~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
Ng makapasok si Hagorn sa loob ng Lireo kasama ang mga hadezar, di Asval, Agane pati narin si Amaro ay naglakad sila patungo sa pangunahing bulwagan, tila lahat ng ng mga diwata at ang mga sanggre ay nag laho, ngunit alam ni Hagorn kung saan sila nagtungo, ng makita niya muli ang trono sa kanyang harapan, isang malaking ngiti ang dumungad sa kanyang mga labi. Sa muli, akin na muli ang lireo, at ang buong Encantadia Saad niya sa kanyang isip
Nguni't sakanya ay hindi pa ito nararapat, hindi pa sangayon si Hagorn hangga't hindi niya napapatay lahat ng diwata, at mapasakanya ang Sapiro
Ilang dekada ng inaangkin ni Hagorn ang Lireo mula kay Amihan at walang oras na hindi niya inisip na tumigil mula sa pananakop sa mga diwata na kanyang kinasusuklaman. Kahit ilang beses siyang napabagsak ay naniniwala si Hagorn na bagama't ngayon ay tinulungan siya ni bathalang Arde, hindi niya lamang sila papabagsaking mga diwata kung hindi patayin ang natitirang Sanggre sa Encantadia
Sa kabila namana ay tuloy nag hahanda ang mga diwata sa Sapiro, mag isa si Amihan habang pinagmamasdan ang kanyang kaharian kahit ito'y malayo, hindi niya napigilan ang kanyang kalungkutan na ngayon nasa kamay ni Hagorn muli ang Lireo ngunit siya'y natitirang Hara ng Encantadia kaya't alam ni Amihan sa kanyang sarili ay May kapangyarihan parin siyang pabagsakin ang lahat, siya ang Hara, at sakanya nakaalalay ang mga buhat ng diwata, at hindi niya lamang sila basta basta ibigay sa kamay ng mga masasama. Napaisip muli si Amihan
Gagawin niya ang kanyang plano
Upang maligtas ang kapanan ng lahat. Ayaw niyang iwanan ang kanyang anak na si Lira, pati narin si Mira. Ang kanyang mga kapatid na ngayon lang nagkabati, at ang kanyang minamahal na si Cosmo, ang kapatid ng hari ng Sapiro nasi Y'brahim. At alam ni Amihan na hindi mabilis itapat niya ang tunay niyang nararamdaman sa isang diwata, bagama't siya at ang Kapatid na si Elena ay nag hati umano ng anak mula kay Cosmo, at siya ang ama ni Lira at Khallil.
Isang luha na tumulo mula sa mga mata ni Amihan, hindi niya alam kung gaano na katamad niyang pinag mamasdan ang Lireo.
Natandaan niya ang sinabi ni Cassiopeia, na maghintay lang sila, at sasagipin ni Calista ang mga diwata. Nguni't nawawalan na ng oras si Amihan dahil hindi parin sila nakakabalik hanggang ngayon, at patutungo na si Hagorn sa Sapiro upang sakupin na muli sila
~
Ilang oras ang nakalipas at natagpuan na muli ni Cassiopeia, kasama si Calista ang lagusan papuntang Encantadia. Pinanood ng dalaga ang nag iilaw na lagusan, handa na si Cassiopeia na maglakad ngunit ito'y napahinto ng naramdaman niyang hindi ito sinundan ng kanyang anak.
" Calista, ano'y bakit nakatayo kalamangan Dan? " Tanong ni Cassiopeia mula sa kanyang isip, isang maliit na ngiti ang kumalat sa mukha sa kanyang muka
" ina, kinagagalak ko na ika'y bumalik para sa'kin, nguni't gusto kong malaman kung bakit ngayon mo lang ako dadalhin sa Encantadia pagkatapos ng mahabang panahon? " Tanong niya. Nilapitan ni Cassiopeia ang kanyang anak at kinapitan ang mga kamay nito.
" Calista, alam mo kung bakit namin napagpasiyahan ng iyong Ama na ika'y iwan sa mundo ng mga tao, at dahil to sa iyong kabubuti pati narin sa iyong kaligtasan kaya namin nagawa ito, hindi naging mabilis, ngunit alam namin na ika'y masaya dito. Kaya't ikay aking aking kinuha na ngyon dahil subali't takda na ang iyong oras upang manirahan na muli sa Encantadia, pati narin ang iyong kapangyarihan na binasbas ko at ng iyong Ama ay siya lang makaka patay ng mga ivtre ni Hagorn " Tunay na sagot ni Cassiopeia
Hindi estranghero ang pangalan ni Hagorn kay Calista, bagamat alam ng dalaga kung paano sinalakay at naging matakaw ang mga Hator sa kapangyarihan. Ngumiti si Calista at tumango sa kanyang ina
" Kinagagalak kong tulungan ang mga diwata, Ina " Sagot niya at ngumiti si Cassiopeia, hinawakan nila ang isa't isa sa kamay at parehas na lumakad sa loob ng lagusan
Ng nagtungo silang dalwa sa Encantadia ay hindi napigilan ni Calista mapahangma sa kagandahang inuukit nito. Hindi lamang ang paligid ang kanyang kinagagandahan subalit kung paano mabubuhay ang mga halaman at bulaklak sa paligid.
" Ang ganda dito ina- " Saad ni Calista, nguni't siyang napahinto ng makarinig sila ng mga kakaibang yapak na palapit sakanila, alerto, ito ay ang mga ilan sa hadezar ni Hagorn
" Calista maghanda ka " Tugon ni Cassiopeia at inilabas ang kanyang sandata. Hindi man pwedeng gamitin ng dalaga ang kanyang kapangyarihan sa mundo ng mga tao, pero ngayon ay wala ng makakapigil sakanya upang ito'y gamitin sa magiting rason. Lumabas na nga ang mga hadezar at sila'y hinarap, sila ay may suot na nga itim na damit st balabal sa ulo, hawak hawak sila ang mga matitilos na espada sa kanilang mga kamay
Nag aalala si Cassiopeia para sa kaligtasan ng kanyang anak na si Calista laban sa mga hadezar, handa niya ng paslangin ang mga hadezar ngunit bago pa man niya ito gawin ay biglang binuksan ni Calista ang kanyang palad at isang malaking liwanag ang lumipad sa nga hadezar at tinamaan sila
Ilang segundo ay hinintay ni Cassiopeia at Calista kung sila pa ba ay makakapangon pa muli, ngunit hindi, ang mga hadezar ay napabagsak ni Caslita gamit lamang ang kanyang kapangyarihan.
" Tunay ngang ikaw ay binasbasan ng iyong Ama " Salita ng kanyang ina at napangiti nalamang si Calista. At pinagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungo sa Sapiro.
~
" Amihan! " sigaw ni Cassiopeia ng nakita niya nakahimlay ang Hara sa sahig ng Sapiro, mabilis niya itong hinawakan at kitang kita ang mga malubhang sugat na kanyang natamo mula sa mga hadezar. Pinigilan ni Cassiopeia ang mga luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata at tumingin pataas para lang makaharap ang nakangiting si Hagorn kasama ang kanyang mga malalakas na kawal sa kanyang tabi ng trono
" Bibigyan ko kayong mga diwata ng araw upang mailibing ang inyong mahal na reyna " Saad ni Hagorn. Subalit siyang tinignan lansang ng masama ni Cassiopeia
" Pashneya katalaga Hagorn! " Sigaw ng diwata at tumayo mula sa sahig
" Hindi namin kailangan ang araw na iyong ibibigay, subali't, ang araw nayon ay siya lamang ang oras na muli kayong babagsak lahat! " Sumpa ni Cassiopeia at naghalo kasama ang bangkay ni Amihan. Walang kumibo sakanila kung hindi si Agne na tumingin sa kanyang hari
****************
mensahe na hindi ko gusto na inyong baliwalaiin. I DONT OWN ENCANTADIA! I DONT OWN THE ORIGINAL CHARACTERS! They all belong to GMA Studio!!!! I DONT OWN THE PICTURE'S YOU SEE ABOVE MY STORY dahil lahat to ay sulat fiction lamangSalamat sa suporta niyong lahat mga engkantadiks!!!
YOU ARE READING
Calista | Encantadia
RomanceY'brahim X Oc X Muros Ng patayin ng mga Sanggre ang mga natitirang kawal ni Hagorn ay akala nila papayapa na muli sa Encantadia, ngunit nag kakamali silang lahat ng biglang bumalik si Hagorn kasama lahat ng Hadezar mula sa Balaak. Bilang Reyna at ta...