay nasa Punong Bulwagan si Y'brahim " Pag paliwanag ni Prinsipe Cosmo, binaba ko ang aking tulo at ngumiti sakanya

" Avisala, prinsipe " Saad ko at naglakad na papuntang punong bulwagan, bulang ng aking mga yakap ay siya ring pag tibok ng aking puso sa kaba, hindi ko alam kung bakit nalamang ako bag iisip ng kung ano ano ng ako'y makarating ng Sapiro upang bibirahin muli ang Rehav, tumigil ako at huminga ng malalim bago ako dahan dahan nag tungo sa loob ng silid, mag isang nakatayo si Y'brahim habang Naka tingin sa mga papel na Naka lagay sa lamesa. Ang kanyang trono ay perpektong Naka pwesto habang siya naman ay abala.

Pinagmasdan ko ang Rehav ng ilang saglit, na di ko namalayan ang ngiti ko sa aking labi.

" Tila ikaw ata ay nag-iisip ng malalim, Y'brahim " Mahinhin kong sabi.

Ng marinig niya ang aking boses ay mabilis niya akong hinarap, May pag ka gulat ang nag bungad sakanyang muka dahil sa aking pag bisita ngunit siya'y napangiti narin.

" C-Calista, hindi mo sakin sinabi na ikay pupunta rito " pagsabi ng Rehav. Wala sa aming dalwa ang naghiwalay ng tingin sa isa't isa, tumibok pa lalo ang aking puso, habang ako naman ay Abalang binaba ang sarili kong balabal mula saking ulo at tinggal ang tali nito. Hinawakan ko ang aking balabal saaking braso at lumakad sa kanyang tabi

" Hindi nga Rehav... Ngunit, gusto ko lamang bisitahin ang Sapiro, upang tignan kung maayos na ba muli ito " Pag sinungaling ko, at dahil hindi ko naman agad pwedeng sabihin sakanaya ang tunay na dahilan kung bakit ako naparito. Pilit na tinago ni Y'brahim ang kanyang malaking ngiti, at ibinaba ko ang aking balabal sa lamesa at tinignan ang mga sulat Encantadia sa mga papel na ito

Kinuha ko ang isa at binasa ito, kahit ako'y lumaki sa mundo ng mga tao ay hindi ako estranghero sa tunay kong wikain.

" Hinahanda mo ang iyong sarili bilang isang perpektong Hari? " Tanong ko at binaba ang papel, nagkatinginan kami ng Rehav na siyang tumango saakin. Sapagka't lahat ng papel na kanyang binabasa ay tungkol sa pagiging Hari

" Tama, mahal na Diwata. Dahil napapalapit na ang panahon na ipapatong nasakin ang korona ng Sapiro " sagot ni Y'brahim, tumingin ako sa Trono at binalik ang aking tingin sakanya

" Ngunit bakit mo pa kailangan basahin ang mga ito? " Tuloy ko, bumuntong hininga si Y'brahim bago ako sagutin

" Dahil gusto ko maging perpektong Hari tulad nalang ng aking ama " Sagot niya muli.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, sapagkat nilagay ko ang aking kamay sabayang balikat habang kami ay nakatingin sa isa't isa. Lumakas pa lalo ang tibok ng aking puso, na tila ang aming mga katawan mas malapit na

" Hindi mo kailangan maging isang punong perpektong Hari, Y'brahim. Dahil ika'y sapat na sa Encantadia bilang isang magiting pinuno "

Paliwanag ko, at mas naging malalim pa ang tingin namin sa isa't isa


















**********
Ackkkkk harutan naaaa, char...

Thank you salahat na nag babasa ng storyang to!!! Mahigit 100+ total reads na ang nagbasa kaya salamat sa inyong lahat!!!

Wag kayong mag alala dahil malayo pa ang ending ng storyang to!!! Hahaha

Calista | EncantadiaWhere stories live. Discover now