~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
Ilang segundo kaming nakatingin ni Rehav Y'brahim sa aming mga mata bago pa kami mabigyan ng konsensya sa isa't isa at sa pangyayari, bigla akong humakbang papalayo sakanya at napalunok nalamang, binaba ko ang aking kamay at tila nararamdaman ko parin ang pagkapit ko sa kanyang braso gamit ito.
" P-paumanhin Prinsipe— kinagagalak ko na makita kang muli " pagmamabilis ko at tumalikod na upang maglaho, ngunit bago ko ito magawa ay tinigil ako ni Y'brahim at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay, hindi ko na tinuloy ang pag laho ko sa hangin at siya'y tinapat.
" Hindi mo ba ibigan na manatili muna dito sa aking kaharian ng pansamantala? " Tanong ng Prinsipe. Dahan dahan kong maramdaman ang isang ngiti na lumago sa aking labi, tumango ako at muling tumingin sakanyang mga mata
~
Ng ilatag ni Wantuk ang huling kahoy na plato sa lamesa ay kami'y nagsalo salo na muli. Nasa maliit kaming salo salo sa loob ng Kaharian ng Sapiro, ang mga masasarap na pagkain at prutas ay apaw sa aming lamesa. Kami kami lang ni Y'brahim, Cosmo at Wantuk ang mag sasalo salo ngayong gabi. Silang dalwa ay nakaupo sa aming harap habang magkatabi naman kami ni Y'brahim. Tinggal ko ang bitones ng aking balabal at ibinaba ito sa tabi ng upuan
Nagsimula na kaming magsalo salo at napatawa nalang ako ng mahinhin ng dinamihan ni Wantuk ang kanyang pagkuha ng manok at inilagay ito sa kanyang plato
" Gusto mo rin ba, mahal na diwata? " Tanong niya na May malaking ngiti kanyang muka. Tumango ako at ngumiti sakanaya, nilapit ko ang aking plato kay Wantuk at ito'y kanyang nilagyan ng Pagkain mula sa kahoy na mangkok
" Salamat " pagsasabi ko, ngumiti si Wantuk at bumalik sa kanyang upuan katabi si Cosmo, na siya'y binubuhusan muli ng alak ang sarili. Tumingin ako ng sikreto kay Y'brahim at tila siya'y hindi pa kumakain.
" Prinsipe, hindi mo ba nagugustuhan ang pagkain na inihain nila para sayo? " Tanong ko ng mahinhin, buti nalang ay walang nakatingin samin sa pagitan ni Y'brahim. Tila masayang naguusapan sila Wantuk at Cosmo sa kanilang upuan, kaya't tumingin sakin si Y'brahim na May maliit na ngiti sakanyang labi. Bumalik ang pagkapula ng aking pisngi ng matamo hulit ang aming mga mata
" Wala ito, Diwata, ang salosalo na ito ay para na rin sayo. Kaya't ika'y magpabusog ka lamang Dan at magsaya " Saad niya. May ilang segundong katahimikan sa amin ni Y'brahim bago ko inalis ang aking mga mata sakanya at kinuha ang plato. Nilagyan ko ito ng pagkain at prutas na siya'ng nagpatawa sa Prinsipe na nasa aking tabi, bumalik ako sa upuan at iniligay ito sa kanyang harapan, na siyang tinignan ni Y'brahim, at pabalik sakin.
" Ang salosalo na to ay hindi para lamang sakin, Y'brahim, mas nanaisin ko pang ibahagi ang kasayahan na ito sa atin.. at para narin sayo " sabi ko
~
Kami ngayong dalwa ay nasa labas ng Sapiro, kung saan kami lamang ni Y'brahim at ang aking sarili ang magkakasamang naglalakad sa tabi ng dagat. Gabi na at meron pa naman kaunting liwanag sa labas, hawak hawak niya ang apoy na nakapaligid sa isang kahoy, habang ako naman ay patuloy na pinagmamasdan ang kagandahan ng Encantadia. Ang tunog ng pagampiyas ng tubig sa aming tabi, ang buhangin sa aming mga paa at ang hangin.
Isang mapayapa at katahimikan ang napagtanto naming dalwa, walang gera, walang problema, dahil balik na muli ang kapayapaan sa mga kamay ng diwata at iba pa.
Tumingin muli ako at pinagmasdan ang lumiliwanag na kaharian ng Lireo, ito'y malayo kumpara sa Sapiro. Nguni't kitang kita ang kagandahan nito.
" Isang malaking desisyon ang ginawa ng aking Ina na ako'y ilayo muna sa mundo ng aking sinalangan, ngunit masasabi ko na buti nalang ito'y kanyang ginawa " tugon ko habang siya'y nakikinig.
" Mahirap at masaklap ang malayo sa aking tunay na ina, hindi ko siya nakakasama ngunit palagi ko siyang nakikita sa aking mga panaginip tuwing ako'y tulog.. minsan nalang ay naguutos si Ina sa mga ibon para lamang maghatid mensahe saakin sa mundo ng mga tao " Pag biniro ko, tumawa di Y'brahim at muli akong tinignan
" Ano ang iyong naging buhay sa mundo ng mga tao? " Tanong niya. Pinag-isipan ko ito ng ilang segundo bago makasagot
" Masaya, Prinsipe. Iba ang mga tao sa mga Diwata " Sabi ko at ngumiti, tumingin ako sa ibaba at sinipa ang ilan sa mga buhangin mula saking mga yapak. Tumigil kaming dalwa ni Y'brahim sa tubig at parehong pinagmasdan ang tanawin sa aming harapan
" Balang araw, kung ako man ay papayagan ng kapalaran ay dito, sa lugar na ito, ang lugar kung gusto ko sanang maikasal sa isang lalaki na aking iibigin " pagtutuloy ko. Narinig kong ngumisi si Y'brahim saking tabi at tumingin sakin
" At ano naman ang humahadlang sa iyong kagustuhan na ito'y nangyari? " Tanong niya at napatawa nalamang ako ng kaunti.
" Hindi ko alam, prinsipe. Siguro ay hindi ko alam sa aking sarili kung ako nga ba ay initakdang magmahal, o itinakdang protektahan ang Encantadia— " napatigil nalamang ako ng akoy napairit dahil sa lamig ng agos ng tubig sa aming paa.
Tumawa ng malakas si Y'brahim dahil nalamang sa aking maging reaksiyon, tumawa narin ako at niyakap ang aking sarili dahil sa malakas na hangin, habang ang tubig ay patuloy na binabasa ang aming mga Paa.
Pinanood ko na kunin ni Y'brahim ang aking balabal mula sa buhangin, ito'y kanyang pinagpag hanggang sa inilagay niya ito sa aking mga balikat. Onti onti na muli akong nakawala sa aking isipan, pinagmasdan ko si Y'brahim
Sinabi niya sakin ang aking balabal at muling nagkatinginan sa ilang beses na pagkakataon. Kumalma ang hangin at ang tubig mula sa dagat
Onti onti niyang inilapit ang kanyang labi sa akin.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan, patuloy na pinagmamasdan ang prinsipe sa aking harapan.
Hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang malambot na labi sa akin
******
Hellu.... Namissniyoko? Charrrrr
Ilang buwan ng nakalipas since last akong makapag update sainyo and here it is! Since some of you have been asking and telling me when I'll update again, here it is. Ackkkkk enjoy
YOU ARE READING
Calista | Encantadia
RomanceY'brahim X Oc X Muros Ng patayin ng mga Sanggre ang mga natitirang kawal ni Hagorn ay akala nila papayapa na muli sa Encantadia, ngunit nag kakamali silang lahat ng biglang bumalik si Hagorn kasama lahat ng Hadezar mula sa Balaak. Bilang Reyna at ta...