6. Pagbagsak

113 7 3
                                    

~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~~~~~

Tumila na ang araw sa Encantadia, Naka tayo si Calista mag isa sa labas ng Sapiro, hawak ang espada na niregalo sakanya ng Bathalumang Ama, pati narin ang kanyang puting armas, ang kanyang pilak na buhok at Naka tirintas habang ang kanyang Lilang mga mata ay Naka tutok sa mga parating na hadezar mula sa malayo. Tumindig ang kanyang mga balahibo sa katawan at ipinikit ang kanyang mga mata

" Ama, basbasan niyo sana kaming mga diwata " bulong niya sa hangin na gamit ang Encantadong lengguwahe, ng buksan ni Calista ang kanyang mga mata ay nakita niya ng paparating ang buong hadezar ni Hagorn, May maliit na ngiti ang bumungad sakanyang muka, dahil maganda ang pag kaka plano ng hari ng mga Hathor na lubusin ang Sapiro dala-dala ang kanyang buong kawal.

Sa ibang panig naman ay nakikipag laban ang mga sanggre, kasama si Cosmo, Y'brahim at ang Mashna ng Lireo kay Hagorn at sa kanyang panig ng malalakas na kawal.

" Lumapit kayo saakin! At mararamdaman niyo na muli ang pagbalik niyo sa Balaak! " Sigaw ng isang diwata at inikot ang kanyang espada sa kamay, hindi nakinig ang mga hadezar sa diwata at kaya't bilis na tumakbo sasakaya. Alerto, agad na pinaslang ni Calista ang mga umiikot sabayang mga ivtre mag-isa.

Tinaas ng isang hadezar ang kanyang espada at handa ng anakihin ang Diwata, ngunit ng nakita nito ni Calista, agad niyang sinaksak ang isa, bago kunin ang kamay ng hadezer at paslangin ito sa puso

Nanlaki ang mga mata ni Agane sakanyang nakikita, lahat ng hadezar ay malapit ng maubos, onti nalang ang natitira dahil sa isang diwatang naka-suot na outing armas. Mabilis na tumakbo si Agane sakanyang hari at nakita itong naka Luhod na sa lupa na May madaming sugat sakanyang mga muka, Naka tayo ang mga diwata sa harap, ang kanilang masasamang tingin ay sapat na na alamin sila'y natalo muli...

" Panginoon! Wala na ang iyong mga hadezar! " Pag sasabi ni Agane at tinuro kung saan ito ngyayari. Tinaas ni Hagorn ang kanyang ulo at tila nanigas ng makita ito. Nagulat nalamang din si Asval

" PASHNEYA! paslangin ang diwatang yan! " Ang malakas na sigaw ni Hagorn dahil sa galit. Tinulungan siyang makatayo ni Agane, ngunit agad agad sana siyang sasaktan ni Y'brahim ng marinig niya ang mga salitang binawi ni Hagorn tungkol kay Calidta, ng pigilan siya ni Perena

" Sheda, Rehav " tahimik niyang sabi at dahan dahang binaba ang kanyang kamay. " Kayo nalang ang natitira, isang galaw niyo at hindi kami natatakot paslangin kayo " pag tatapat ni Elena.

Ng maubos ni Calita ang lahat ng hadezar sa labas ng Sapiro ay hingal ang diwata, ramdam niya ang kapaguran sakanyang katawan na lalo't wala siyang tigil patayin ang mga ito. Bago pa baka balik si Calista sa palasyo ay nag pakita ang kanyang ina sakanyang harapan na di Cassiopeia, suot suot ang kanyang armas at dala ang kanyang espada.

" Anak ko " saad ni mata at mabilis niyakap ng mahigpit ang dalaga, kahit siya'y pagod ay nakayanan parin ni Calita ngumiti, dumaing ang diwata at nilapag ang kanyang baba sa balitkat ng kanyang ina

" Hindi mo naman sakin sinabi na ganon pala nakaka pagod ang mag paslang ng mga kaaway, ina " Pabiro niyang sabi na siyang kinatawan ni Cassiopeia. Ginawan niya ang mga pisngi nito at ngumiti

" Ipinagmalaki mo ako at ang iyong Bathalumang ama, Calista "

~

Isang malakas na tunog ng kampana ang narinig sa lupain ng mga diwata, ang mga mandirigma ng Sapirian at Lireo ay sabay sabay bag hiyawan sa saya, sama sama silang nag salo salo dahil sa pag nakatali ni Hagorn, pati narin ang pag wala ng mga hadezar. Ngumiti ang mag kapatid na Sanggre sa isa't isa habang suot ang kanilang mga mahahabang damit, ng binuklat ni Hara Amihan ang kanyang mga mata ay bigla agad siyang umupo, at nakita ang lahat na nakatingin at Naka tingin sakanya

" D-Danaya, patay na ba ako? " Tanong niya na siyang ginawa ng mag kapatid, lumapit si Danaya sinayang tabi at hinawakan ang Kamay ni Amihan, naramdaman niya ang pag titigas at pag lambot na ito, kaya't naisip niya na baka wala nga siya sa Devas kung hindi sakanyang Kaharian sa Encantadia

" Madami pang nag mamahal sayo Amihan, sabi ko sayo, hindi mo kailangan isagawa ang iyong plano upang maka manalo kay Hagorn " Sagot ni Danaya na May ngiti sakanyang labi, tumigin sa itaas si Amihan at nakitang buo na muli ang kanyang mga kapatid, si Alena... At si Perena

" Kung ganon, paano? " Tanong ng Hara at tuntunin si Danaya sakanyang dalwang kapatid.

Isang malakas na putukan ang naging palabas sa labas ng Lireo, ang makukulay at nagniningning na mga paputok ay sumilay sa ulap, sama sama ang mga diwata sa saluhan na ito. Ang apat na mag kapatid ay parehas Naka tayo sa balkonahe, habang ang Reyna ng Encantadia ay suot suot ang kanyang korona, tumingin si Amihan kay Lira at napangiti nalamang ito at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak.

Sa likod naman ay si Perena, na nakatingin at ninang mamasdan ang pag mamahal ng dalwang mag ina, sa puso niya ay dinadamdam niya rin ito, para sakanyang anak na si Mira. Dahil ilang taon ng naramdaman niya ang isang pagmamahal mula sa kanyang anak kung hindi pag susungit at galit sa looban, alam ni Perena na siyay nag kulang bilang ina sakanyang anak...

Ngunit May pag babago parin ang lahat, bumaba ang kanyang mga mata sa sahig, hindi niya na kayang pag masdan ang dalwa. Aalis na sana si Perena sa selebrasyon ng-

" Ina "

Agad tumalikod si Perena ng marinig ang boses ni Mira, akala niya'y tinawag niya si Amihan ngunit ng makita niya ang mga luha sakanyang mga mata at onting onti nito biniyak ang puso ng isang Ina.

" M-Mira, hali na at sumama ka saamin " saad ni Perena at bubuksan ang kanyang braso, akala niya na gusto ni Mira na maki salo kala Amihan. Ngunit siya'y nagulat nalamang ng hagkan ito ng anak niya.

Hindi naitago ni Perena ang kanyang mga luha at ngiti hanggat sa niyakap niya rin ito ng mahigpit.

" Ina, p-patawarin mo ko dahil ako'y nag kulang bilang anak mo " iyak ni Mira habang nasa bisig ni Perena. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at tumingin sa mata ni Mira

" Wala ka dapat ipag sisi-si. Dahil dapat ako ang humihingi ng patawad sayo dahil hindi kita minahal at pinalaki na kasama ako. Mahal na mahal kita Mira, aking anak " Saad ni Perena at muling niyakap si Mira.

Naging payapa na muli ang Encantadia sa araw na yon....















*******
Bakit gusto ko Atang mag sulat ng Meteor Garden X Oc? 👆🏻😔👆🏻, Huaze Lei X Oc X Daoming Si? Sharrrr

Salamat sa suporta niyong lahat Engkantadiks! Binibigyan niyo ko ng motibasyon upang mag sulat at pasayahin kayong lahat!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Salamat sa suporta niyong lahat Engkantadiks! Binibigyan niyo ko ng motibasyon upang mag sulat at pasayahin kayong lahat!

Calista | EncantadiaWhere stories live. Discover now